AaronxShyla 25

15 0 3
                                    

Chapter 25

Nag-away lang kami ulit ni daddy dahil kay Aaron. Hindi ko naman masabi sa kanila na wala na kaming relasyon.

"Peste! Ano bang pinakain ni Aaron sa magulang ko at ganon nalang ang pagkagusto nila sa kanya!"

"Saging."

Nagulat ako sa mahinang pagbulong ng kinaiinisan kong nilalang sa mundo. Matamis ang pagkakangiti ng ex ko sakin bago ito sumeryoso. Inirapan ko lang siya bago ako nagmamadaling naglakad papasok ng gusali.

"Shy!" Napahinto ako ng tawagin ni Sandro ang pangalan ko. "Sabay tayo mag-lunch mamaya."

Bubuka palang ang bibig ko ng unahan ako ng isang pangit. "Hindi siya pwede." singit ni Aaron na nagpataas ng kilay ko. "We have a long session. Tatlong araw lang ang nilaan ko para turuan ka." walang kangiti ngiting saad nito.

"Kasama ang lunchtime sa rules ng kompanya Mr. San Agustin."

"Oo kasama pero kakain tayo habang tinuturuan kita. No more complaints Miss Tan. Nasasayang ang oras ko."

"E di sana hindi ka pumayag!" iritableng sagot ko.

"Sana sinabi mo sa tatay mo na ayaw mo para hindi ako naabala." yamot na saad nito.

Lumapit sakin si Sandro. Hinawakan ako nito sa balikat. "Okay lang Missy." mahinang bulong nito. "Text mo nalang ako mamayang gabi kapag susunduin na kita. May pupuntahan kami ng lola mo." paalam nito. Ngumiti ako sa kanya.

Nadinig ko ang pagtikhim ni Aaron. Tinuro nito ang orasan sa kamay. Nakakairita siya talaga. Kumaway nalang ako kay Sandro bago naglakad papasok ng elevator. Masama ang tingin ni Aaron sakin pero wala akong pakialam.

Pumasok kami sa dating opisina ni mommy. Nirerenovate pa ang magiging opisina ko kaya naman hihiramin muna namin ang silid na ito.

Umupo ito sa swivel chair. Binuksan ang computer doon. Ang pinagtataka ko paano ako nito tuturuan gayong hindi naman niya alam kung anong negosyo meron kami.

"Ano pang hinihintay mo? Magtimpla ka ng kape nating dalawa!"

"Hindi mo ako sekretarya!"

"Pwes ngayon oo! Bilisan mo bago ako magalit sayo."

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Ikaw pa may ganang magalit! Ikaw nga itong nagloko! Bwiset!" nagdadabog na pumunta ako sa kusina. Natakpan ko ang bibig ko ng mapagtanto ang sinabi ko sa kanya.

'Haller! Bakit naman naisali ko ang nakaraan sa usapan! Oemgee baka isipin niya patay na patay pa din ako sa kanya!'

"Mapaso ang dila niya sa mainit na kape ng masiyahan naman ako!" mahinang bulong ko.

Nagdadabog na nilapag ko ang kape sa harapan niya. Nakakunot ang noo nito sa harap ng computer. 'Deym! Gwapo talaga kung hindi lang manloloko!' Nag-angat ito ng mukha.

"Kumuha ka ng upuan. Dito ka sa tabi ko para makita mo ang ginawa kong presentation para sayo señorita." may tuya sa pagkabanggit nito sa huling salita. Hinila ko ang upuan mga six meter away from him. Tumingin siya sakin ng sobrang sama. "Sabi ko sa tabi ko!" Lumapit ulit ako ng kaunti. Sobrang sama na ng tingin niya. Nagulat ako ng hatakin nito ang kamay ko. Naglanding lang naman ako sa kandungan niya. "Ang tigas pa rin ng ulo mo. Pumirmi ka!" maotoridad na utos niya. Nanigas ang buong katawan ko dahil sa ginawa nito. Nanghihina ako para kumawala sa kanya.

"P-pakawalan mo nga ako." mahinang sabi ko. "M-may u-puan naman." utal na dagdag ko.

"Yeah. Stay here and focus. Mag-start na tayo." saad nito.

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon