CHAPTER 2

34 16 2
                                    

  " WHAT THE HELL!" sigaw nang mommy ko habang parang tuod naman na natigilan si daddy.

"ANO ANG IBIG SABIHIN NITO! ALESHA JAZE! KAGABI IBANG LALAKI ANG KINA KANDUNGAN MO NGAYON NAMAN! ANO TO?!" Naghihisteryang sigaw nang ina ko.

Pumutok na ata ang litid niya sa sobrang gigil, habang nakatulala lang ako habang tinitingnan  siya.

"What is the meang of this AJ?!"
Malakas na sigaw ni dad.

Napalundag ako sa gulat at doon lang bumalik ang daloy nang dugo ko.

"Huh! Ahh nag jijingle lang ako ehh..kayo ba?"

Nalilitong tanong ko. Nagulat ako nang panlakihan ako nang mata ni mom. Ano? Tama naman ako ahh.. iihi kana nga lang ang dami pang istorbo.

" Sa lagay na yan huh! Iihi lang! Jusko Aj! Kailan ka ba mag titino hindi kana bata, pero hindi ka pa sobrang tanda para gawin ang mga ganyang bagay!"

" Mom! Ano bang bagay Ang pinagsasabi mo riyan ehh iihi lang naman talaga ako!" Napapikit sa inis na sigaw ko.

" And who the hell is this man?! Bakit naka dukwang siya sayo huh! Ano? Tinutulungan kang umihi ganon?!"

Nagugulat na tiningnan ko si... Sino nga to? Hindi ko pala to kilala🤦🏻‍♀️
Jusko naman! Kamas malasan nga naman oo!

" Mr. With grey eyes ikaw nga mag explain tinatamad ako" nakukunsuming sabi ko sa kanya.

" A-ahmm, a-ahhh..."
Utal utal na sambit niya.

" Ano? Nalunok mo ba ang dila mo huh? Nako ka tangahan nga naman, oo!"
Naguguluhang sambit ko habang sinusuri ang mukha niya.

" Ano ba! Aj! Umayos ka nga, hindi ito Yung panahon para magtanga tangahan tayong lahat dito!" Nanaway na sigaw nang mommy ko.

" This is a serious matter Aj! Fix your self Aj and will talk outside!" Istriktong sambit nang ama ko.

Naunang lumabas si dad at sumunod naman si mom sa kanya.

" Ano? Ikaw ganyan ka nalang? Ano may balak ka pang ituloy yung naudlot?"  Nakataas ang kilay na tanong ko kay Mr. Grey Eye.

" Tssk you're really is  crazy!"

"Anong sabi mo? Ako baliw, baka ikaw! Ikaw yung basta basta nalang pumapasok!"

At ang walanghiya tinalikuran nalang ako bigla. Tinuloy ko na ang naudlot kong pag jijingle at ginawa ang ritwal ko sa loob nang banyo.

Seryoso na ako nang lumabas at nag tungo sa sala. Sobrang seryoso nang lahat habang nakapalibot sa parihabang sofa na may coffee table sa gitna, sa sobrang seryoso akala mo problema nang buong Pilipinas ang pag uusapan.

" Ahmm... Wala man lang bang coffee?   "  Tiningnan ko sila isa-isa, at matalim naman na mata ang sinukli nang magulang ko.

" No need! Get your things and we'll go home, Now!"
Malakas na sigaw ni dad.

"Talaga wala nang meeting? Hahaha, ahmm... Okay." Tumatango tangong sambit ko.

" Mr. Stanford explain to us everything, so no need, you!" Nakaturong sigaw ni dad sa akin.
" You have a lot of things need to explain" at kinaladkad niya na ako palabas nang condo ni Mr. Grey eyes.

Sobrang tahimik sa loob nang sasakyan, wala ni isa man sa amin ang nangahas na magsalita. Napatingin lang ako sa labas at mariing ipinikit ang mga mata.
Ngayon lang nag sink in sa akin ang lahat nang nangyari kagabi at kung paano ito nalaman nang magulang ko, at paano nila ako natuntun doon.

Alam kong walang salitang impossible sa pamilyang Fuentes, ma impluwensiyang tao ang mga magulang ko lalo at kilala sila sa business world.

Nahinto ang pagmuni muni ko nang tumigil ang sasakyan, nang tingnan ko ang unahan ay nasa tapat na pala kami nang bahay, hindi ko man lang napansin ang haba nang biyahe. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa sobrang kaba o dahil sa mga katanungan sa isip ko.

Isang Spaniard design ang bahay namin na may malaking garden sa bandang kaliwang gilid at fountain naman sa kanan, ngunit dahil sa renovation last year ay may konting touch na ito na modern style. Classical at mix with modern naman sa loob na naglalaro sa gold, brown, grey, at white na kulay, sobrang manly.

Naunang umupo sa sofa ang ina ko, samantalang nanatiling nakatayo naman si dad sa gilid niya hinihilot ang sentido, animong sobrang stress. Ito na hukom nato! Bibitayin na ako nito. Sana man Lang nandito ang pinsan ko para may abogado ako na taga sangga sa akin. Jaireh asan kana ba?!

"Anong pumasok sa kukute mo at ginawa mo Yun! Alesha Jaze! Asan Ang delikadesa mo dun huh! Don't you know that, that video is everywhere now!" Nang gagalaiting sigaw ni mom habang nakaduro sa akin.

" Mom, I don't know what are you talking about! Anong video ba?" Naguguluhang tanong ko.

Inihagis niya sa akin ang iPad niya at doon ko nakita ang  video na naglalaman nang ginagawa ko kagabi, kitang kita don na naka kandong ako kay Russel. Hindi ko manlang natandaan na si Russ pala ang nakahalikan ko dahil sa kalasingan. Pero ang tanong sino ang kumuha nito? Sinong nag video sa amin?

" P-paano? S-sinong nag video sa amin?" Nauutal na sambit ko.

" Huh! Hindi mo alam? You're so stupid! Don't you know that video became viral huh?! Ano nalang Ang sasabihin nang mga tao? Na hindi ka napalaki nang maayos! Na walang delikadesa ang nag iisang anak ni Maria Alesha at Alexander Jaze? Huh?! We are a very respected people Aj! Hindi mo man lang inaalagaan ang pangalan namin sa industriya!" Napasapo sa noong sambit ni mom .

" Where are your brain?! AJ! Wala ka nang nagawang matino sa buhay! Puro nalang sakit nang ulo ang ibinigay mo samin nang mommy mo! You don't do any good! Just mistakes!"
Sigaw ni dad.

Ngayon alam ko na kung bakit sa dinami dami nang insidenting ganon ngayon pa sila nag react. Dahil nag viral na at wala silang iniisip kundi ang pangalan nila sa industriya. Huh! Nakakatawa isipin akala ko pa naman concerned na sila, yun naman pala!

" Ohh, come on mom, dad, alam ko naman na sa simula palang wala na talaga kayong paki sa akin! So don't act like you care, when the truth is you are just worrying about your name in the industry because of your mistake daughter!" Hindi napigilang sigaw ko.

*PAK* , *PAK*

Mag asawang sampal ang ibinigay sa akin nang ina ko. Pero namanhid na ang puso ko, para makaramdam pa nang sakit.

" How dare you! Talk to us like that! We are your parents at hindi ka namin pinalaking ganyan ka bastos!"

" Dahil hindi naman kayo ang nagpa laki sa akin, kundi si yaya diba?! Oo you are my parents but I've never felt like I have one! Lagi nalang kayong busy! Laging may lakad!" Umiiyak na sambit ko.

" All we did was for you and for your future! Put that on your empty mine Aj!" Sigaw ni Dad.

" Dad I don't need a fancy things, all I want is your time, love and care! Mahirap bang ibigay Yun! Mahirap ba akong mahalin?! O hindi niyo ako magawang mahalin dahil hindi ako yung gusto niyong maging anak?! Totoo naman diba? You don't want a daughter! You want a son para magmana sa kayamanan niyo! Pero kasalan ko ba na naging babae ako?! It's not my fault mom! Dad!" Hindi mapigilang sambit ko.

" Don't go there Aj! Wag mong nilalayo ang usapan! All we need to settle  there is your stubbornness! From now on you will be grounded again at kapag tatakas kana naman, I will disown you!" Malakas na sigaw ni dad at dinuro ako.



A/N: Thank you so much for reading labyuuu 💜😊❣️

Please don't forget to vote and leave a comment 😉❣️

                                       Nagmamahal,
                                                Fhynex🔥

"COUNTLESS MISTAKE" by FhynexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon