CHAPTER 17

17 6 0
                                    

  * SPG*   * A BIT WILD*


    Sobrang sakit nang ulo ko para akong pinukpok nang martilyo.
Napahawak ako sa ulo ko at dahan dahang nagmulat  nang mata. Asan na ba ako? Nasa Batangas parin kaya kami? Ano bang nangyari? Putek! Hindi ko na maalala.

Pilit kung binalikan ang nangyari kahapon at nagsisi na inisip ko pa iyon nang bumalik ulit ang sakit na aking nararamdaman.

" Uminom ba ako kagabi?" naguguluhang tanong ko sa sarili.

"Yeah"

" Ayyyy bhelat!"

Napatalon ako sa gulat nang may biglang sumagot sa sinabi ko.
Nang lingunin ko ito ay ang damuho lang pala.

Nakaputing t-shirt siya at black shorts. Nakatukod ang kaliwang kamay niya sa tuhod at ipinatong niya ang mukha dito nakangalumbaba siyang nakatingin sa akin.

" Ano ba! Aatakihin ako sa puso sayo ehh! Paano ka naka pasok dito? Asan ba ako at asan si insan? Bakit ikaw ang nandito?"

Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
Bat ba panay ang pa cute nang isang to hindi nalang ako sagutin! Oo gwapo siya hindi na niya kailangan pang magpacute sa harapan ko!

" You sleep like an angel"

Napanganga ako nang nakangiti niyang sabihin iyon.

Umakyat ata lahat nang dugo ko sa mukha. Umiwas ako nang tingin at napakagat sa ibabang labi.
Jusko! Ang aga aga magpakilig nang damuhong to! Ang sarap papakin! Ay este sapakin! Oo SAPAKIN! LITSE.

" Ano namang connect non sa tanong ko tssk!"  Asik ko sa kanya.

" Nothing I just want you to know it"
Nakangiti paring sambit niya.

Ano naman kayang nakain nito at panay ang ngiti! Nagtitinda ba to nang ngipin?

Inirapan ko nalang siya at bumangon na sana pero napabalik ako nang higa nang biglang umikot ang paningin ko.

Hala! Grabing hang over naman to! Isinusumpa ko talaga lahat nang alak sa mundo! Putek ansakit nang ulo ko! Last na talaga yung kagabi hindi na ako iinom ulit bwisit!

" Iyan ang napapala mo sa katigasan nang ulo mo! I told you last night to stop drinking hindi ka nagpa awat sa akin so take that as a price!"

Bwisit na to tinalakan pa ako.

" Manahimik ka nga diyan mas lalo akong nahihilo sa mga sinabi mo para kang mo-"

Hindi ko matuloy ang sasabihin dahil parang may bumara sa lalamunan ko.
Ako naman ang nag desisyon non pero ansakit tanggapin dahil alam ko sa sarili ko na kahit hindi ko sinabi iyon ang ama ko ang magsasabi non at hindi ko kayang tanggapin iyon kaya inunahan ko nalang siya.

Napakurap kurap ako nang biglang dumampi ang kamay niya sa mukha ko para tuyuin ang luha na hindi ko namalayang tumulo.
Iniwas ko ang mukha at nagtalukbong nang comforter. Doon ako mahinang humagulhol. Kahit anong inom ko hindi parin nawawala ang sakit kahit ata ubusin ko lahat nang alak sa mundo hindi pa ron ito mawawala.

Wala talagang mabuting naidudulot ang alak na iyon piste! Sakit lang ata nang ulo ang nakukuha ko don bwisit talaga!

" I'm sorry I don't want you to feel that way. I'm really sorry, hey please talk to me again"
Mahinang sambit niya habang pilit na  kinukuha ang comforter.

" Umalis ka nalang matutulog ako ulit" mahinang  sambit ko pilit pinatatag ang boses dahil nanginginig na ako " ano ba! Wag mo ngang hatakin!" Asik ko sa kanya nang pilit niya paring hinahatak ang comforter na tinakip ko sa mukha.

"COUNTLESS MISTAKE" by FhynexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon