"Masyado kang defensive JAZIAH!"
*BOGSH!
Nagmamadali akong bumangon mula sa pagkalaglag ko sa kama sa gulat. Masyado akong nagulantang sa narinig.
Napakurapkurap kong tiningnan ang babaeng may ginintoang buhok at malalim na biloy sa kaliwang pisngi at namumula ang makinis at maputing balat. Naka ripped jeans at red crop top ito at prenting naka upo sa single sofa ko. Habang kumakain nang mansanas.
"Ano tulala ka sa ganda ko no?" She said then smirk.
" A-no, p-pano? Nanaginip ba ulit ako?"
Naguguluhang sambit ko." Hoy Gaga! Hindi ka nanaginip, dahil kung mapanaginipan mo ako baka bangugutin kapa sa ganda ko!" Oa na sambit nito.
At dun lang nag sink in sa akin ang lahat."LJJJJJJJJ! OMYGHADD"
tili ko nang mapagtantong totoo nga na nandito na ang pinsan ko. She isn't just my cousin though, she's also my best friend and my kakampi all the time ^_^."Grabe naman Alesha Jaze yung tili mo umabot ata hanggang kabilang kanto" nakasimangot na aniya habang tinatakpan ang tenga.
Lumundag ako at dinaganan siya, niyakap ko siya nang mahigpit sa sobrang tuwa.
"Ahhh, ahckk! Aray ano ba! May balak ka bang lagutan ako nang hininga. Kung makasakal naman to!" Reklamo nito.
" Ayy, sorry hehehe" sambit ko sabay bitaw sa leeg niya pero nakakandong parin.
"By the way namiss Kita, pakner^_^" nakangising sambit niya.
" Ako din, I miss you" naiiyak na sambit ko.
" Ohh bakit parang malungkot ka may problema ba? Akala ko ba masarap ang tulog mo kaya napapa ungol ka?" Nakangising pang aasar niya.
" Wala, okey lang ako"pagsisinungaling ko kahit alam ko namang hindi siya naniniwala. Masyado na niya akong kilala para paniwalaan Yun.
" Anong Wala?! Sinong niloko mo? Ako?! Tssk. Anong problema?"
Tanong niya." Marami" tipid na sagot ko at yumuko nalang.
" Sabagay kailan ka ba nawalan nang problema" natatawang sambit niya.
Napapailing nalang ako at natawa na rin.
This girl really knows me better than myself. Leonor Jaireh is my cousin, best friend, and adviser in life. She's with me since I was 6 and until now.
She's the reason why I survived in this lonely world. She always makes me laugh when I'm sad, and feel me better when at my worst.
She left and go to Spain two months ago, kaya sobrang na miss ko ang kakulitan niya.
" So how's Spain? Hmm, marami bang hot guys?" pag iiba ko nang usapan.
" Anong hot guys ka diyan! Pinagsasabi mo, hot headed kamo meron! Marami!" Nanghihilakbot na sambit niya.
Parang ang oa naman ata nito. Nakangiwi ko siyang tinitigan at dahan dahang ngumisi."Hmmm, I smell something fishy. Naka sukbit ka don no?"
Pang aasar ko lalo." A-anong hoy! Anong sukbit pinagsasabi mo kilabutan ka nga!"
Nanginginig kunyaring sambit niya." Ehh, bakit ganyan ang reaksyon mo?"
Nagkasalubong ang kilay na tanong ko." Anong reaksyon bah? Dati pa namang ganito ang reaksyon ko, ikaw pala tong mas oa sa ating dalawa ehh."
Nakaiwas ang paninging sabi niya." At bakit ba ako ang ginigisa mo nang tanong diyan huh! Diba ikaw ang maraming kailangang ikwento sa akin. Baka akala mo diko alam na grounded ka?"
Napanguso ako sa sinabi niya." Kasi naman ehhh! Sino ba kasing nag video non!" Nakukunsuming sambit ko.
Umalis ako sa pagkakadung sa kanya at umupo sa kama. Pinatong ko ang paa ko at naka pangalumbabang tiningnan siya.
" Anong video ba kasi Yun? At bakit ganyan ang reaksyon mo?" Naguguluhang tanong niya.
" Scandal" tipid na sagot ko.
" ANONG SCANDAL ANG PINAGSASABI MO ALESHA JAZE?! ANO BANG GINAWA MO SA BUHAY HABANG WALA AKO? BAKIT IMBES NA TUMINO LUMALA KAPA LALO! MA PAPATAY KO TALAGA SI JAIRED PAG NALAMAN KONG MAY KINALAMAN SIYA DITO!"
Malakas na sigaw niya, napatayo pa siya mula sa pag kakaupo at dinuro- duro ako.
Para namang na butas ang eardrum ko sa sigaw niya."Ano ba! Hinaan mo nga yang boses mo parang machine gun naman yan ehh!" Reklamo ko.
" Hoy! Wag mo akong utusan pag ganitong mainit ang ulo dahil baka lapain Kita nang buhay!"
Hinahampas pa ako nang unan. Ang lupet talaga nang isang to." Ehh kasi naman" napapangusong sambit ko.
" Anong kasi naman? Umayos ka nga! Ano? Sumagot ka o sasakalin Kita?" Galit na talagang sambit niya, Kaya no choice ako kung hindi sabihin sa kanya mula umpisa.
"Ano? At Wala man lang ginawa si JAIRED! Wala talagang kwenta ang kambal kung Yun! At sino naman itong si Mr. Grey eyes?" Nag iiba nang mood na tanong niya?
" Ewan ko, hindi ko naman na tanong ang pangalan non!"
" Tungek ka rin ehh noh! Bat hindi mo tinanong?"
" Ehh kasi kinaladkkad nanga ako ni mom pauwi diba?"
" Ang sabihin mo busy ka makipag landian kaya hindi mo natanong ang pangalan" umiikot ang matang sambit niya.
" Hindi ah! Anong nakipag landian ka diyan" nakangiwing sambit ko.
" Jusko! May time makipag landian, pero magtanong nang pangalan walang time?! Napapailing na sambit niya.
"Hindi nga ako nakipag landian!" Naaasar na sambit ko.
" Edi Hindi na! Ito naman masyadong defensive! Kanina ka pa ahh, una don sa 'bangunot' mo ngayon naman. Tssk! Tssk!" Napapailing na sabi niya.
" Ohh bakit? Binabangungot naman talaga ako ahh" napapiwas na tinging sabi ko.
" Tssk! Tssk! Tssk! Yang mga ganyang bagay mahirap pigilan yan, nakakamatay. Hahahahahaha" pang aasar niya.
" Baliw! Ewan ko sayo! Wala kang kwentang kausap."
Na bubwisit na sabi ko." Hahahaha ito naman di na mabiro. So ano ganyan ka nalang?"
Nakataas ang isang kilay na tanong niya." Anong ganito nalang? Tssk as if may magagawa pa ako ni piso nga Wala ako ehh" nagtatampong sambit ko.
" Paano kung itatakas kaya Kita? May welcome home party sina mom sa akin at sabi niya iimbitahan niya daw ang mga intern niya sa kumpanya para naman daw masaya tayo at ang ending Hindi ka pala makakadalo!" Parang naiinis na sambit niya.
" Ehh, ano namang gagawin ko! Pag tumakas ako eh didisown ako ni dad!" Nakatungong sambit ko.
" Akong bahala hindi yan! Hindi naman niya malalaman" nakangising asong sabi niya.
" Hoy kinabahan naman ako sayo bigla ano yan huh? At paano tayo tatakas nang hindi nakikita pwede ba Yun?" Naguguluhang tanong ko. Dahil parang malabong mangayari yun lalo na't mahigpit ang seguridad sa bahay namin ngayon dahil grounded ako kaya siguradong maraming guard ang nag nagbabantay sa gate.
"Anong balak mo isilid ako sa sako o di kayay maleta? Ehh Wala ka naman non? Dagdag ko.
" Ang dugyot mo naman mag isip JAZIAH! Syempre hindi! " Naka ismid na sambit niya.
" Ehh ano nga?" Pangugulit ko.
"Don't worry my dear I have a bright idea"
A/N: Thank you so much for reading labyuuu 💜😊❣️
Please don't forget to vote and leave a comment 😉❣️
Nagmamahal,
Fhynex🔥
BINABASA MO ANG
"COUNTLESS MISTAKE" by Fhynex
RomanceALESHA JAZE is the unwanted child, that's why she became rebellious, her parents expect a boy but it turns out a girl. She experienced the feeling of unloved and uncared, because her parents was a business tycon and both busy in thier own world. Tha...