"Oy Jax bat hindi ka pa pumasok? Wala ba diyan si Jaziah? "
I immediately turn at my back when I hear my cousin and I saw him leaning on the door frame while looking at Russ intently and turn to me.
Dumugundong ang dibdib ko sa sobrang kaba hindi ako makapag isip nang tamang sasabihin.
Napaawang ang labi ko pero walang namutawing salita.
Ilang minuto muna kaming nagtitigan bago siya bumawi nang tingin at binalingan ang pinsan ko.
"I guess she's busy I'll just go"
malumay na sambit niya.Napatayo ako sa gulat, bakit siya aalis?
Kung narinig man niya ang usapan namin ay wala naman siyang dapat ikagalit don. Bukod sa katotohanang walang kami ay hindi ko naman binigyan nang pagkakataon si Russ.Mapait akong napangiti sa naisip. Ako yung tipo nang tao na prangka at ayaw ko nang magpapa asa sa tao lalo na kapag alam ko namang wala na talaga.
Susundan ko na sana siya nang bigla akong hatakin ni Russ pabalik.
"Sino siya Aze?" halata sa tinig niya ang galit at pagkalito
Napatitig ako sa kanya at bumuntong hininga.
" Russ hindi ako pweding manatili sa tabi mo tulad nang sinabi mo kanina. Uulitin ko ayaw kong umasa ka at ayaw ko ring paasahin ka kung wala naman na talagang pag asa pa" malumanay na sambit ko.
Binalewala ang tanong niya." Dahil ba sa kanya Aze? Bakit sino ba yun? Kailan lang naman kayo nagkakakilala hindi ba?" nagtatampong tanong niya.
" Wala yun sa tagal nang pagkakakilala Aze!" Diritsong sambit ko. Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko.
Kitang kita sa mata niya ang gulat at sakit. Napaiwas ako nang tingin at napahawak sa batok.
Putek gusto ko nang sundan ang damuho pero ayaw ko namang iwan si Russ nang hindi pa kami nagkaka unawaan.
"At tungkol sa arrange marriage na sinasabi mo tatapatin na kita hindi ako mapipilit nang magulang ko sa mga ganoong bagay dahil ako ang dapat mag desisyon sa mga ganoong bagay at hindi sila" basag ko sa katahimikan na.
" Ikaw na ang bahalang magsabi sa magulang mo na hindi kailan man iyon matutuloy" dagdag ko.
Nanatili siyang nakatingin sa akin at hindi ko mawari kung ano na ang nararamdaman niya. Alam kong nasasaktan siya pero masyadong cold ang expression niya.
Dahan dahan siyang tumango pagkalipas nang ilang sandali at lumapit sa akin.
Hindi ko inaasahan na bigla niya akong yakapin nang sobrang higpit.
"How can I forget the pain Aze? Ayaw ko ring pilitin ka dahil mahalaga din para sa akin kahit papaano ang pagkakaibigan natin. Wish me luck to forget the pain easily Aze" malumanay na bulong niya.
Kahit wala akong espesyal na nararamdaman para sa kanya ay makaramdam parin ako nang sakit.
Niyakap ko siya pabalik at tinapik ang balikat niya nang lumalim ang paghinga niya. Ramdam kong nahihirapan talaga siya sa sitwasyon kaya malaki ang possibilidad na totoo
ang nararamdaman niya para sa akin.Pero paano niya ba iyon nalalaman?
Kung nasasaktan kaba doon mo malalaman na mahal mo ang isang tao?
"Jax bumalik ka may nakalimutan kaba?"
Napabitaw ako nang marinig ko ang pinsan.
" Yeah I forgot my coat" he said coldly and look straight to my eyes.
He clenched his fist ang tightened his jaw.
Hindi ko alam kung galit ba siya o ano dahil masyadong seryoso ang mukha niya.
"A-ahh lalabhan ko muna iyon. Isasauli ko nalang pagkatapos" nauutal na sabi ko.
He just shrugged kaya nahihirapan akong maniwala na bumalik ba talaga siya para don dahil mukha naman siyang walang pakialam.
Walang sabi sabi siyang umalis agad. Napanganga nalang ako sa inasta niya.
"Napaka Attitude nang lalaking yun!" Nabubwisit na sigaw ko.
Napalingon ako sa pinsan ko nang marinig ko siyang mahinang bumungisngis. Napabuntong hininga nalang akong napapailing.
" Finish your food Russ magpapahangin lang ako"
Palusot ko at naglakad na paalis hindi hinintay ang sagot niya.
Lakad takbo ang ginawa ko para makapunta sa gate. Buti nalang hindi pa nakaalis ang damuho. Nakita ko siyang lumingon sa gawi ko. Pinagkunutan niya ako nang nuo at binuksan ang driver seat.
Bago pa siya makapasok ay hinatak ko na ang braso niya.
"What?!" Magkasalubong parin ang kilay na asik niya.
"Ayoko nang seloso" hindi ko alam kung bakit iyon pa ang nasambit ko sa dami nang gusto kong sabihin sa kanya.
Kitang kita ko sa mata niya ang gulat at pagtataka.
"So?" Cold na tanong niya.
Napaiwas ako nang tingin at malalim na bumuntong hininga.
Napabitaw ako sa braso niya nang bigla niya itong hatakin.
Parang sinuntok ang puso ko sa lamig nang titig niya sa akin. Putek! Wala naman talaga akong obligasyong magpaliwanag pero bakit pakiramdam ko dapat akong magpaliwanag sa kanya.
Nakakatawang isipin na baka guni guni ko lang na nagseselos siya pero ang totoo ay wala naman talaga siyang paki!
May pa I waited for you in that 2 years pa siya! Ang sarap niyang suntukin!
Pasimple akong tumalikod para punasan ang namumuong luha sa mata ko.
Ang iyakin ko naman! Putek na yan!
" What do you want to say Alesha? I have an important meeting today" malalim at cold parin na sambit niya.
P*ta! Edi umalis ka na!
Sigaw ko sa aking isipan.
Kung hindi ko ugaling magpaasa ay mas lalong hindi ko ugaling mamilit nang tao.
Kung may importanting lakad pa siya bakit pa siya pumunta dito? Wag siyang mag alala hindi ko aangkinin ang coat niya kung yun ang iniisip niya! Ibabalik ko iyun sa kanya!
"Wala!" malamig ring tugon ko.
"Huwag kang mag alala isasauli ko sa iyo ang coat mo. Ibigay mo sa akin ang number mo papatawagan kita nang pinsan ko pag tapos ko nang labhan iyon" malamig na dagdag ko.
Pumunta siya sa harapan ko kaya napaiwas ako nang tingin.
"Here"
Tinanggap ko ang calling card niya at maglakad na sana papasok nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
Napatingin ako sa kamay niya at kamay ko.
Itinaas ko ang paningin sa mukha niya. At kitang kita ko ang pag aalinlangan sa malamig niyang mga mata.
Binawi ko ang kamay ko at tumalikod na.
" You told me before that I'm not your type and now you don't like me because I easily got jealous?" Malamig na sambit niya.
" Why what is your type Alesha someone who is chinky and you like someone who can't easily get jealous someone who can afford to look at you hugged and kissed someone in front of him?" malamig na dagdag niya.
" Just like your FIANCE?"
A/N: Thank you so much for reading labyuuu 💜😊❣️
Please don't forget to vote and leave a comment 😉❣️
Nagmamahal,
Fhynex🔥
BINABASA MO ANG
"COUNTLESS MISTAKE" by Fhynex
RomanceALESHA JAZE is the unwanted child, that's why she became rebellious, her parents expect a boy but it turns out a girl. She experienced the feeling of unloved and uncared, because her parents was a business tycon and both busy in thier own world. Tha...