CHAPTER 16

19 5 0
                                    

  "Hanggang sa muli Mr. and Mrs. Fuentes"

Hindi ko alam na may  idudurog pa pala ang puso ko na matagal nang durog nang huli kong sabihin iyon matapos silang talulikuran.

Nangiginig ang buo kong katawan at hindi ko alam kung ano na ang mangyayari pagkatapos nang araw na ito. Kung saan ako pupulutin, pakiramdam ko bumagsak ang mundo sa kamay ko at kailangan ko itong saluin.

Malugmok man ako ay pipilitin ko paring bumangon yan ang isinisigurado ko sa aking sarili.

Lutang akong naglakad paakyat nang hagdan pati sa pagkuha nang mga binigay na gamit ni Jaireh sa akin at mga bigay ni tita. Iyon lang ang dinala ko.

Muntikan pa akong mabuwal sa hagdan pa baba kung hindi lang ako nahawakan nang kung sino.

" Hindi ko tatanungin kung okay ka lang ba dahil alam kung hindi ka okay. Wag kang mag alala hinding hindi ako mawawala sa tabi mo hanggat mahahanap mo na ulit ang sarili mo at kaya mo nang tumayo nang hindi kita hinahawakan"

Mas lalong bumuhos ang luha ko nang marinig ko ang sinabi nang pinsan ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang nangyari at kaya siya nandito. Alam kong doble ang kahulugan nang kanyang huling sinabi kaya mas lalo akong naging emosyonal.

Niyakap ko siya nang sobrang higpit at humagugol ako sa balikat niya.

"Huwag kang  mag alala nandito lang ako. Ilabas mo ang lahat nang sakit na nararamdaman mo makikinig ako"

Sa mga pagkakataong ganito ay hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan. Simula noong bata pa kami hanggang ngayon ay siya na ang takbuhan ko kaya nang umalis siya two months ago ay hindi ko alam kung paano na ako nang wala siya sa tabi ko.

Hindi ko namalayan na dinala na niya pala ako sa labas kung hindi ko pa nakita ang pulang Porsche niya sa harapan namin.

"Get in" mahinang sambit niya.

Tumango lamang ako at sinunod ang sinabi niya.

Tulala ako buong biyahe habang patuloy na namamalisbis ang luha sa mata ko. Nagtataka ako kung saan kami dahil lumagpas na kami sa NLEX pero binaliwala ko nalang iyon. Dahil alam kong alam niya kung saan ko gustong pumunta kapag ganitong gusto kung takasan ang mundo.

Malalim na ang gabi nang huminto siya sa may cliff na lugar kung saan kitang kita mo ang kabuuan nang Batangas sobrang ganda nang tanawin, dati kapag masama ang loob ko sa parents ko ay dito niya ako dinadala palagi. Pinapatawa at bumubuo siya nang pangarap para sa aming dalawa.

Ngunit ngayon kahit anong mang pilit kung ituon ang atensyon sa magandang tanawin at malamig na simoy nang hangin ay hindi ko magawa.

Hindi ko mawari kung bakit kanina pa ako umiiyak pero hindi parin nauubos ang luha ko.

May dagat ata ako nang luha bwisit!

Mag iisang oras na kaming nakaupo doon nakatingin sa magandang siyudad pero hindi parin maayos ang pakiramdam ko. Unti unti nang humupa ang luha ko ngunit hindi ko parin alam kung paano sisimulang sabihin sa pinsan ko ang nangyari.

Napatingin ako sa gawi niya nang bigla siyang tumayo at pumunta sa sasakyan. Pagbalik niya ay may dala na siyang yakult, beer at maraming chichirya at biscuits.

"Kumain ka muna alam kung hindi kapa nag dinner" mahinang sambit niya at inabot sa akin ang malaking supot na may tatak na Mercury Drug.

Tinanggap ko naman ito dahil nang sabihin niyang hindi pa ako nag dinner ay biglang tumunog ang tiyan ko waring alam nito na may pagkain.

 
Tahimik akong umiinom nang yakult nang bigla siyang malakas na bumuntong hininga.

Nang tingnan ko siya ay mariin na siyang nakatingin sa akin.
Malakas akong bumuntong hininga bago nag iwas nang tingin.

" Ahhm a-ayaw kitang piliting mag kwento pero kung handa kana ay wag kang magdadalawang isip na ikwento sa  a-akin ang mga pangyayari. Tutulungan kita sa abot nang makakaya ko"

Hindi ko mapigilang yakapin siya nang sobrang higpit.

"Salamat sa pag intindi at pananatili sa tabi ko. Alam kung hindi sapat ang simpleng pasasalamat ko sa lahat nang nagawa mo para sa akin, tatanawin ko itong malaking utang na loob sayo" madamdamin kong sambit sa kanya.

Nabigla ako nang bigla niya akong itulak.

"Anong malaking utang na loob ka diyan! Andrama mo! Ano kaba?! Para na naman tayong mag jowa nito ehh kadiri ka siningahan mo na naman ako!" Nanlalaki ang matang sambit niya.

" Bwisit ka! Ang intense nang moment natin bigla kang maggaganyan! Nakakinis ka alam mo ba yun huh! Piste naman eh! " Asik ko sa kanya at itinulak ko siya lalo palayo sa akin.

" Ito naman hindi na mabiro! Naririndi lang kasi ang tenga ko diyan sa iyak mo ang panget mo na diyan! Ayusin mo nga yang sarili mo! "

Bwisit talaga ang isang to siya pa ang may ganang marindi ehh mas nakakarindi yung bibig niya.

Pero gumaan parin naman ang loob ko dahil sa sagutan namin at ka bwisitan niya.

Inirapan ko lang siya at tumingin na sa harapan.

"  I lost my parents Jai "
Seryosong sambit ko sa kanya nang tingnan ko ang reaksyon niya ay parang hindi na siya nabibigla pa parang alam niya na na ganun talaga ang mangyayari.

" Ipagpatuloy mo"
Sambit niya nang hindi na ako muling umimik.

Pinahiran ko muna ang tumulong luha sa mata ko bago nag patuloy.

" W-we a-ahmm  officially parted our ways" nanginginig na sambit ko.
" Hindi ko na alam kung paano ako magsimula ulit Jai sobrang sakit at sobrang gulo nang isip ko. Alam kong minahal ko rin sila nang sobra at nagpapasalamat din ako minsan dahil nandyan sila sa tabi ko. Pero sa tuwing maiisip ko na nandun nga sila may magulang nga ako  pero parang wala lang rin naman dahil wala silang panahon sa akin naiisip ko na sana ay hindi nalang sila ang naging magulang ko Jai. Napapatanong ako sa  sarili ko kung hindi kaya ako naging anak nila kung hindi kaya ako naging mayaman mangyayari kaya ito? Kung hindi kaya ako naging babae kung natupad ang pangarap nilang pareho na magkakaroon nang anak na  lalaki siguro hindi sila masasaktan, hindi nila kailangang pagkaitan ito nang atensyon at pagmamahal"  masakit sa loob ko na  sambit sa kanya.

Ilang beses siyang bumuntong hininga at tumikhim bago bumaling sa akin.

Seryoso niya akong tiningnan bago nagsalita.

" Sabi nila kung may taong mawawala sayo mayroon iyong kapalit. Wag kang mag alala dahil may taong darating sa buhay mo na handa kang mahalin at pahalagahan"



A/N: Thank you so much for reading labyuuu 💜😊❣️

Please don't forget to vote and leave a comment 😉❣️

                                       Nagmamahal,
                                                Fhynex🔥

"COUNTLESS MISTAKE" by FhynexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon