Weird

105 9 2
                                    

ADELINA POV:

Hindi ko alam kung ano meaning ng halik na un pero alam ko mahal ako ni Karl at mahal ko din siya. Andito ako ngayon sa gym. Habang pinapanuod si Karl magbasketball.

Invite niya kasi ako manuod ng practice game. Ngayon ko lang nalaman marunong pala siya magbasketball bakit ngayon ko lang to nalaman? Bakit parang madami pa ako hindi alam sa kanya.

Nakarinig ako ng pinto, napabalik ako sa uliran ko tapos na pala ang game. Nakita ko tumakbo palapit saken si Karl na may ngiti sa labi. "si How's is it?". Tanong nito.

Napakunot ako ng noo sa sinabi nito. "Anong how's is it?".pagtataka kong sagot ko.

Tumawa to ng malakas at mas kinagulat ko ng lumapit sa tenga ko Halos naamoy ko na ang pabango nito at maramdaman ko na ang katawan nito nakadikit sa braso ko. "Mukhang hindi ka nakafocus saken Adelina?". Bulong na sabi nito.

Lumayo ito ng kaunti at umupo, kumuha ito ng pamunas sa tabi bag, pinunas ito sa mukha habang nakaharap sa court. "Tell me sino nasa isip mo ngayon?". Dagdag nito.

"hah? Wa-wala!". Mabilis na sagot ko.

Napapikit ako ng madiin ano ba kasi to mga sagot mo Adelina. Bad mouth. Bulong ko sa sarili ko.

"Tara!" sabi nito.

Nakita ko siya kinuha niya ang bag niya at naglakad na paalis ng gym. Agad ko kinuha ang bag ko at patakbo humabol. Ng mahabol ko ito. "san ba tayo pupunta Karl?". Paguusisa ko.

"Sa isang resto. Gutom na ako ehh!". Walang gana sagot nito.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Seryoso sa resto agad? Ehh ang aga pa.

"pero may klase pa ako!". Pagpapaliwanag ko.

Napatigil si Karl sabay ang paglingon saken, bumugad saken ito ng may hindi maipinta mukha. Napatigil naman ako sa paglakad at napaatras, wari'y may masamang mangyayari.

"Sasama ka ba saken? O aattend ka ng klase mo?". Sagot nito.

Halos mahulog ang panga ko sinabi nito. Seryoso kelangan niya pa ako papiliin. Ano ba nakain nito lalaki to? Nakita ko siya ng cross arms malapit sa dibdib hudyat na naiinip ito.

"sige sayo ako sasama! Minsan lang naman at ngayo-". Paputol ko sabi ng bigla niya ako hinatak.

"dami mo sinasabi tara na!". Rinig ko sabi kay Karl.

Pagdating ko sa resto halos mamangha ako sa ganda. Kasi ba naman kami lang dalawa dito. Pinaupahan niya kasi to. Umupo na ako habang pinagmamasdan ang paligid.

"you like it?". Tanong nito.

Napatingin ako kay Karl na ngayon nakatitig saken. Iniwas ko ang tingin ko sa hiya. "oo maganda. Teka ano okasyon at ganito kaingrande!". Tanong ko.

"wala gusto ko lang masolo kita?". Casual na sabi nito.

Napaiwas ako ng tingin dahil feeling ko pulang pula na ako. Ewan ko ba nagkiss na kami ng marami beses pero bakit parang hiyang hiya parin ako sa kanya.

"waiter!". Sigaw nito.

Agad naman pumunta ang waiter. Nagorder na siya ng marami ni hindi na nga niya tinanong gusto ko ehh. Mga ilang minutes dumating din ang pagkain. Halos mapangga ako sa dami. Parang fiesta. "Ang dami naman nito. Parang bibitayin na ako bukas ahh!". Sabi ko.

Nakarinig ako ng tawa. Napantingin ako sa harapan ko na ngayon tumatawa. "Lakas ng sense of humor mo Adelina. Sige isipin mo na lang na treat ko sayo un". Sabi nito.

Kaya sinimulan ko na lumapang este kumain. Sinimulan ko sa manok, sunod sa pansit, sa seafood at huli ang mga cake at ice cream. Huli kain ko ganito nung andun pa ako sa bahay namin. Napahinto ako sa pagkain ng maisip ko ang buhay ko noon sa ngayon.

"Is there any problem Adelina?". pagtataka nito.

Napasandal ako at bumuntong hininga. "Wala may naalala lang ako. Pwede ba ibalot na lang natin yung natira?". Sabi ko.

Nakita ko kumunot ang noo nito at napatingin saken pero madaling nawala. "sure anything you want babe!". Agad na tinaas niya ang kamay para tawagin ang waiter

"yes sir?". Tanong ng waiter.

"pwede pakibalot lahat to!".utos nito.

Agad naman kinuha ng waiter ang lahat lahat ng pagkain para balutin

---------------------------------------------------
KARL POV:

Hindi ko expect na mapapatawa ako ng babae ito. Di ko masisi dahil sa pagiging mukhang tanga nito kaya nagtatawa ako lalo.

"May dumi ba sa mukha ko?". Pagtatanong nito.

Agad ako napatingin sa kanya at ngumiti. "no babe! Nagandahan lang ako sayo.". Sabi ko.

Nakita ko nagblush siya at binaling ang tingin sa malayo. As what girls do. Halos lahat ng galaw ng babae alam ko na,mga gusto nila,mga ayaw nila. Basang basa ko na sila.

"ito na po sir!". Sabi ng waiter.

Agad ko to kinuha, tumayo na kami at dumiresto sa kotse ko. "so san gusto mo pumunta?". Pagtatanong ko.

Tinignan niya ang orasan niya sabay tingin saken. "sa seaside.". Masaya sagot nito.

Napakunot naman ako ng noo sa sinabi nito. "what sa seaside?". Gulat na sabi ko.

Nakita ko nagulat siya sa reaksyon ko. "bakit ayaw mo ba?". Malungkot na tanong nito.

"ahh-hindi sabi ko nga sa seaside". Mabilis na sagot ko.

Kakaiba to babae to, expect ko magmall, shopping at kung ano ano mga kalandian pero sa seaside, sa kacheapan na lugar na un. The heck! Weird!

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon