CHAPTER 5

26 12 7
                                    

"SA WAKAS!" sigaw ko nang sa wakas ay malayo na sa gate nang bahay namin ang sasakyan ni LJ.

"Hahaha grabe sobrang laugh trip nong ginawa natin no? One of the best adventure ever. "

Tumatawang sambit niya, napapailing naman akong inaalala kung paano kami nakatakas kanina. Putcha buwis buhay ang ginawa ko kaya dapat talaga may sampu akong maka momol sa gabing ito kung hindi nako uubusin ko ang buhok ni Jaireh pag hindi magiging sulit yung dinanas kung paghihirap.

*FLASHBACK

" Don't you worry my dear I have a bright idea"
Nakatingin sa taas na sambit niya.
Naguguluhan ko siyang tiningnan.

"At anong bright idea naman yan? Baka mamatay na ako pag katapos niyan ahh"

" Hindi basta magtiwala ka Lang sa akin, nalala mo dati nung nag cutting tayo? Ngayon kayang kaya natin to!" Nakangising sambit niya.
Habang lumalabas nang veranda at dinudungaw ang baba nito.

"Nasubukan mo na bang mag ala spider Man?"
Umiling naman ako habang mariing naka tingin sa kanya.

"Ngayon mararanasan mo na! Breath in, breath outh!" Nakangiting sabi niya.

Habang pinapalibot ang tingin sa kabuoang kwarto ko.
Nalilito ko lang siyang tinitingnan nang kunin niya ang box nang mga laruan ko dati at ilabas lahat nang jumping rope ko na nandun. Sobrang hilig namin sa jumping rope dati kaya nagpabili ako noon Kay mom at sa sobrang pagka badtrip niya dahil sa pangugulit ko binilhan niya ako nang 10 piraso. Pero hindi ko na ginagamit ang mga yun dahil may masakit na alaala.

"Infairness huh may silbi pa tong mga to ano? Hahahaha hindi lang basta pamalo sayo?"
Nakangising pang aasar niya.
Hindi ko naman siya masabayan kaya Napa iwas nalang ako nang tingin.

"Ayy! Sorry hehehe good vibes pala dapat Lang tayo. Ikaw talaga Jaireh napaka walang kwenta niyang bibig mo!" Pagkausap niya sa sarili niya.

Habang busy namang naglayag ang isip  ko.

"Can't you stay in your room and stop meddling with our business Alesha?! Go luck yourself in your room!" Sigaw ni mom.

" Mommy gusto ko Lang namang mag hi sa mga business partners niyo ehh, Hindi ba pwede Yun?" naluluhang sambit ko. Habang dahan dahang bumaba nang hagdan.

" We don't need you here! Kaya umalis kana!"
Nanlilisik ang matang tinitingnan ako.
Kinaladkad niya ako patungong kwarto at itinulak papasok sa loob kaya napa subsob ako sa kama.
Napaiyak nalang ako sa sakit nang tuhod ko.

"What happened here!" Sigaw ni dad.
"And you who told you to go downstairs? Huh! Hindi ka talaga matuto kung hindi ko matuturuan nang leksyon.

Kinuha niya ang jumping rope na laruan ko at pinulupot sa kamay niya.

"Nooo! Stop!" Napatakip sa tengang sigaw ko.

" JAZIAH, ok kalang? Hoy sabi ko tapos na ako pwede na to." Napatayo siya nang makitang  umiiyak ako.

"Sorry na huh, promise hindi ko na ba banggitin yun. Sorry na sorry, wag ka nang umiyak please."
Naiiyak ring sambit niya habang nakayakap sa akin at hinahagod Ang likod ko.

" Ok lang matagal na yun" pilit pinapasiglang boses na sambit ko.

" Tapos na ba? Anong gagawin ko?" Nakangiting sabi ko sa kanya na parang walang nangyari.
Naluluhang tiningnan niya ako halatang nakokonsensiya parin.

"COUNTLESS MISTAKE" by FhynexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon