AaronxShyla 13

26 2 3
                                    

Chapter Thirteen

"Yaya Melay!!!" masaya kong sinalubong ang aking butihing tagapag-alaga. Mahigpit ako nitong niyakap.

"Anong nangyari dyan?" turo agad niya sa sugat ko.

Nasundan ko tinuro niya. Yumakap ako sa kanya. "Aksidente sa palaso yaya." nakangusong sumbong ko.

"Ay sus! Hindi ka nag-iingat na bata ka! Akala ko ba umalis ka na dyan sa isports na iyan?"

Hinawakan ko si yaya sa balikat. "Yaya alam mo naman love na love ko ang pagtira ng palaso. Pwede akong maging si kupido." nakalabing sabi ko.

"Hindi na kailangan at tinamaan mo na ang puso ko." Nakangising sabat ni Aaron na nakatayo sa likuran ko habang bitbit ang sling bag ko.

'Pampam talaga ang beb ko!'

Sumama lang naman siya dito sa Tagaytay. Sunud ng sunod kahit saan ako magpunta. Nababaliw sa kagandahan ko. Hindi na ako hiniwalayan nito lalo na ng malaman na puro lalaki ang kasali sa club. Bantay sarado ako sa kanya. Hindi makalapit sila Andres sakin.

'Pero gusto ko yun! Hihihi!'

"Nakow! Aaron hijo ano bang nakita mo sa alaga kong ito?"

Diretso akong tiningnan ni Aaron sa mata. Ayan na naman ang nakakalusaw na mga tingin niya.

"Everything is beautiful about her."

'Hala naman siya! Pinakikilig ako! Sarap niyang gahasain! Hmmmm pwede! I-handcuffs ko din kaya siya? Natatandaan ko napaungol pa siya sa video nila ng malanding si Isabella.'

"Anak nandito na pala kayo. Bakit ngayon ka lang nadalaw. Kinalimutan mo ng may magulang ka." si mommy.

Yumakap ako ng sobrang higpit sa kanya. Namiss ko ang amoy ni mommy. Nakakakalma iyon ng pakiramdam. Bakit kaya kapag nanay may sarili silang amoy na nakakaigaya sa pakiramdam.

"Namiss kita mommy."

"Namiss ko din ang kakulitan mo anak. Bumalik ka na kaya dito para may maingay na ulit sa bahay. Simula kasi ng magdesisyon kang umalis sobrang tahimik na."

Nalungkot ako sa parte na iyon ng magulang ko. Mas pinili ko makasama si Aaron kaysa sa kanila. Pakiramdam ko naging unfair ako sa kanila.

"Mommy every weekends dito ako tutuloy para di kayo malungkot ni dad. And, mom yung competition sa lunes na po ah. Huwag niyo ako injanin ni daddy."

Mahina itong tumawa.

"Ang mabuti pa umupo muna tayo sa salas. Mamaya ay luto na ang paborito mong ulam." anyaya nito samin.

Humahangos si daddy na papasok ng entrada ng bahay. Binati agad ito ni Aaron at nagyakapan pa silang dalawa. Siguro talagang may lihim silang relasyon. Kawawa naman si mommy ko kung sakali man. Kay mommy halik lang sa pisngi pero kay daddy may yakap talaga. Hindi makatarungan yon.

"How's your studies, Shyla?" tanong ni daddy.

Nakapagpalit na ito ng pambahay. Nasa tabi agad ito ni mommy naupo. Trabaho lang ang nakakapaghiwalay sa kanilang dalawa. Para silang glue sa dikit kapag magkasama.

"Okay naman po ang studies ko. Walang problema." pagsisinungaling ko. "Mom, dad wala na ba kayong balak sundan ako?"

Napabuga ng kape si daddy. Mabilis itong dinaluhan ni mommy. Naramdaman ko ang pagpisil ni Aaron sa balikat ko. Isa rin itong makadikit sakin akala mo mawawala ako. Kung pwede lang siguro akong ipasok sa bulsa niya malamang ginawa niya na.

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon