CHAPTER 19

7 3 0
                                    

   A/N: HI GUYS❣️😊
      I'M BACK AGAIN 😊 PASENSIYA NA TALAGA SA SOBRANG TAGAL NA WALANG UPDATE DAHIL BUSY LANG TALAGA SA PAG AARAL SI MADAM. MAY ENTRANCE EXAM AKONG KAILANGANG PAGHANDAAN KAYA WALA MUNA AKONG TIME PARA MAG UPDATE. BUT I'M BACK NOW AT SISIKAPIN KONG MAKAPAG UPDATE ARAW-ARAW NA MISS KO TO.. AKO KAYA NA MISS NIYA? CHARRR.. SO WITHOUT A FURTHER A DO ITULOY NA NATIN TO.
SANA PALA NA GUSTUHAN NIYO ANG STORY KO. GUSTO KO LANG DIN PALANG MAGPASALAMAT SA LAHAT NANG NAG VOTE AT COMMENT 😉❣️
SOBRANG THANK YOU GUYS ❣️ LABYUU .. SANA SUPORTAHAN NIYO AKO HANGGANG HULI💕. HAPPY ALMOST 500 READS TO ME GUYS ❣️


I wish I could live a peaceful life like the other. I just want a simple life but you give me a very complicated one God.

   Hindi ko nakalimutan ang piping hiling kong iyon kanina habang naliligo.

Ngayon ay nandito ako sa may burol nakahiga sa damuhan dito ako napadpad matapos ang mahaba naming diskusyon kanina habang nagtatanghalian.

Nagdesisyon ang tita ko na manatili muna kami nang pinsan ko nang dalawang linggo dito kaya dito muna kami. Pabor din naman sa akin yun dahil bukod sa sobrang ganda nang tanawin dito ay tahimik din.

Pagganitong may dinadala akong mabigat na problema gusto ko ay yung tahimik at madilim na paligid.

Papalubog na ang araw kaya kulay kahel na ang langit pero hindi parin ako umalis sa pagkakahiga. Mag aapat na oras na ako dito pero hindi parin ako nagsasawa sa sobrang sarap nang simoy nang hangin.

Ito ang gusto kong tanawin araw araw  ang makita ang pagsikat nang araw at ang paglubog nito.

Hindi ko mapigilang mamangha kung gaano kaperpekto ang Diyos sa pag gawa nito.

Sana lahat nang tao ay nakikita ang halaga nang kalikasan dahil darating ang araw na babalik at babalik din talaga sa tao kung ano ang ginawa nila.

Pumikit ako saglit para namnamin ang hanging amihan na paparating at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Sobrang dilim na sa paligid nang pagmulat ko.

Sa mga bituin unang tumama ang mata ko. Dati noong bata pa lang ako pangarap ko talagang abutin ang bituin. Pero sabi ni nanay Ciring hindi mo daw maabot yun. Eeh sa hindi naman talaga pero may tao na daw na nakapunta sa moon kaya pangarap ko ring makapunta roon.

Napangiti ako nang mapait nang maalala ang sinabi sa akin nang ama ko dati nang minsan kong ikwento sa kanya ang pangarap kong yun.

" Kahibangan ang pangarap mong yan! Hindi ka  kailan man makaka punta roon kaya wag mo nang pangarapin! Ang dapat mong pagtuunan nang pansin ay ang pagpapatakbo nang kumpanya! Baka sakaling magbago ang isip ko at ipamana ko ito sayo!"

Napapailing kong pinunasan ang luhang dumaloy sa pisngi ko at itinaas ang kanang kamay para kunyaring abutin ang buwan nang magpakita na ito. Kanina kasi ay natatabunan ito nang ulap.

" I wish I could go there" piping hiling ko.  " But I know it's impossible"

Nanlulumo kong ibinaba nalang ang kamay.

" You are awake now"

Nilingon ko ang may ari nang boses na iyon at hindi nga ako nagkamali ang damuho nga ito may bitbit siyang dalawang basket at may tipid na ngiti sa labi.

" Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko gusto ko munang ma pag isa? Bat nandito ka na naman? Wala ako sa mood para makipaharutan sayo ngayon" inunahan ko na siya baka kasi kung ano ano na naman yang iniisip niya.

" Hey! Why so judge mental? I'm here because I brought you a food for dinner" nakangiting sabi niya at dahan dahang inarrange ang mga dala niya sa blanket.

Kaya pala hindi ako kinagat nang langgam kanina dahil may blanket na pala.

" I saw you sleeping peacefully here kaya dinalhan kita nang blanket at pillow"
Napalingon ako sa unan nang sabihin niya yun.. ahh so iyon pala ang sagot sa tanong ko kanina kung bakit me unan ako.

" You like sleeping everywhere huh?"
Nakangiti pa ring tanong niya.

Tumango lang ako at kumagat sa sandwich na dala niya.

" The first time I saw you, you are sleeping at the garden and now you're sleeping here"
Tumatango tango pang sambit niya.

Hindi ko rin alam kung bakit mas gusto kong matulog sa mga open space na ganito kaysa sa kwarto ko.

Noong bata pa ako pag pinapagalitan ako ni mom and dad ay never akong nagkulong sa kwarto sa garden lagi ang punta ko non.

Siguro dahil mas nakakahinga ako nang maluwag doon hindi tulad sa kwarto na para akong kinulong doon at hindi ako makahinga parang ambigat sa pakiramdam na ewan basta! Ayaw ko magkulong sa kwarto mas gusto kong pumunta sa garden at kausapin ang kaibigan kong butterfly don.

" Asan nga pala si insan? Nag dinner na ba siya?"

Tanong ko bigla sa gitna nang katahimikan.

Mayamaya mag tampo pa sa akin yun dahil inunahan ko siyang kumain tssk!

" Niyaya ko siyang pumunta dito but she refused to. She's busy shouting someone at her phone"

Napakunot ang noo ko sa huling sinabi niya. Ano daw? Shouting someone at her phone? Sino namang someone yun?

" Sino naman daw? Narinig mo ba? Is it a boy?" Pang iimbestiga ko sa kanya.

" Maybe, all I heard was she shouted,  you can't command me what to do asshole it's your fault so don't blame me jerk! After that I exit because she really look scary while shouting out there"

" Hmmm ganun ba? " Yun nalang ang naisagot ko. May hindi talaga sinasabi sa akin ang isang yun. Malalaman ko rin yun pagdating nang panahon.

Tahimik lang akong kumakain inienjoy ang tanawin.

Andami palang Series light na naka palibot malapit sa bulkan kaya ang ganda tingnan at kita parin kahit gabi dahil sa nagkikinangang series at bombilya.

" Ehemmm"

Napalingon ako sa kanya nang bigla siyang tumikhim.
Tinaasan ko lang siya nang kilay nang parang may sasabihin siya pero hindi niya masabi.

" Ano?"

" Ahmm do you- , do you feel better now?" Nag aalinlangan niyang tanong.

Natawa naman ako bigla.

" Hindi ko alam kung kailan ako magiging okay, o magiging okay pa ba ako? Parang back to zero na naman ako sa buhay at hindi ko alam kong paano ko ito sisimulan ulit o kakayanin ko ba?"

Napapiling na sambit ko bago tumungo dahil nararamdaman ko na namang babagsak na naman ang luha ko.

" Hey don't say that okay? Nadito ako hindi kita pababayaan, I will be always at your side no matter what happen"

Napatitig ako sa kamay ko nang masuyo niya iyang hinalikan.
Mas lalong nangilid ang luha ko at pakiramdam ko ay nagkaroon ako nang biglang kakampi.

Para akong uhaw na uhaw na Lion sa desyerto na nakakita nang maliit na lawa sa sobrang tagal na paghahanap.

Napangiti ako nang mapait nang masuyo niyang dampian ang pisngi ko na may luha.

" No matter how hard the situation is I always stay by your side. You can count on me anytime. Don't hesitate to contact me if you need anything. If you need a shoulder to cry on I'm here. If you need someone to hear your story I'm all ears. I will support you in any way  even if it very impossible I will make it possible for you. I promise I will fulfill my promises to you keep that in your heart"

" I hope so because Promises are meant to be broken"




A/N: Thank you so much for reading labyuuu 💜😊❣️

Please don't forget to vote and leave a comment 😉❣️

                                       Nagmamahal,
                                                Fhynex🔥

"COUNTLESS MISTAKE" by FhynexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon