" Hey lovers ready na ang tangha- AYY PORN! JUSKO!"Sigaw nang pinsan ko dahilan para maitulak ko na naman siya sa sobrang gulat.
" Jai2x anak bat ka sumisigaw diyan tulog paba si AJ? Mamaya mo nalang kaya gisingin" anang tinig ni tita sa labas
Sobrang kahihiyan ang nararamdaman ko nasisiguro kong kasing pula na nang kamatis ang mukha ko ngayon.
Lord sana lamunin na po ako nang lupa! Huhuhu putek bat kailangan pang makita nang pinsan ko ang ganun naming sitwasyon! Bwisit advance pa naman masyado mag isip yan baka ano nang sasabihin non!
" A-ah... a-ano..... k-asi a-ahmm bat k-kayo nag kainan.. ay este! K-kakain na! "
Nauutal na sambit niya na parang nanginginig pa. Lagot ako nito baka bigla akong isumbong kay tita!
" Mali yang iniisip mo!"
Defensive na sigaw ko sa kanya at nagmamadaling nagtalukbong ulit nang comforter."H-huh? A-ahh ... Wala akong isip.. ayy a-ano hindi ako nag iisip! A-ano lang ... " Nauutal na namang sambit niya habang nanginginig.
Gulat na gulat parin ang reaksyon halatang hindi pa naka bawi."Hahahahahahahahahaha"
Napasilip ako sa comforter ng marinig ko ang lakas nang tawa ni Dave.
" What are you laughing at? Umalis kana nga diyan!" Sikmat ko sa damuho.
" Nothing.. hahaha she just look so shock at she almost fell her eyeballs..hahahha"
Nakakabwisit na sambit niya .... hindi talaga marunong makiramdam ang bwisit nato! Pag iyan naka bawi patay ako niyan.Nang lingunin ko si Jai ay walang nagbago sa reaksyon niya kaya nag alala ako.. hindi kaya na multo na to? Ba't parang gulat na gulat naman ata siya masyado?!
" Jaireh! Ok ka lang? " Kinakabahang tanong ko.
" ALESHA JAZE VILLA FUENTES! MAG USAP TAYO!"
Dumagundong sa buong bahay ang sobrang lakas na sigaw nang pinsan ko kaya napatakip ako ng tenga.
Sabi ko na nga ba ehh mag aalboroto na naman ang isang to!
" Ano naman ang pag uusapan natin? Wala tayong dapat pag usapan mamaya niyo na ako gisingin matutulog na ako ulit masakit pa ang ulo ko"
Patay malisyang palusot ko sa kanya. Goodluck naman sana guman-
"NO! MAG USAP TAYO NGAYON DIN! DON'T GIVE ME SUCH LAME EXCUSES!" nanggalaiting sigaw niya at bumaling sa damuho. " AT IKAW! SUMAMA KA PAG UUSAPAN NATIN KUNG KAILAN ANG KASAL!"
Napasapo nalang ako sa noo dahil sa kunsimisyon. Sabi ko na nga ba OA talaga ang isang to kasal agad ang nasa isip.
" She look scary, like she can swallow me in any second" nangiginig kunyaring bulong sa akin nang damuho. Kaya binigyan ko siya nang matalim na tingin.
" Ano bang pinagsasabi mo diyan! Kasalan mo to! Dahil diyan sa kaharutan mo na beast mode si insan!" Paninisi ko sa kanya.
" Why me? I know we both enjoyed it" nakakalokong bulong niya.
" PWEDE BA! WAG NA KAYONG MAGLANDIAN SA HARAPAN KO!"
Napatalon ako sa gulat nang bigla na namang sumigaw si Jai.
Napatakip ako sa tenga matapos niyang sumigaw nang pagka lakas lakas! Putek naman ang isang to napaka oa din ehh.. tinawag lang sumigaw na!
" Ehh ano wag ka ngang sumigaw dyan!"
Nakasimangot na reklamo ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
"COUNTLESS MISTAKE" by Fhynex
RomanceALESHA JAZE is the unwanted child, that's why she became rebellious, her parents expect a boy but it turns out a girl. She experienced the feeling of unloved and uncared, because her parents was a business tycon and both busy in thier own world. Tha...