Chapter Fifteen
Simula ng intramurals sa eskwelahan at kinakabahan ako sa mangyayari sa kompetisyon. Nag-aalala ako sa kamay ko. Simula ng masugat iyon palaging sablay ang mga tira ko.
Ngayon nandito ako nakatayo sa shooting line. Nanginginig ang mga kamay habang sinisilip ang target kong kulay ginto.
"SHYLA! GO! GO!" dinig kong pag-cheer ng mga kaibigan ko sa gilid.
Natawa ako ng makitang may pompoms si Carlo at nakapalda. Hindi tuloy ako makapagconcentrate kasi gusto ko din magsuot non. Ang cute kasi pink ang kulay ng palda. Mabuti nalang pambabae ang katawan ni Carlo kaya bumagay sa kanya kundi mukha siyang binalot na embutido.
"KAYA MO YAN BHIEEEE!" malakas na sigaw ni Lilian.
'Pinapakaba nila ako!'
Tumingin ako sa gilid kung saan nakaupo ang mga ka-team ko. Sinenyas ni Aaron ang labi niya. Nabasa ko ang sinabi niya.
'I love you'
Napanganga ako at natulala sa kanya. Nang marinig ko ang signal basta ko nalang tinira ang pana na hindi humihiwalay ang mata kay Aaron.
*Whum*
Napalingon ako bigla sa tira ko. Ang score na nakuha ko ay singko. Nilingon ko si Aaron at nakangisi ito sakin.
'Nakakainis siya!'
"Babe concentrate." panunukso ni Aaron. Dinig ko ang tawa nila Andres. Sinamaan ko talaga sila ng tingin.
"Kapag natalo tayo dito kayo ang papanain ko!" inis na sabi ko.
Tumawa lang ang mga walanghiya. Sa ikli ng panahon naging close na agad si Aaron sa mga makukulit na miyembro ng archery club ng Empire University.
Humugot ako ng malalim na hininga. Saka nag-concentrate muli sa kompetisyon. *Whum* Limang piraso ang sinunod sunod naming tinira.
"Shy ang galing mo!!!" malakas na sigaw ni Hettie.
Yumukod kami sa kanila. 5,5,5,4,7,9 ang iskor ko. Sumunod si Isaac na tinapik ang balikat ko na parang ang kahulugan ay 'you did great, leave the rest to us.'
Minasahe ni Aaron ang balikat ko ng tumabi ako sa kanya.
"Good job babe." bulong niya.
Tumango lang ako. Nakaka-frustrate kaya kapag hindi ka maka-iskor ng maganda. Mabilis natapos ang pagsalang ng ibang miyembro.
Andres: 9,9,9,8,9,9
Isaac: 8,9,9,9,9,9
Brandon: 7,9,9,9,9,9
Reserve namin si Blue dahil lima lang ang kasali sa kalahok. Kung mananalo kami ngayon sa susunod na laban siya naman ang kasali at si Isaac ang reserve.
"Kiss me para pampaswerte." mahinang bulong ni Aaron.
O____O 《《《 ako.
"Ano bang sinasabi mo dyan?!"
Mabilis niya akong hinila sa may locker room namin. Sinara niya ang pinto saka ako sinandal sa likod ng dahon niyon.
"Kiss me." utos niya.
"A-ano ka ba! Sunod ka na!" kinakabahan na sagot ko. "Hindi ito ang oras ng kalokoha--"
Hinila niya ang isa sa pigtails ko. Next thing I knew. He is already giving me a lip kiss. I was astounded, but at the same time I responded. Hindi ako marunong humalik kaya hindi ko alam ang ginagawa ko. Basta ginaya ko nalang ang galaw ng labi niya. Nang huminto siya hinalikan niya ako sa leeg.
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
RomanceThis story is a fanfiction. I'm Shyla with the y, not with the a&i. Nakakabit sa pangalan ko ang pagiging mahinhin at mahiyain. Never been kiss, never been touch, lahat ng never been isali mo na. Sa makatuwid, no boyfriend since birth. 'Ayyy meron...