Chapter Eleven
Gabi na ng makauwi ako sa bahay ng mga San Agustin. Hinatid ako ng mga kasama ko sa archery club. Nagalala naman si nanay Alicia at ibang kasama namin sa bahay.
"Hija sige na anak umakyat ka na sa itaas. Sigurado ako pauwi na si Aaron. Ipagdadala ka nalang namin ng hapunan." saad ni nanay Alicia.
"Sige po nay."
Binigyan ako ng painkiller ng doktor. Hindi ako pinayagan na sumali sa competition pero nagpumilit ako. Nagsinungaling ako sa mga kasamahan ko na pwede akong maglaro.
Nahiga ako sa kwarto ko. Hindi ko nagawang basahin ang mga messages na nasa inbox ko kanina. Nagyayaya sila Amanda na maglibot sa ibang bansa sa Christmas break.
To: Amanda
Sige gora ako.
[Message sent]From: Amanda
Lapit na competition!
Goodluck! Cheer ka namin.
[End]Hindi na ako nagreply. Sinunod kong basahin ang message ni Aaron. Pagbukas tumambad sakin ang nakahubad na nobyo ko kasama ang babaeng nag-comment kanina sa lovestagram niya. Namanhid ang buong katawan ko.
'Akala ko ba gig ang pupuntahan niya? Ibang gig pala ang ibig niyang sabihin.'
Binuksan ko ang isa pang message sakin. Nandiri ako sa ginagawa ng babae sa nobyo ko. Nadinig ko pa ang mahinang pag-ungol at pagmumura ni babe. Binura ko iyon.
'Takte bakit umiiyak naman na ako?'
Unti unting namumuo ang hinanakit ko sa kanya. Ayokong makaramdam ng galit dahil sa nakita ko pero ganito pala kapag may isang bagay na ginawang pagkakamali ang nobyo mo na hindi mo inaasahan na magagawa niya.
Masakit sa dibdib.
Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Wala pang lalaki ang nanakit sakin. Wala naman kasi akong pakialam sa mga boys noon. Crush lang sandali tapos wala na.
Pero kay Aaron, iba ang epekto niya sa buong sistema ko.
Delubyo.
When I first saw him, I saw my future with him. Ang masakit siya ba nakita niya iyon sakin? Mukhang hindi.
Ako lang naman itong si mapilit na gusto siyang gawing nobyo. Siguro dahil gwapo lang siya. Ganon nga siguro yun. Tama yun nalang ang iisipin kong dahilan kung bakit ko siya mahal.
Nagsimula na naman tumulo ang luha ko. Ganito pala ang magmahal ng sobra sobra masarap sa umpisa. Yun nga lang hindi ako na-inform na kailangan ko din palang paghandaan ang masaktan.
Napangiti ako ng mapait.
Marahan akong napahikbi. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi magsanhi ng ingay. Marami pala talagang namamatay sa akala. Akala mo perpekto na ang lahat, pero akala ko lang pala iyon.
Umasa na naman ako.
Naninikip ang dibdib ko sa sama ng loob. Kaya pala ayaw niya akong sumama sa kanya. May concert pala siyang pupuntahan. Dumapa ako sa kama.
Umiyak.
'Aw!'
Nakadagdag ang sakit ng sugat na tinahi sakin. Mabuti pa yun natahi na at gagaling na sa mga susunod na araw. Samantalang ang puso ko walang makakatapal sa pagkadurog niyon.
Kailangan ko na ba siyang bitawan? Kailangan ko na bang alisin ang pagkabaliw ko kay Aaron? Siguro kakayanin ko naman yun di ba? Wala naman siya sa buhay ko noon eh. Iniisip ko palang na maghihiwalay kami ulit unti unting nadudurog muli ang puso ko.
Napahagulgol na ako.
'Ito pala yung masakit! Ang magpaalam sa taong ginusto mong makasama habangbuhay!'
![](https://img.wattpad.com/cover/250398183-288-k88171.jpg)
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
RomanceThis story is a fanfiction. I'm Shyla with the y, not with the a&i. Nakakabit sa pangalan ko ang pagiging mahinhin at mahiyain. Never been kiss, never been touch, lahat ng never been isali mo na. Sa makatuwid, no boyfriend since birth. 'Ayyy meron...