Hindi ko alam na may pa party pa pala sila na hinanda, kaya tuloy hindi ako magka ugaga kaka ligo ngayon dahil sa biglaang roll call.Pagka uwi namin kanina galing sa the view ay diritso na ako dito sa kwarto para matulog dahil bigla nalang akong inantok.
" Hoy bilisan mo na diyan! Hay naku! Napaka bagal Jaziah huh!"
Nabigla ako sa malakas na pagkalampag ni Jaireh ng pinto kaya nagmamadali na akong nag shower. Hindi na ako masyado pang nag sabon dahil baka ilibing na talaga ako ng buhay ng isang yun.
Paglabas ko ay may naka ready nang long night gown na kulay beige na mahaba ang neck line. May mga nagkikinangang beads at diamonds sa linings nito.
" Ang ganda naman" nakangiting papuri ko sa gown.
"Pero parang lalabas ata lahat nang kaluluwa ko dito ah! Ansarap talagang sapakin nitong si Jaireh!"
Nakasimangot kung sinuri ang gown.
" At talagang backless pa! Baka magka pulmonia na ako pagka tapos nitong gabi na to! "
Sapo ang noong napa upo ako sa kama. Paano ko susoutin yan ng di ako giginawin?
Napahilamos nalang ako ng palad sa mukha at akmang isusuot na ang gown ng biglang bumukas ang pinto.
" Dika parin tapos?"
Speaking of the devil 🙄
Siniringan ko nalang siya at pasalampak na umupo sa kama.
" Saan mo ba napulot to? Ang ganda na sana kinulang lang sa tela! "
At ang lintek tinaasan lang ako ng kilay.
Ang sarap iuntog sa pader ng isang to grabe!
" Hindi mo nagustuhan? "
Umiling lang ako sa tanong niya.
Bigla naman siyang ngumuso at nagmaktol na parang naluge.
" Sayang ang babe mo pa naman ang pumili niyan" malungkot na sambit niya.
Dali dali kung pinulot ang gown at isinuot na.
" Maganda pala, nagustuhan ko" nakangiting sambit ko habang nahihirapang i zipper ang likuran.
" Wag na sabi mo hindi eh"
Mahina kung tinapik ang mukha niya dahil naka nguso parin siya.
" Hindi na nga diba, gusto ko na nga kaya isusuot ko na"
" Napipilitan ka lang eh"
" Hindi ako napipilitan okey? Kaya wag kanang ngumuso diyan at tulungan mo na akong isara to. Paniguradong hinahanap na tayo sa baba"
Hindi na naman siya nagpapilit pa at tinulungan na rin ako.
Makalipas ang ilang saglit ay may ipinadala si tita na make up artist at hair stylist para mag ayos sa akin.10, 000 years laterrr ( char mga 30 min. Lang)
Bumaba na kami at sinundo ako ni Dave at ang pinsan ko naman ay sinundo ng kakambal nya.
" Ang ganda naman nakakalula, para akong mag dedebut" na aamaze ako sa ganda nang pagkaka disenyo nila.
Sobrang sarap sa mata tingnan lahat ng mga naka disenyo, mula sa red carpet na naka kunekta mula sa room ko hangggang baba at sa mga rose petals dito. Naglalaro sa kulay pink, blue, white and red ang kulay ng mga tulips at roses na nasa staircase. Sobrang elegante din tingnan ang malaking nag kikinangang chandelier sa centro ng hall kung saan ginanap ang party.
BINABASA MO ANG
"COUNTLESS MISTAKE" by Fhynex
Storie d'amoreALESHA JAZE is the unwanted child, that's why she became rebellious, her parents expect a boy but it turns out a girl. She experienced the feeling of unloved and uncared, because her parents was a business tycon and both busy in thier own world. Tha...