Chapter Two
Katatapos lang namin kumain ng almusal. Naparami ang kain ko dahil masarap talaga magluto si nanay Alicia.
'Mag-aral din kaya ako magluto?'
Hindi sa pagmamayabang pero mayaman ang parents ko. Lahat ng luho binibigay nila lalo na si mommy. Sa tanda ko ngang ito may yaya pa ako. Minsan naiisip kong maging palaboy sa kalsada para maranasan ko paano ba maging katulad nila. Palagi ko kasing nakikita na parang masaya sila kahit salat sila sa buhay.
Katulad nila Aaron hindi mayaman pero masaya ang pamilya. Nagagawa nila kung anoman ang naisin. Sana ganyan din si daddy kay nanay Alicia. Malaki tiwala sa anak.
Sinulyapan ko si Aaron habang may kung anong kinakalikot sa laptop niya. Pailalim akong tiningnan ni Aaron ng silipin ko ang mukha niya. Inipit ko ang buhok sa likod ng tenga ko.
Nagpa-cute ako.
"Stupid."
"Hmmm?" [*beautiful eyes*] "Ang gwapo mo talaga babe ko." Nagdekwatro ako para ipakita ang mahaba at makinis na mga binti at hita ko." Siguro kaya love na love kita." dagdag ko pa.
"If you fall in love with me because of my looks, that's not love. Plus, I don't fall for someone who also likes to flirt."
'Ako flirt?'
"Naka-short lang flirt na? Maganda naman ang legs ko ah."
Tinuwid ko ang mga binti ko sa harapan niya. Pinalo niya iyon ng kamay niya. Nagulat ako sa ginawa niya. Naramdaman ko ang init ng palad niya sa makinis kong balat. Napangisi ako ng wala sa oras.
"Kunwari ka pa beb. Gusto mo lang yata hawakan ang mga binti ko eh. Nahiya ka pa."
"Get lost." Malamig ang boses na sabi nito.
'Ayieee ... ang ganda ng boses niya kapag galit.'
Tumayo ito mula sa sofa. Iniwan na naman niya ako. Sinundan ko ng tingin kung saan siya pupunta. Umakyat ito sa kwarto niya.
'Humanda ka sakin!'
Lumabas ako ng bahay. Kinuha ko ang bag kong LV. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ni Aaron nagbibihis ito ng jersey. Sinuyod ko ang likod ng bebe ko. Ang masculine niya talaga. Nagulat pa siya ng makita akong nasa pintuan at malagkit ang mga matang nakatingin sa kanya.
Mabilis kong inilang hakbang si Aaron. Yun nga nalang sumabit ang mataas kong takong sa extension wire na nakakalat sa sahig.
"Tsk!"
Hawak hawak ako ni Aaron sa kili kili mabuti nalang palaging mabango iyon. Medyo nakakahiya nga lang kasi naka- sleeveless ako.
"Gross! Namamawis." saad niya.
"Mamawis man yan mabango pa rin yan. Kahit amuyin mo pa." nakangiting sabi ko.
Kinawit ko agad ang kamay ko sa leeg niya. Halos maglambitin ako doon dahil six footer ang taas nito samantalang ako five four inches lang.
"Bitaw."
Umiling ako. "Ayoko nga. Saan ka pupunta?"
"No need for you to know."
"Pwede ba yun future wife mo ako dapat alam ko."
Walang emosyon ang mukha niya na tiningnan ako. Sobrang cold din ng treatment niya. Tinanggal niya ang mga kamay ko sa leeg niya.
"Umuwi ka na."
"Ayoko nga. Dito ako matutulog."
Masama ang tingin na pinukol niya. Natakot ako ng slight lang pero nagawa ko pa din na ngumiti sa kanya sa kabila ng pagtrato niya sakin.
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
RomanceThis story is a fanfiction. I'm Shyla with the y, not with the a&i. Nakakabit sa pangalan ko ang pagiging mahinhin at mahiyain. Never been kiss, never been touch, lahat ng never been isali mo na. Sa makatuwid, no boyfriend since birth. 'Ayyy meron...