Chapter 19
Mabilis akong bumaba ng sasakyan pagdating sa rancho ng mga Tan sa Tagaytay. Sinalubong ako ni mommy sa entrada mansyon.
"Anak mabuti naman at nagpaunlak ka sa tawag ng daddy mo." mababanaag sa mata nito na kagagaling lang niya sa pag-iyak.
"Mommy what is going on?"
Niyakag ako ni mommy sa salas. Nandoon si daddy na banaag ang pag-aalala sa mukha.
"Dad." mahinang usal ko.
"Mabuti naman at nandito ka na. Nakahanda na ang lahat sa ating pag-alis. Kailangan nating lumipad papuntang Amerika ngayon din. Ang lolo mo nasa kritikal ang kondisyon."
Napaawang ang bibig ko sa balitang iyon ni daddy. Nanikip ang dibdib ko dahil ang lolo Sergio ko ay isa sa mga paboritong nilalang ko dito sa mundo. He spoiled me so much that I became so dependent with them. Nag-iisang anak lang ako kaya lahat ng bagay na pwede nilang ibigay gagawin nila. Kahit alam kong marami akong pagkukulang bilang isang anak ng mga magulang ko.
Ilang taon na nga ba simula ng hindi ko man lang sila nadalaw o kahit man lang matawagan? Ganoon ba ako ka-busy sa pagiging spoiled brat?
"Anak nag-aalala ako sa lolo mo." umiiyak na saad ni mommy.
Pinigilan kong umiyak pero mahirap. Rumagasa ang luha sa pisngi ko. Pangalawang beses palang ako nakaramdam ng ganitong lungkot. Ang una ay nang malaman kong may Isabella sa buhay ni Aaron. At ngayon naman, ang lolo Sergio ko.
Nanghihinang napaupo ako sa tabi ni mommy. Parang sasabog ang puso ko. Ayokong mawalan ng minamahal sa buhay. Ayoko ng maranasan na umiyak katulad ng pagdurusa ko noon ng mawala ang pinakamamahal kong alagang aso.
"Nag-aalala ako sa iyong lola." saad ni mommy habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata nito. Alam kong sobra ang pag-aalala ni mommy para sa magulang nito. Kahit sino namang anak hindi ba.
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ng aking ina. "Magiging maayos din ang lahat mommy." Pinunasan ko ang luha ko. Hindi ko pwedeng ipakita na nanghihina din ako. "Lolo Sergio is a strong man, mom. Makakarecover siya dahil ayaw niyang iiwanan si lola ng mas maaga di ba?" Tumango lang si mommy bago ko siya niyakap ng mahigpit.
"Sheila langga tara na at baka mahuli tayo sa flight natin." Inakay ni daddy si mommy. Lulugu lugo ito kaya alam kong sobra ang pag-aalala ni daddy.
Kinuha ko ang cellphone ko para magtext kay Aaron at sa mga kaibigan ko. Halu halo ang nararamdaman ko ng araw na iyon. Makakabalik ba agad ako? Yan ang tanong na hindi ko kayang sagutin ngayon. Makakaya ba ni Aaron na LDR muna kami ngayon? Nakaramdam ako ng takot ng maalala ko ang sagot nito.
'Bahala na.'
Pagbukas ko ng selepono, may mga mensahe doon si Aaron na hindi ko nabasa.
From: Babe
Kinabahan ka ba sa exam? I'll pick you up in the lecture room. Don't go anywhere. Let's have some snacks together during my first breaktime. ❤
[End]
From: Babe
Nasaan ka? Di ba sabi ko susunduin kita sa lecture room? Bakit ka umalis?
[End]
Natakpan ko ang bibig ko dahil hindi ko iyon nabasa agad dahil naka-silent ang cellphone ko. Kaya ba hindi niya ako pinapansin kanina? Nadagdagan ang lungkot ko dahil nakita niya kaming magkasama ni Blue. At, ngayon aalis pa ako ng hindi man lang kami nag-uusap.
![](https://img.wattpad.com/cover/250398183-288-k88171.jpg)
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
RomansaThis story is a fanfiction. I'm Shyla with the y, not with the a&i. Nakakabit sa pangalan ko ang pagiging mahinhin at mahiyain. Never been kiss, never been touch, lahat ng never been isali mo na. Sa makatuwid, no boyfriend since birth. 'Ayyy meron...