Chapter Four
Grounded ako ng isang buwan. Eskwela, bahay lang ang pwede kong puntahan. Kinuha din lahat ng gadgets ko. Wala din akong telepono sa loob ng kwarto. Wala ring wifi. Wala lahat.
'My gosh! Paano ako mabubuhay? Paano ako makakapag-update sa lovestagram ko?! Nakakainis si daddy!!!'
Nagalit si daddy ng malaman na tinakasan ko si yaya Melay. Kung pwede lang sana paalisin na si yaya gagawin ko. Kaya lang siya na kasi nag-alaga sakin simula ng maliit ako, eh.
Naalala ko ng makauwi ako ng bahay. Salubong agad ang kilay ni daddy habang palakad lakad sa salas.
[FLASHBACK]
"Saan ka galing?!!!!" halos manginig ang buong sistema ko sa lakas ng boses ni daddy. "Kailan ka pa natutong tumakas Shyla!!!"
"Daddy I did not escape. Gumamit pa rin naman ako ng pinto." pilosopong sagot ko.
Naningkit ang mata nito at mas lalo yatang umakyat ang dugo sa ulo. Sobrang pula ng mukha. Magsasalita sana ito ng unahan ko.
"Hep! Dad! Calm down. Nandito na po ako, oh. Bago kayo magalit gusto ko muna po sanang kumain."
"SHYLA!"
Napatuwid ako ng tayo ng dumagundong ang galit na boses ni daddy sa buong salas.
"PILOSOPO KA NA SUMAGOT! Ganyan ba ang natutunan mo sa Unibersidad! Ipapadala kita sa Amerika kapag hindi ka nagtino!!! Ilang taon na ang sinayang mo sa pagaaral hanggang ngayon ganyan ka pa rin!!!"
Naikot ko ang mata ng hindi sinasadya. Nagugutom na ako at ang sama pa ng pakiramdam ko tapos pagagalitan lang ako ni daddy.
'Masama ba kasing tumakas?'
"Fernando ano ba yang pinagsasabi mo? Ikaw kaya ang ipadala ko sa amerika?" singit ni mommy.
'Mabuti pa si mommy kakampi ko.'
"Langga naman." angil ni dad sabay yakap kay mommy. 'Sa harapan ko pa sila naglambingan ganitong masama loob ko sa nobyo ko!' "O sige na hindi ko na ipapadala ang anak mong magaling tumakas sa yaya niya. Masama ang tingin na pinukol ako ni daddy. Grounded ka ng isang buwan!" galit na saad ni daddy.
Aangal sana ako pero natakot akong dagdagan ni dad ang araw ng grounded ko. Nagdadabog na pumasok ako sa kusina. Nandoon si yaya Melay na masama ang tingin din sakin.
'Nasa bahay kaya ako ng boyfriend ko!'
[END OF FLASHBACK]
Hindi ako nakapasok sa eskwelahan dahil natuluyan ang pagkakasakit ko.
Ang siste lalong nagalit si daddy.
"Shyla inumin mo itong gamot para gumaling ka at makapasok sa eskwelahan." abot ni yaya ang oblong na medisina.
"Tunawin mo sa tubig yaya."
Napamulagat siya sa sinabi ko. Napapailing na kumuha ito ng kutsara. Nilagyan ng kaunting tubig saka nilagay doon ang gamot na tableta.
"Ang laki laki mo na hanggang ngayon takot ka pa din uminom ng gamot."
"Nababara sa lalamunan ko kasi yaya. I hate the taste of that freaking medicine. Bitter."
'Parang ako bitter bitteran ngayon.'
Naalala ko na naman si Aaron at ang mga mata niyang halos hindi kumukurap sa kakatingin kay Tessa. Halata na may crush siya sa babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/250398183-288-k88171.jpg)
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
RomanceThis story is a fanfiction. I'm Shyla with the y, not with the a&i. Nakakabit sa pangalan ko ang pagiging mahinhin at mahiyain. Never been kiss, never been touch, lahat ng never been isali mo na. Sa makatuwid, no boyfriend since birth. 'Ayyy meron...