CHAPTER 6

22 11 4
                                    

"Ano ka ba naman wala lang yun no! Hindi ko naman kayo narinig ehh!" Pagsisinungaling ko.

"Hindi nga ba?" nanunuring tanong niya.

"Oo nga" pinanindigan ko ang sinabi.

"Tskk ulol mo nakita kita bago ako kausapin ni tita oyy!"

"Nakita mo naman pala nag tanong kapa! Ewan ko sayo" iniiwas ang paninging sabi ko.

" Hahahah wala lang para ma iba ganun"
Walang kwentang sagot niya.

Nauna na akong bumaba nang buksan niya ang pinto.

Marami nang sasakyan ang naka parada at maingay na sa loo kaya sure akong marami nang tao doon.

Sa garden ginanap ang party kaya doon na ako dumiritso. Naghahabaang lamesa ang unang  bumungad sa akin.
Makikita mo talagang pinaghandaan ang party na ito dahil sa bonggang decorasyon na perpektong nakalagay ang iba ay nakasabit pa na tila mga bituin  na nagniningning sa madilim na gabi.
Dati pa namang maganda ang garden nila Jaireh pero ngayon mas na appreciate ko ang ganda nito dahil sa nagkikinangang series light na naka palibot at ibat ibang disenyo. Ang kalahati nang pool nila ay tinakpan nang glass kaya ang ganda tingnan at ang linaw nang tubig parang nasasabik tuloy akong lumangoy.

"AJ you're here" masayang sambit ni tita habang nagmamadaling lapitan ako para yakapin.

" Opo tita heheheh, namiss kita" paglalambing ko sa kanya habang mas hinigpitan pa ang yakap.

Minsan tuloy naisip ko bakit kaya hindi nalang si Tita Mailey ang naging mommy ko. Siguro ang swerte ko pag nagkataon.

"Ohh I miss you too baby. Buti pinayagan ka ni Mailesh na pumunta dito? I heard you're grounded?"
Nag aalangan  na tanong niya.

Napaiwas naman ako nang tingin.

"But it doesn't matter ngayon enjoy the night alright?" nakangiti nang sabi niya.

" Tumukas po ako tita" nakayukong pag amin ko. Kung mayroon mang tao na hindi ko kayang pag sinungalingan ay si tita at tito yun. Masyado silang mabait sa akin para magsinungaling pa ako.

"Ohh is that so? Ok hindi ko sasabihin sa mom mo sa atin lang to heheheh?" binulong pa niya. Ang cute talaga ni tita napaka supportive, ang swerte nang pinsan ko haysst.

"Opo hehehe, ang sarap nang mga pagkain tita kayo po ang magluto?" Natatakam na sambit ko nang makita ang mga naka display na pagkain.

"Oo hehehe, eat na ok? Enjoy the night baby and meet some friends, alright? I'll just entertain some guests."

Tumango nalang ako habang ang paningin ay nasa pagkain parin.

*Krook *krook

" Shit wag ka ngang masyadong ma excite tummy. Makakain natin lahat yan mamaya. "
Pagkausap ko sa tiyan ko.
Ngayon ko lang naalala na hindi pala ako nagtanghalian. Ayssst kaya pala gutom na gutom na ako.

Kaya naman hindi ko na hinintay si Jaireh at kumuha na ako nang pag kain. Dalawang plato ang dala ko papunta sa pinaka dulong table yun lang din ang pinaka maliit nasa tatlo o apat na tao lang ang kasya.

Nilapag ko ang plato ko at sinimulan nang lantakan ang pagkain. Kumuha ako nang juice sa service waiter na dumaan.

"Kuya hatiran mo ako nang tatlo pang juice at isang bote nang whisky huh"
Utos ko dito.
Napatingala ako maramdam kong hindi pa rin siya umalis sa tabi nang table.

"May problema ba sa sinabi ko kuya?" Naguguluhang sambit ko.

" A-ahh, m-may kasama po ba k-kayo maam?" Parang nalilitong tanong niya.

"COUNTLESS MISTAKE" by FhynexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon