CHAPTER 22

6 2 0
                                    


" Don't worry you made a right decision" sensirong sa sambit niya habang nakatitig sa mata ko.

" Talaga? Sa tingin mo tama yun?" Panigurado ko sa kanya, matamis siyang ngumiti at tumango.

Aaminin kong nagdadalawang isip din talaga ako kung tama ba yung ginawa ko.  Pero alam ko naman sa sarili ko na kung hindi ko talaga sinabi yun ay si Dad talaga ang magsasabi non, at mas masakit talaga yun para sa akin.

" Let's go back masyado nang late alam kung nilalamig kana"

Tumango nalang ako nang hilahin na niya ako pabalik sa hotel.

Dumaan ang mga araw na lagi lang akong naka tulala at minsan ay sumasama sa pinsan kung mag jogging dahil sawang sawa na ako sa talak niya kada umuga! Iyon na ata ang routine niya araw-araw! ang talakan ako dahil daw tataba na daw ako sa ginawa kung puro kain at tulog lang!

Maaga akong nagising sa araw na to, tiningnan ko ang clock sa bedside table at 3 am pa lang. Alam kong hindi pa gumigising ang mga kasama ko ngayon dahil antagal nilang bumalik dito kagabi. Tinatanong ko sila kung saan sila galing sabi ni Jaireh may inasikaso lang daw grabi namang inasikaso yan inabot talaga sila nang halos hating gabi huh!

Balak ko lang sanang maghilamos pero na realized kong apat na araw na pala akong di na liligo kaya mabuti pang maligo nalang.

Pinili kung soutin ang itim na Sports bra at itim na cycling short na pinatungan ko lang ng sports shorts din. Nag jacket din ako in case na sobrang lamig.
  
Trip kong mag jogging ngayong araw kaya mag jojogging ako mag isa.
Sigurado akong matutuwa si Jai pag nalaman niyang nagkusa akong lumabas nang kwarto at nag jogging.

Kinuha ko ang aking mineral bottle at dahan dahan kong binuksan ang pinto para hindi nila malaman na umalis ako.

Sobrang dilim habang naglalakad ako pababa nang hagdan buti nalang na memorya ko ang steps dahil kung hindi naku! Kanina pa ako gumulong dito!

Walang ingay ang paa ko habang naglalakad at dahil naka rubber shoes ako hindi mahirap yun.

  Nasa ika huling baitang na ako nang biglang-

*BOGSH! *BOGSH!

NAPATALON AKO SA GULAT NANG MAY BIGLANG SUMABOG NA CONFETTI.

" HAPPY BIRTHDAY 🎂🎈🎉 AJ🎶
HAPPY BIRTHDAY DAY 🎉 HAPPY BIRTHDAY AJ🎶
 
HAPPY BIRTHDAY YOUUU🎶"
Kanta nang pinsan ko at dahan dahang lumapit sa akin para mahipan ko ang candle sa cake.

Naiiyak ko silang tiningnan, akala ko nakalimutan na nila na birthday ko dahil hindi ko naman na banggit at akala ko ba tulog pa tong mga to?

Kumpleto sila nandito si Tita at Tito, ang kambal na si Jaireh at Jaired, at syempre ang damuho na malaki ang ngiting nakatitig sa akin.

" Happy birthday" nakangiting sambit niya at lumapit din sa akin.

" Salamat, akala ko hindi mo alam"

Nahihiyang sabi ko at umiwas nang tingin. Paano ako hindi mahihiya eh! Ang laki nang ngisi nila habang nakatitig sa aming dalawa! Putek talaga!

" Of course I know, it's your birthday" hindi napapawi ang ngiting sabi niya.

Nag wish na muna ako bago hinipan ang kandila isa isa.

Ini on na ang  ilaw kaya mas nakita ko ang mga design na naka sabit at idinikit sa dingding. At talaga may pa party hat pa ang mga kumag. Napapailing nalang ako pero natutuwa talaga ako na hindi nila nakalimutan. Dati kasi ay lagi nalang hayst

May naglalakihang balloon na may maliliit na balloon sa loob. Simply lang ang mga design pero maganda kaso nga lang halatang nagmamadali ang gumawa dahil baliktad ang 7 at 1 imbes na Happy 17 Birthday AJ naging Happy 71 Birthday AJ!

" Wow ang tanda ko na pala no?!" Sarakastikong sabi ko.

Napalingon naman sila sa tiningnan ko at halos gumulong si Jaired kakatawa sa nabasa. Putek ang walanghiya!

" Hala sino ba ang naglagay niyan?  Jaired task mo yan hindi ba?! " Galit na sigaw ni Jaireh sa kambal.

" Hey! It's not my fault! Kasalanan mo yan utos ka nang utos kanina alam mo namang may ginagawa pa ako!" Galit din na sagot nito.

" Tssk  tama na nga yan! Kakain nalang tayo" sabi ko bago pa sila mag suntukan.

" Yeah it's a good idea" sang ayon ni tita para matigil na talaga ang dalawang aso't pusa.

" Paano pala kung hindi ako lumabas? Hindi niyo ako ma susurprised? "

Naguguluhang tanong ko. Dahil diba paano nalang kung hindi ko na isipang mag jogging diba?

At kailan pa nila ginawa to?

" Edi gigisingin kita!" Nakangising sambit ni Jaireh.

" Hindi namin alam na kusa kang magising kaya nagmamadali kami ayan tuloy nagkabali baliktad. Hahaha" natatawang sambit naman ni Dave.

" Pero ok lang ang saya nga ehh.
Thank you guys akala ko talaga nakalimutan niyo na" sinserong sabi ko.

" Saan nga pala ang punta mo at naka get up kang ganyan?" Tanong ni Jaireh, nagtataka dahil ang aga kung gumising at naka pang jogging pa ako.

" Tssk! Tinatanong pa ba yan eh obvious naman sa attire palang"
Sagot ko nalang na ikinailing nang lahat.

" Bago ka umalis mag usap muna tayo sa taas may sasabihin ako" nakangiting sabi ni tita. Pero ewan ko kung bakit kinakabahan ako.




" Anong pinag usapan niyo?"
Napalingon ako sa katabi ko nang tanungin niya na naman yun sa ika limang pagkakataon. Nakakunot noo akong tinitigan ni Dave nang sa ika lima na ring pagkakataon ay hindi ko siya sinagot.

Nandito kami ngayon sa "the view" yun na ang tinawag ko dito dahil kitang kita dito ang buong view ng tagaytagay. Dito kami dumiritso pagkatapos nang masinsinang pag uusap namin kanina ni tita at tito tungkol sa plano nila para sa akin.

Mabigat akong bumuntong hininga at tinakip ang kamay sa mukha ng nagsisimula ng sumikat ang araw.

Ang ganda talaga ng sunrise, kahit kailan ay hindi ako magsasawa tingnan ang pinaghalong kulay kahel, dilaw, at pula. Ang sarap lang sa mata.

Hindi ko alam kung bakit mas lalo atang naging mabigat ang pakiramdam ko kaysa noong nakaraan, ngayon mas nadagdagan ang pangamba ko sa hindi ko maunawaang dahilan.

" Bakit ang lalim ng iniisip mo? Care to share it to me? Please?"
malungkot na sambit niya at hinawakan ang baba ko para tumingin ako sa mata niya.

Sobrang ganda ng mga grey niyang mata at nag iiba ito kapag tinatamaan ng sikat ng araw.

Mapait akong ngumiti sa kanya at pinagdikit ko ang noo namin.

Gusto kong sabihin sa kanya ang plano nina tita pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

" Masaya ako na nakilala kita, kahit sa sobrang liit lang na panahon naramdaman ko kaagad na espesyal ako para sayo kaya salamat sa lahat" madamdamin kong sambit. Kahit anong pigil kung hindi maluha, tumulo parin ito.

Nataranta niyang pinunsan ang pisnge ko at hinalikan ang tungki ng aking ilong.

" What's the matter? Sabihin mo sa akin please"
Mas lalo akong nalungkot sa boses niya kaya nag tuloy tuloy na ang pag daloy ng luha ko.

" I'm gonna miss you alot that's for sure" mahinang bulong ko sa gitna ng paghikbi.

" I didn't hear you clearly baby, what is it again?"  sobrang malumanay ang boses niya habang nakahawak na sa mukha ko ang dalawang kamay.

Mapait akong ngumiti at hinalikan siya sa pisngi.

" Take care of yourself when I'm away,  babalikan kita. God mahal na ata kita Dave"




A/N: Thank you so much for reading labyuuu 💜😊❣️

Please don't forget to vote and leave a comment 😉❣️

                                       Nagmamahal,
                                                Fhynex

"COUNTLESS MISTAKE" by FhynexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon