Chapter Three
Napabalikwas ako ng bangon ng makita na wala ako sa sarili kong kwarto. Ilang minuto bago ko maalala na nasa bahay ako ng mga San Agustin. Nilibot ko ang mata sa munting silid na iyon ni Astrid kung saan ako natulog. Maliit lang iyon na kasing-laki ng banyo ng kwarto ko. Pero, malinis at masinop sa gamit si sister-in-law.
Kinailangan ko nga lang uminom ng sleeping pills para makatulog kagabi. Natakot ako na baka multuhin ako ng kaibigan ko.
Medyo nahihilo ako ng tumayo dahil groggy ang pakiramdam ko. Para akong nag-shabu dahil sa pills na ininom ko. Ang bigat din ng pakiramdam ko na para akong magkakasakit.
~RIIIINNNGGGGG~
Napatingin ako sa cellphone kong tumutunog. Tinatamad na kinuha ko at sinagot iyon.
"Baby where did you sleep last night? Tinakasan mo na naman ang yaya Melay mo." boses ni mommy.
"I'm sorry po mommy. Isusumbong kasi ako ni yaya, eh. Alam mo naman si daddy overprotective." nakalabing sabi ko.
"Hindi ko sasabihin sa ama mo na tinakasan mo si yaya. Sabihin mo sakin kung nasaan ka. Ipapasundo kita kay Tasyo."
Napasimangot ako.
Bumalik ako sa pagkakahiga ng umikot ang paningin ko. Dumapa ako sa kama at tinaas ang binti saka pinagkrus ang mga iyon. Hawak ang ulo ko na medyo kumikirot sa sakit.
"Mommy kaya kong umuwi. Dala ko po ang kotse ko."
"Shyla anak nasaan ka ba talaga? Baka naman may nobyo ka na anak di ka nagsasabi."
Napalunok ako. Kapag nalaman nila na nasa bahay ako ng nobyo ko baka kung ano ang gawin nila kay Aaron. Lumaking konserbatibo ang mga ito.
"Mom NBSB pa rin po ako."
"Ha? Anong Nvcb?"
Natawa ako. "Mom N B S B." mabagal na sabi ko. "Meaning no boyfriend since birth."
"Kung sinasagot mo na ba si Vincent e di hindi na kami nag-aalala ng daddy mo kung sakaling siya ang mapangasawa mo."
"Mommy, ayan na naman tayo. Hindi ko gusto si Vincent. Wala akong nararamdaman kay Vincent."
'Gusto ko lang kay Aaron Maximo!'
"Baby nakikita kong responsable si Vincent kaya nga gusto namin siya ng daddy mo para sayo." dagdag pa ni mommy.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko masabi na may nobyo na ako. Natatakot kasi ako na baka hindi nila matanggap si Aaron dahil mahirap lang sila.
"Mommy kapag wala akong nahanap na bagay sakin. Sige pakakasalan ko si Vincent."
'Bakit ba ang kulit nila.'
Pagharap ko sa pinto nabitawan ko ang cellphone dahil nakatayo doon si Aaron. Hindi maipinta ang mukha nito. Kinapa ko ang cellphone kong nalaglag saka ako nagmamadaling nagpaalam kay mommy.
"H-hi. K-kanina ka pa ba dyan?" utal na tanong ko.
"NBSB pala ha." walang emosyon na sabi niya sakin.
"NBSB naman talaga noon." palusot ko baka sakaling umubra sa kanya.
"Bakit hindi nalang yung Vincent ang buligligin mo at hindi ako." malamig na na sabi niya.
'Hanggang saan ang narinig niya?'
Wala naman sakin si Vincent eh. Parang kinakapatid ang turing ko sa lalaking yun. Wrong timing naman kasi ang pagpasok niya sa kwarto ni Astrid. Hindi ko man lang narinig na kumatok siya.
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
RomanceThis story is a fanfiction. I'm Shyla with the y, not with the a&i. Nakakabit sa pangalan ko ang pagiging mahinhin at mahiyain. Never been kiss, never been touch, lahat ng never been isali mo na. Sa makatuwid, no boyfriend since birth. 'Ayyy meron...