CHAPTER 14

19 8 0
                                    

   Sobrang tahimik namin sa sasakyan tanging tunog nang stereo lamang ang nag iingay.

Napatingin ako sa kamay ko nang bigla niya itong hawakan. Parang kinuryente ang katawan ko at bumabalik na naman ang abnormal  na tibok ng puso ko.

Nang tingnan ko ang mukha niya ay seryoso lang siyang nakatingin sa kalsada.

Hindi ko nalang inalis iyon at bumaling na sa labas.

Nalilito ako sa mga galawan niya masyadong mabilis at hindi ko alam kung dapat ko ba itong ikatuwa.
Hindi ko alam kung totoo at seryoso ba talaga siya sa mga sinasabi pero masyadong umasa ang puso ko at binalewala nalang ang mga negatibo.

" Wake up we are here "  yugyog niya sa balikat ko.

Nakatulugan ko ang pag iisip kaya hindi ko na naman na malayan ang layo nang biyahe.

Kinusot ko ang mata at tumingin sa paligid nandito na nga kami. Sana naman wala ang magulang ko dito.
Wish me luck talaga.

"Salamat sa paghatid tatawagan nalang kita kung kailan ko isasauli ang coat mo" sabi ko at tinanggal na ang seat belt.

Nanatili naman siyang nakatitig sa akin.

"Ano?" Kunot nuong tanong ko nang hindi parin siya gumalaw " hindi mo ba bubuksan tong pinto?"

" You talk while asleep" mahinang bulong niya hindi ko masyadong na intindihan.

" Huh? Diko ma gets "
Nalilitong tanong ko.

"Wala" sagot niya nang may malungkot na ngiti sa labi.

"Bababa na ako salamat ulit sa paghatid " mahinang sambit ko.

Dumukwang siya papalapit sa akin at hinalikan ako sa labi.

"Take care " mahinang bulong niya.

Napatango nalang ako dahil parang may bumabara na naman sa lalamunan ko.

Bumaba na ako at kumaway sa kanya nang paalis siya.

Dahan dahan akong naglakad papasok sa loob. Sobrang tahimik nang bahay at wala ang kotse ni Dad na Ford Raptor kaya sigurado akong nasa opisina silang dalawa ni mom.

Aakyat na sana ako pa punta sa taas nang may biglang humila sa akin.

" Ikaw na bata ka! Hindi ka talaga marunong magsabi saan ka na naman galing? Naku! Buti ako ang nautusan nang mommy mo na pumunta sa kwarto mo kaninang umuga kaya sinabi ko nalang na natutulog ka pa! "

Mahabang talak ni nanay Ciring sa akin matapos akong hatakin dito sa may ilalim ng hagdan.

" Thank you nanay you are my savior" 
Niyakap ko siya dahil sa tuwa alam ko naman na papanigan niya ako lagi dahil bukod sa siya lang ang kasundo ko dito sa bahay abogado ko rin siya.

Si nanay Ciring ang nagpalaki sa akin at kasama ko lagi mula noon pa kaya close na close kaming dalawa.

" Oh siya sige mag bihis kana baka dumating ang mga magulang mo "

Mariing aniya at itinulak ako papasok.

Una kong nakita ang mga gamit na nagkalat sa center table ko may nakapatong na maliliit na box sa naglalakihang kahon.

" Ito na siguro ang pagsalubong sa akin ni Jaireh. Ang galante naman talaga nang isang yun"

Sabi ko habang isa isang sinuri ang mga box at paper bag sa sahig.

Chanel, Gucci, Luis Vitton, at Dior ang mga ito at sa London at Paris pa talaga binili nang pinsan ko.

" Well kakaiba naman talaga mag shopping ang isang yun, ano to?"

Naguguluhan kong binuksan ang malaking kahon na may nakalagay na

" It will help you bigtime! Thank me after you saw it.
    Love you too.

                                              -LJ

" Ano na naman kayang kalukohan to?"

Sobrang hirap buksan nang box dahil sa laki nito.

" Nakaka pagod naman tong pakulo mo Jaireh" reklamo ko.
Kung nandito lang siya ay kanina ko pa siya sinapak.

Anong kayang trip nang isang yun at talagang  kailangang ganito pa kalaki ang box niya ehh box lang din ang laman sa loob.

Limang box na ata ang nabuksan ko at nauubos na ang energy ko.

"Sa wakas! Hayyy!"
Malakas na sigaw ko nang sa wakas ay mabuksan ko ika pito na box.

"  Ano to? Hala! Cellphone? Halaaaa! Cellphone nga"

Napatayo ako sa tuwa habang maiging sinusuri ang iPhone 12 Pro Max na nasa  kamay ko.

Hahahaha matalino talaga ang isang yun kaya alam niyang grounded ako at wala akong cellphone.

Maraming damit at sapatos at iba pa siyang ka ek ekang binigay pero itong cellphone at ear  pods ang ginamit ko na.

Buti nalang may sd card at sim card na. Sinave ko ang number ni Dave .

" Tatawagan ko ba siya o hindi" nakatulalang tanong ko sa sarili.

Napapikit ako sa inis hindi ko alam kung tatawagan ko ba siya o hindi! Ayss bahala na.

*Knock * knock   *knock

Katok nang pinto ang gumising sa diwa ko.
Hindi ko naman namalayan na nakatulog pala ako.

Nang tingnan ko ang caller Id ay...

" Hala meron nga! Natawagan ko pero nakatulog naman ako! Kainis!"

Itinapon ko ang cellphone sa kama at tumayo na para maligo.

" Jazey bumangon kana riyan pinatawag ka nang mommy mo may bisita kayo sa baba magbihis ka raw para sa dinner" malakas na sambit ni nanay Ciring mula sa labas nang pinto.

" Sige po nanay maliligo na muna ako"

Mabilis akong naligo at nag ayos.

Simpleng red Sundays dress ang sinoot at pinarisan ko ito nang aking white stilleto. Pasalubong ito ni Jaireh.

Medyo maingay sa dining kaya nasisiguro kong marami ang bisita nang magulang ko.

" Nandito na po si Ma'am Alesha Jaireh Madam " anang katulong namin.

" What took you so long AJ?" Reklamo agad nang ama ko.

" It's too many to mention Dad " malumanay na sabi ko na  may halong sarkasmo.

Pabagsak niyang inilagay ang baso sa mesa at sinamaan ako nang tingin.

" Fix your attitude AJ your inlaws are here!" Istriktong sambit niya.

Pinasadahan ko muna nang tingin ang mga naroon.
Una kong nakita ay si Russ na may alanganing ngiti sa labi napapagitnaan siya nang kanyang mga magulang at katabi naman nang mommy niya ay ang kanyang lola at lolo sa mother side at ganun din sa papa niya.

" Who says?" Walang modong sagot ko bago umupo sa mesa.

Alam kong mangyayari ito pero hindi ko alam na ganito ka aga.

"Kakasabi lang nang ama mo kanina AJ" malumanay na sambit nang ina ko na may plastik na ngiti sa labi.

" Hmmm I'm not aware? Please somebody enlighten me please at explain me what is this shit! all about"

Mariing sabi ko habang tinitingnan sila isa isa.

Narinig ko ang pagpigil nang ina ko sa ama ko pero wala akong pake!

Ipapakita ko sa mga taong to kung gaano nga ba kabastos ang nag iisang anak ni Alexander Jaze Fuentes!




A/N: Thank you so much for reading labyuuu 💜😊❣️

Please don't forget to vote and leave a comment 😉❣️

                                       Nagmamahal,
                                                Fhynex🔥

"COUNTLESS MISTAKE" by FhynexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon