AaronxShyla 23

5 0 0
                                    

Chapter 23

Nakarating kami sa bar nila Ethan pasado alas siyete ng gabi. Naka-crop top ako at maong short. Tinernuhan ko ng gladiator na sandals at itim na sling bag. Nilugay ko ang buhok kong lagpas balikat ang haba. Kaunti palang ang tao sa bar ng mga oras na iyon.

"Shyla!" sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Torrance. Kailan nga ba huli kong nakita ang pangit na to? Ah noong libing ni lolo. "Ang laki laki mo na." para akong latang tinaktak nito. "Why didn't you tell me you're going home?"

"Do I have to? I am so busy with my effing life in L.A., right Sandro?" lingon ko sa bodyguard slash bestfriend ko na daw siya.

"Yeah. Busy messing with my life."

Nakatikim siya ng mahinang suntok sa tiyan. Natawa lang siya sakin sa ginawa ko.

"And, who is this man besides you?"

"Boy friend ko." walang-gatol na sabi ko sabay angkla ng kamay sa braso niya.

Natulala silang dalawa ni Alexander sa sinabi ko. "Kaibigang lalaki."

"Ahhh. Kung boyfriend mo itong si Sandro. Matutuwa ako para sayo." saad ni Torrance na ginulo ng buhok ko.

"Ano ba Tor! Makagulo ng buhok." Ngumisi lang ito sakin. "Nasaan sila Amanda at ibang kaibigan niyo?"

"On their way. Maaga pa naman." saad ni Ethan. "Hi Shyla, welcome back." nakangiting bati nito sakin.

"Thank you." Pinakilala ko si Sandro sa kanya. At mamaya ipapakilala ko pa siya sa lahat. Nakakaumay ha. "Anyway, saan ang VIP seats namin Torrance. For girls only."

"Tsk! Next to us." turo nito sa kabilang couch. "Join us Sandro. Hayaan mo si Shyla maghintay sa mga friends niya. Paparating na ang mga iyon. And, you don't want to hear their loud scream." nakangiwing sabi ni Torrance.

"Hell yeah." sang-ayon ni Ethan.

"Mag-enjoy ka lang my baby girl. Sa isang linggo start na ng training mo sa opisina." paalala ni Alexander.

Napangiwi lang ako sa sinabi niya. Naglakad ako papunta sa kabilang couch. Kinuha ko ang cellphone ko para maglaro ng games habang hinihintay sila.

"Anong gusto mong inumin, Shyla?" napaigtad ako boses ni Ethan.

"Pineapple juice meron?"

Tumaas ang kilay niya. "Seriously?"

"O sige na nga. Piña colada nalang para pagdating sa bahay logtu." nakangiting sabi ko.

"Right away ma'am." nakangising nagyukod pa ito ng ulo. Nasundan ko nalang siya ng tingin. Ilang minuto lang ako naghintay ng ilapag nito sa harapan ko ang inorder ko.

"Si Alexander magbabayad nito." nakangising sabi ko.

"Sure!"

Bumalik ito sa mga kaibigan. Sumimsim ako ng kaunti sa alak. Hindi ako natuwa sa lasa dahil matagal ko ng kinalimutan ang alak sa buhay ko.

Maya maya lamang dumating ang mga haliparot kong kaibigan. Nang tumingala ako sa kanila. Mga nakauwang ang mga bibig ng mga ito na akala mo hindi nila ako makikita sa video call paminsan minsan.

"SHYLAAAAAAA!!!!!!" malakas na tili ni Carlo. Sumunggap agad ito ng yakap sakin. "Baklaaaaa namiss kita ng sobraaaa!"

"Ang arte mo pa din kahit kailan."

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon