A/N: Please prepare a tissue for this chapter 😭😭
Malakas na bumuntong hininga ang ina ko.
" Alesha Jaze be nice to them they soon to be part of our family " halatang nagpipigil na sambit nang ina ko.
Ohh come on mom bat hindi mo ako sigawan sa harap nila?! Sigaw ko sa isipan.
"Part of the family? Huh! " I scoffed
" Kung aamponin mo sila ay baka magiging parte sila nang pamilyang to Mom! Pero kung iniisip mong magiging parte sila nang pamilyang to dahil papakasalan ko ang Unico hijo ng mga Kho ay nagkakamali ka!" Malakas na bulyaw ko sa kanya.*PAK!
" Hon!"
Malakas na sampal ang iginawad sa akin nang ama ko. Napabaling ang ulo ko sa kaliwa at kitang kita ko ang gulat sa mata ni Russ at sa mga magulang niya.
"Wala kang karapatang sagutin ang ina mo nang ganyan! Kung hindi mo kami magawang respituhin ay kahit ang mga bisita man lang natin AJ!" Sigaw ni dad sa akin at hinawakan naman siya nang ina ko sa braso para pigilang saktan ako ulit.
Natawa ako sa sinabi niya at napapailing.
" Respito? Huh! Ano ba yun? Hindi niyo kasi naituro sa akin yan ehh" may panunuya kong sambit saka ngumisi " wag na wag niyo akong masabi sabihan nang respito dad kung hindi niyo rin yan magawa sa anak ninyo! Anong karapatan ninyong magdesisyon sa ganitong bagay sa buhay ko eh wala naman kayong masyadong na iambag sa pag katao ko bukod sa pag buo sa akin! Niluwal niyo lang ako at pagkatapos non wala na! Kaya wag kayong umusta na ang perfect niyong magulang!" Malakas na sigaw ko.
Binalingan ko ang pamilya Kho kitang kita sa mata nila ang pagkailang at disgusto sa sinabi ko. Ang iba naman ay gulat sa nasaksihang sagutan namin nang magulang ko.
" Russ akala ko ba malinaw na ang usapan natin kanina? Diba sinabi ko naman sayo na hindi matutuloy ang kahibangang ito dahil kahit patayin pa nila ako ay hindi nila ako mapipilit sa litseng kasalang iyon! " Baling ko kay Russel at kitang kita ko mula sa kinatatayuan ang panginginig niya.
"Tumakas ka sa bahay?! Kailan lang?!" Umalingaw ngaw ang malakas na sigaw na iyon nang daddy ko.
Binalewala ko siya at itinuon ang paningin kay Mrs. Kho.
Tiningnan ko siya sa mata at matapang niyang sinalubong ang titig ko.
" Hindi ako humihingi nang pasensya dahil hindi rin naituro yun sa akin nang magulang ko pero hihingi ako nang pasensya sa inyo dahil kailangan niyong masaksihan ang lahat nang ito at nasa inyo na iyon kung tanggapin niyo. Makakaalis na kayo dahil walang papatunguhan ang usapang ito pero kung gusto niyo namang mapanood nang live ang pag aaway nang pamilyang Fuentes ay manatili kayo" diritso kung sambit sa kanila pero nasa kay Mrs. Kho ang paningin.
" How disrespectful! You are ridiculous! " Malakas na sigaw nang grandma ni Russ sa father side.
" I'm very very unrespectful madam " sambit ko nang may panunuyang ngiti sa labi.
Magsasalita pa sana ako nang bigla akong hablutin ang ama ko at dalhin sa leaving room nagkukumahog naman ang ina ko na sundan kami.
Pasalampak niya akong binitawan sa sofa.
" Wala ka na talagang modo AJ! Iyang kawalang hiyaan mo sumagad na sa buto ko!" Malakas na sigaw niya at umambang sasampalin ako.
" Sige sampalin niyo pa ako! Dahil diyan naman kayo magaling diba? Ang saktan ako at magdesisyon nang kung ano anong ka shitan sa buhay ko!"
Nabitin sa ere ang kamay nang ama ko nang isigaw ko iyon.
Huh! Bakit hindi niya itinuloy? Dahil natamaan siya?" I regretted so much why you are my daughter!"
Umalingawngaw yun sa tenga ko. Parang huminto ang pagtibok nang puso ko at parang piniga ito nang sampung kamay. Pero nakayanan ko paring pigilan ang nagbabadyang luha sa pamamagitan ng peking ngiti.
" Sanay na sanay na ako na marinig yan dad! Wala na bang bago? Kung nagsisi ka pala na naging anak mo ako bat hindi mo nalang ako tinapon o kayay pina ampon!" Malakas na sigaw ko rin sa kanya.
" Sa tingin mo ay ganun kadali iyon AJ! You are our daughter kahit sobra na sa katigasan yang ulo mo! Anak ka parin namin!" Humagulgul nang iyak ang ina ko.
" Huh? Anak niyo pa rin ako? Tssk mom hindi niyo iyon kailanman na iparamdam sa akin? Mahirap yun sa inyo na ipa ampon ako? Sa tingin niyo hindi mahirap ang manlimos nang atensyon sa inyo? Sa tingin niyo hindi nakakasawa ang salitang busy ako o busy kami nang dad mo go to your yaya? Sa tingin niyo masaya ako na naging magulang ko kayo? Masaya na masasabihan halos araw araw na sana naging lalaki ka nang lang sana masaya pa kami nang mom mo?! Oo magulang ko kayo pero hindi niyo kailanman naiparamdam sa akin ang pagmamahal niyo bilang magulang! Puro disgusto! Galit! Bulyaw! At pamamalo ang natanggap ko sa inyo! Ginawa niyong impyerno ang buhay ko kaya wag na kayong magtaka kung bakit ganito ang ugali ko dahil sa inyo ko ito natutunan! Dahil ang totoo sa pamamahay na ito si nanay Ciring lang ang may paki alam sa akin! Kayo wala kayong pake!" Ngayon ko lang nailabas ang lahat nang mabigat na nasa puso ko para akong nakahinga nang maluwag matapos isigaw iyon sa mukha nang mga magulang ko.
Sandaling katahimikan ang namayani tumingala ako para pigilan ang luhang kanina pa namamalisbis sa mata ko.
Tiningnan ko si dad at hindi ko alam kung anong emosyon ang mababasa sa mukha niya masyado iyong naghahalo pero lamang parin ang pagiging istrikto.
" Nilabag ko ang utos mo dad " mapait na sambit ko " tumakas ako nang bahay at pumunta sa welcome home party ni Jaireh pero wala akong pinagsisihan dahil ginawa ko iyon" tinitigan ko siya sa mata bago nag baba nang tingin. Gustong gusto ko nang sabihin pero hindi ko masabi nagbabara ang lalamunan ko at naging mas masagana ang daloy nang luha ko.
Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito sa murang edad, kung bakit kailangan kung makaramdam nang ganitong sakit sa ganito ka murang edad. Gabi gabi kung tinatanong sa Diyos kung anong kulang sa akin at bakit hindi ako kayang mahalin nang magulang ko hindi kagaya nang iba.
Kung saan ako nagkulang at kung ano ang mali sa akin.Mahigpit kung pinagsiklop ang kamay at matapang na nag taas nang tingin sa ama at ina ko.
Humagulhol parin nang iyak ang ina ko at umiwas naman ang ama ko sa tingin ko." A-ahm p-pwede n-niyo na po a-akong e-" pumiyok ako saglit dahil parang pinatay ang puso ko sa sakit nang sasabihin ko.
" Eh D-disown dad, mom" nangiginig na sambit ko." Alam kong hindi ako naging mabuting anak kaya kalimutan nalang natin ang ugnayan natin para hindi tayo patuloy na magkasakitan. Pero salamat parin dahil isinilang niyo ako" mapait akong napangiti puno nang luha ang aking mukha.
" Hanggang sa muli Mr. and Mrs. Fuentes"
A/N: Thank you so much for reading labyuuu 💜😊❣️
Please don't forget to vote and leave a comment 😉❣️
Nagmamahal,
Fhynex🔥
BINABASA MO ANG
"COUNTLESS MISTAKE" by Fhynex
عاطفيةALESHA JAZE is the unwanted child, that's why she became rebellious, her parents expect a boy but it turns out a girl. She experienced the feeling of unloved and uncared, because her parents was a business tycon and both busy in thier own world. Tha...