CHAPTER 9

23 11 1
                                    

"I can wait for that 2 years"

Napaawang ang labi ko na bumaling sa kanya. Aaminin kong hindi ko inaasahan ang sinasabi niyang iyon parang napaka impossible na pareho na agad kami nang nararamdam sa maliit na panahon na pinagsamahan.

Did he fall for me too because of that damn kiss? Pang iintriga ko sa aking isipan.

Tinitigan niya ako sa mata at dahan dahang bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Nakagat ko ang ibabang labi  dahil sa halo halong pakiramdam na nararamdaman. Pinagpawisan ang kamay ko sa ilalim nang mesa at namumuo ang pawis sa noo at ibabaw nang ilong ko, at ayun nanaman ang abnormal na tibok nang puso ko.

Namumula ang pisnging napaiwas ako nang tingin. Hindi ko kayang labanan ang titig niya parang hinihigop ang kaluluwa ko.

*Eherm
Tikhim ko pilit binubura ang nararamdaman dahil para akong mabilaukan sa kaba.

" Nag dedeliryo kaba? Tssk! Wag kang magpapaniwala diyan sa pinsan ko may sapak yan! " pilit na nag kunwaring galit na sabi ko.

Hinawakan niya ang mukha ko at pilit akong pinaharap sa kanya.

"Why not hmmm?" malumanay na tanong niya habang nakatitig sa mata ko.

Binaling ko ang paningin  sa kaliwa naasiwa sa lapit naming dalawa.
Bahagya kong tinulak ang noo niya gamit ang dalawang daliri.

"Ano ba! Wag ka ngang masyadong lumalapit sa akin!" Asik ko sa mukha niya.

" Why? Are you afraid? Huh?"
Nangising tanong niya.

" At bakit naman ako matatakot?" Nakataas ang isang kilay na sagot ko.

Ano bang pinupunto nang lalaking ito? Sa tingin niya nanininwala ako sa ka sh*tan niya? Tssk asa!

*Kunyari ka pa ehh kinikilig ka naman
Panunumbat nang konsensya ko.

Putek nababaliw na ata talaga ako pati konsensya ko hindi ko na kasundo!

"Afraid that you fall for me?" Nagmamalaking ngiting sambit niya.

" Huh! Ang kapal mo men!  Baka ikaw na ang inlove sa akin diyan" nakangising pang aasar ko.

" You think so?" Mas lumawak pa ang ngiting aniya.

Dahan dahang nawala ang ngisi sa labi ko at napalitan nang pagkalito. Anong ibig sabihin niya non?
Nanlalaki ang matang ibinalik ko ang tingin sa kanya habang nanatiling mariin ang titig niya sa akin.
Anu ba yan parang mauubos naman ako sa tingin na yan putek!

"AYIEEEEE HAHAHAHA KINIKILIG AKO!" pagka lakas lakas na sigaw nang pinsan ko kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.

"Manahimik ka nga Jaireh!" asik ko sa kanya nang makitang nakatingin na sa amin ang ibang naroon.

"Bakit nakakakilig naman talaga kayong tingnan ahh! Hehehe bagay kayo cuz promise" nakanguso sabay ngiting aniya.

Napayuko ako sa hiya putek! Hindi ko talaga alam kung bakit hiyang hiya ako. Nakaka bwisit na ngiti naman ang nakita ko nang lingunin ko ang damuho.

"Para akong nanunuod nang teleserye sa NETFLIX ayeeeeiiih hahahaha" pang aasar na dagdag nang pinsan ko.

Napatampal ako sa noo ko at tumayo na para makalayas sa nakakahiyang sitwasyon.

Kalma self! Wag kang masyadong paapekto baka tinokshit kalang non ikaw ang kawawa. Jahe!

"Where are you going" tanong nang danuho sabay hawak sa kamay ko.

Napaiwas ako nang tingin at binawi ang kamay ko.

"COUNTLESS MISTAKE" by FhynexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon