AaronxShyla 22

5 0 0
                                    

Chapter 22

Lumipas ang maraming buwan. Nakapag-adjust agad ako sa bagong tahanan ko. Pumasok ako sa isang pribadong eskwelahan dito sa Los Angeles. Iba ang kultura sa bansang ito. Liberated karamihan ng mga estudyante.

"Shyla, let's go to the club tonight." anyaya ng classmates kong mahilig sa parties.

"I have some business matters to do, Keisha. Maybe, next time."

"Is that so?"

Tumango lang ako sa kanya. Hindi ako nag-stay sa bansang ito para gawin ang mga bagay na nakasanayan ko noon. Gusto kong maging responsableng babae. Kung dati tinatapon ko ang pag-aaral. Ngayon, mas naging desidido ako makatapos. Nagpalit ako ng kurso. Kumuha ako ng business management. Makakatulong ito para sa pagtanggap ko ng negosyo ni daddy balang araw. Naisip ko hindi naman habang-buhay makakaya nilang magtrabaho para sakin. Kailangan kong matuto gamit ang sarili kong mga paa.

Sa tahanan ni lola hindi ako nag-uutos sa mga katulong. Ako mismo ang gumagawa. Naging training ground ko ang tahanan ng mga San Agustin na hindi umaasa sa katulong kahit sabihin pang pinadala si Manang Doris na kalauna'y pinauwi din ni nanay Alicia.

Sa paglipas ng buwan nawawaglit ang lahat ng sakit na naranasan ko. Kailangan naman kasi talaga may pagtuunan ka ng pansin para makalimutan ang masasakit na bagay na nangyari sa buhay mo. Kaya nga heto, nagpapakahenyo yata ako sa larangan na pinili ko.

Paglabas ko ng klase nandoon na nakaabang si Sandro sa parking lot. Isang bagay lang pakiusap ni lola. Hatid sundo ako sa eskwela. Mahirap daw magmaneho sa kalsada sa dami ng mga reckless drivers sa L.A. Hindi ako tumutol doon.

"How's your day, Shyla?"

"Good."

Kung dati naiinis ako kay Sandro ngayon kampante na ako sa presensya niya. Kaya pinayagan ko siyang tawagin ako sa pangalan ko kayda my lady, missy o kung ano pang endearment.

"Home or mall?"

"I am really tired today. I have tons of assignments and projects that need to be done asap." nahahapong sabi ko.

"Do you need help?"

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ang alam ko nag-aaral din ang lalaking 'to. Pero hindi ko naman nakikitang pumapasok sa eskwelahan.

"Kaya ko na. Kailangan kong matuto dumepende sa sarili ko."

"Okay, okay." natatawang saad nito. Mabait naman si Sandro kapag tulog. Lamang ang pangungutya nito sakin. Hindi ko nga alam paano ko natatagalan ang ugali ng hambog na 'to eh.

"Do you wanna stop by to get something to eat? Like Jollibee?"

"I'm really okay, Sandro. Sigurado ako nakaluto na si manang Julie ng hapunan."

"Sabagay."

Matipuno at gwapo si Sandro. Maraming nahuhumaling sa itsura niya, pero never akong kinilig sa kanya. Ang pinakagusto ko sa mukha nito ay ang pinaghalong luntian na kulay ng mata nito. Hindi rin ito kaputian. Natuto nalang ito managalog simula ng manilbihan ito sa lolo at lola ko.

Hindi mayaman o mahirap ang pinanggalingan na pamilya nito. Kaya hanga ako sa pinapakitang kasipagan nito sa buhay.

"Sandro anong pangarap mo sa buhay?"

"Hmmmm ... To be an agent."

"Delikado ang ganoong trabaho hindi ba? Hindi ka natatakot mamatay?"

"Yeah it is a dangerous job, but I like adventures. I am not afraid. Why did you ask?"

"Wala naman. Curious lang ako sa mga bagay bagay."

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon