CHAPTER 11

20 9 0
                                    

"I'M YOUR FIANCE AZE!"

Para akong na bingi bigla sa sinabi ni Russ. Hindi dahil sa lakas nang pagkaka sigaw niya kundi dahil sa sinabi niya.

Napalunok ako at uminom nang tubig.

"Ano nga ulit ang sinabi mo?" Parang nabibinging anas ko.

"I'm your fiance Aze" malumanay na na sambit niya.

Huh? Ano daw fiance?! Naka drugs ba to? Hayy bato pa boy!

"Hahahahaha nagpapatawa kaba? Fiance? Kailan pa? Ikaw lang ata may alam niyan ahh? Ayos yan"

Hindi naniniwalang sabi ko sa kanya.
Kung nag dedeliryo lang siya ay wala akong pake sa kanya. Nababaliw na ba siya!

" I'm serious Aze! I am your fiance, your parents go to our house yesterday to talk to my parents about our arrange marriage"
Seryosong sabi niya hindi na naituloy ang kinakain dahil sa sagutan namin.

Itinulak ko palayo ang plato at ipinatong sa mesa ang dalawang kamay bago sumandal sa bangko.

Parang puputok ang litid ko sa nalaman. Huh! At ano sa tingin nila mapipilit nila ako sa gusto nila? Huh! Asa sila! Kung gusto nilang magpakasal, magpakasal silang mag isa! Bwisit!

"At wala ka man lang sinabi para pigilan sila?" Nanggigil na tanong ko sa kanya.

" How can I stop them Aze-"

"Kaya mo silang pigilan kung gusto mong hindi maikasal sa akin Russ! Alam mo yan!  Masyado kang spoiled nang ama mo para hindi pagbigyan ang kapritso mo sa buhay at alam ko ring hindi hindi ka pipilitin nang magulang mo kung ayaw mo talaga Russ!"  galit na sigaw ko.

Malalim siyang bumuntong hininga bago umiwas nang tingin.

" Ano?! Tama ako hindi ba? Hindi ka naman talaga pinilit nang magulang mo?" nabubwisit kong tanong.

" Pero pinilit ako nang magulang mo" sagot niya at diretsong tumingin sa mata ko.

" Huh! Pinilit ka nang magulang ko? Bakit? Dahil lang sa p*tang *nang video na yun?! Bakit Russ may alam kaba don?!" Asik ko sa kanya.

Nakita ko siyang natigilan at napaiwas ulit nang tingin. Kinagat niya ang pang ibabang labi at malalim ulit na bumuntong hininga.

Anong klaseng reaksyon yan Russ?! Wag mo sabihing tama ang hinala ko dahil ibibitin talaga kita patiwarik!

" Sagutin mo ako nang matino Russ!" Nanggigil na sigaw ko palapit sa mukha niya.

" I'm sorry" he said and look away.

"P*ta! Ikaw may pakana non?! Gag* ka ba?! Anong nakain mo at ginawa mo yun?!" Halos maglabasan ang lahat nang ugat ko sa sobrang gigil ko sa kanya.

"Aze I still love you alam mo naman yun diba?" parang  nahihirapang sambit niya.

Napapiling nalang ako, hindi makapaniwalang ginawa niya yun at ang dahilan niya lang ay ang kanyang lintek na pagmamahal kuno sa akin.

"Alam mo ba kung ano yang sinasabi mo RUSSEL!" sigaw ko at binigyan siya nang nakakamatay na tingin.

Kung may dalang kutsilyo yung mata ko kanina pa siya bumulagta diyan sa harapan ko. Litse!

" Of course I know what I am talking about Aze. Alam kung matagal ko bago na realized na mahal nga kita pero hindi pa naman siguro huli diba?" umaasang tanong niya.

Natatawang napailing nalang ako.
Gago ba to? Malinaw pa sa sikat nang araw ang sinabi ko sa kanya kung ano ang estado nang relasyon namin noon!

No strings attached at no feelings involved! Pumayag siya at ngayon gagawa siya nang ka sh*tan para ano?

"Huh! Nagpapatawa kaba Russ? Akala ko ba walang babaeng makakabihag sa puso mo huh! Bakit ngayon maglilitanya ka nang ganyang ka estupiduhan sa harapan ko! Malinaw pa sa sikat nang araw ang kasunduan natin noon tapos ngayon?! Gago ka ba!" nakukunsuming sigaw ko.

" Oo inaamin ko, akala ko hindi ako mahuhulog sa isang tao pero nagkamali ako Aze! Dahil kaya kung baliwalain ang lahat nang  babae pero hindi ang isang ALESHA JAZE FUENTES!" nasasaktang sigaw niya.

Naguguluhang napatitig ako sa kanya. Ano bang pinagsasabi nang isang to at ano bang katangian ko ang hindi niya kayang baliwalain. Magulang ko nga walang pake sa akin at ngayon sasabihin niyang hindi niya ako kayang baliwalain?! Kalokohan!

Mariin ko muna siyang tinitigan bago nagsalita.

" Wala kang makikitang espesyal sa akin Russ. Maghanap ka nalang nang iba yun taong kayang suklian ang nararamdaman mo dahil ako hindi ko yun maibibigay sayo mahihirapan lang tayong pareho. At masyado pa tayong bata para sa ganyang bagay Russ marami ka pang makikilalang ibang babae bukod sa akin" diritsong sabi ko sa kanya.

Naging matagal din kaming naging magkaibigan ni Russ dahil tropa siya ni Jaired kaya napapalapit din ang loob ko sa kanya. Pero kahit anong pilit ko noon wala talaga akong nararamdamang espesyal sa kanya.
Barkada lang talaga ang tingin ko sa kanya at hindi na yun lalagpas doon lalo na ngayong unti unti nang natuto ang puso ko sa salitang pagmamahal.

Napaangat siya nang tingin sa akin matapos ang ilang sandaling katahimikan.

"Paano ko gagawin iyon Aze? Hindi ganun kadali lumimot nang nararamdaman" naluluha nang sambit niya.

Napasubsob ako sa mesa sa sobrang frustrasyong naramdaman.

Paano ba ako naipit sa ganitong sitwasyon? Paano niya nasisiguro na totoo ang nararamdaman niya gayung para sa akin ay masyado pang maaga para mag seryoso kami sa mga ganoong bagay at maari pang magbago ang nararamdaman niya sa pagdaan nang panahon.

Kaya hindi rin ako sigurado sa sariling nararamdaman ko para sa damuhong yun!

" Maaring infatuation lang yan at possible pang mabaling sa iba ang nararamdaman mo sa akin ngayon" nangugumbinsing sambit ko.

" Alam kong hindi mo kayang suklian ang nararamdaman ko Aze pero sana wag mo naman akong itulak sa iba"

Parang nasasaktang aniya.

Napuyoko ako at napahilamos ang palad sa mukha.

" Ayaw kong magsinungaling sayo sa totoo lang, ayaw kong umasa ka sa wala Russ! Alam mo mahalaga ka rin sa akin bilang kaibigan pero hindi ehh! Hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo para sa akin" nakukunsuming sabi ko.

" Bakit may iba ka na bang mahal Aze?" nalilitong tanong niya.

Napaawang ang bibig ko sa gulat. Hindi ko alam kung bakit niya iyon naitanong sa akin.

Masyado ba akong halata? Pero bakit? Mahal ko na ba talaga ang damuhong yun? Hindi naman siguro diba?

"Hindi!" hindi ko namalayan na naisigaw ko pala iyon nang malakas.

" I mean wala Russ, masyado pang maaga para sa ganyang bagay at hindi pa ako nakahanap nang taong mamahalin"

Pagsisinungaling ko sa kanya.

" Kung ganun hayaan mo akang manatili sa tabi mo hanggat hindi mo pa nakikita ang taong mamahalin mo Aze" malumanay na pakiusap niya.

Magsasalita na sana ako nang biglang magsalita ang pinsan ko.

"Oy Jax! Bat hindi ka pa pumasok? Wala ba diyan si Jaziah?"





A/N: Thank you so much for reading labyuuu 💜😊❣️

Please don't forget to vote and leave a comment 😉❣️

                                       Nagmamahal,
                                                Fhynex🔥

"COUNTLESS MISTAKE" by FhynexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon