AaronxShyla 18

7 0 0
                                    

Chapter 18

Mabilis lumipas ang araw. Dumating ang retake exam ko para sa subject ni sir Geo. Kinakabahan ako kahit alam kong kahit paano may natutunan ako sa mga itinuro ni Aaron.

"Kaya mo yan babe. Balitaan mo ako kapag tapos na ang exam mo, okay?" saad ng nobyo ko habang hawak nito ang balikat ko.

Tumango ako sa kanya. Nagulat ako ng yakapin ako nito at halikan sa noo kahit maraming tao ang pwedeng makakita. Nag-init tuloy ang magkabilang pisngi ko kahit pa sa kaibuturan ko kinikilig ako.

Pumasok ako sa lecture room kung saan nandoon ang ibang estudyanteng mag-reretake ng exam. Kinausap ko si sir Geo. Ayoko naman madamay si Aaron kung sakaling hindi ako makapasa sa subject nito.

Nag-vibrate ang cellphone ko. Nakatanggap ako ng mensahe mula sa mga kaibigan ko para i-cheer ako.

Kinabahan ako ng i-abot sakin ang test paper. Pagkakita ko palang sa mga problems. Sumakit agad ang ulo ko.

'Wala man lang multiple choice! Kainis si sir Geo na makinis at makintab ang ulo!'

"You have an hour to finish the test."

'What? An hour? Duhhhh! Masagutan ko ba ang 35 questions na to sa loob ng isang oras? Sampung problem nga lang umaabot na ako sa isang oras!'

"You can start." anunsyo ni sir.

'Oemgeeeee! Hingang malalim Shyla! Kaya mo yan bebe girl!'

Hindi ko alam kung paano ko sasagutan ang 35 questions. Nag-concentrate ako. Inalala lahat ng tinuro ni Aaron. Ayokong masayang lahat ng pagod, pag-intindi at pagtiyaga niya sakin para maturuan ako.

***

Mabilis lumipas ang oras ng hindi ko namamalayan.

"Five minutes remaining." anunsyo ni sir Geo.

'Shet! Anim na questions nalang! Sana umabot!'

Di ko na alam paano ko nagawang sagutan ang natitirang anim dahil sa sobrang kaba.

"Times up and passing score will be 28 and above. You will see the results after an hour."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni sir Geo. Nagpaulit ulit sa isip ko ang passing score. Habang naglalakad para ibigay ang papel sa professor. Para na akong maiiyak dahil may posibilidad na bumagsak ako. At, kapag nangyari yun hindi ko alam paano ko mapapakiusapan si daddy na manatili ako dito para mag-aral.

Kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Aaron.

From: Babe

Tapos na ang exam beb.

See you tonight.

Love you.

[Message sent]

Naglakad palabas ng building para mag-relax. Excuse ako ngayong araw sa klase. Gusto ko sana pumasok dahil mas masaya ang buhay ko sa loob ng classroom dahil sa mga panget kong kaibigan. Nakakawala ng stress ang bunganga ni Carlo na malaki at malapad.

Para hindi nila ako mamiss. Dinaanan ko nalang sila tutal malapit na ang breaktime. Habang naglalakad napapaisip ako kung magiging kalabisan ba kay Aaron kung sabihin kong hintayin niya ako hanggang sa makatapos akong mag-aral sa ibang bansa. Nasabunutan ko ang sarili sa mga alalahanin.

"Psst."

Napalingon ako sa sumitsit sakin. Nakita ko si Blue sa ilalim ng malaking puno. Prenteng nakadekwatro ito na pambabae. Napapaligiran na naman siya ng mga mahaharot na babae.

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon