Chapter Eight
Nasa opisina ako ni daddy sa bahay. Pinilipilit ko itong doon na muna ako sa bahay nila Aaron manirahan. Hindi ko pa sinasabi kay Aaron. Nakaramdam ako ng guilty kapag bumibiyahe ito ng malayo. Natatakot din ako baka mamaya maaksidente siya sa daan.
"Daddy please?" pinagkiskis ko pa ang palad ko sa harapan niya.
"Shyla! I said no!" madiin na saad niya.
Sino nga ba naman ang ama na papayag manuluyan sa bahay ng lalaki lalo na hindi pa naman sila kasal. Wala kundi ako lang.
"Dad para hindi mapagod si Aaron bumiyahe mula Batangas papunta dito sa Tagaytay para turuan ako sa math." muryot ko pa rin.
Pumasok si mommy kasunod si Aaron. Nakakunot ang noo nito na nakatingin sakin. Nahawakan ko ang pigtails ko at pa-demure na ngumiti sa kanya.
"Ano na naman bang pinagtatalunan ninyo ng anak mo Fernando." si mommy.
Napasimangot ako sa harap ni daddy ng bigyan niya ako ng isang nagbabantang tingin.
"Itong anak mo langga gusto manuluyan sa ibang bahay. Kanino ba nagmana ng katigasan ng ulo ang batang ito." maayos na ulit ang boses ni daddy pero may diin sa bawat salita.
"Fernando hindi na iyan tinatanong. Malamang sayo nagmana."
"Pft ..." hindi ko napigilan na hindi matawa sa sinabi ni mommy. Lumapit ako kay dad saka ito niyakap ng sumama lalo ang tingin niya sakin. "I love you dad. Basta payag ka na ha."
"Saan ka ba manunuluyan anak? Kila Amanda ba? Lilian? Hettie?" sunud sunod na tanong ni mommy.
"Kila beb mom." walang gatol na sagot ko.
Gulat ang nasa mata ni mommy at Aaron. Napahawak si mommy sa dibdib. Nahawakan ito ni Aaron at inalalayan maupo sa silya sa harap ng mesa ni daddy.
Ngumiti ako sa nobyo ko ng pagkatamis tamis ng magtama ang mga mata namin. Masamang tingin ang sinagot niya. Hindi niya yata nagustuhan ang ideya ko. Nakalimutan ko lumaking konserbatibo nga pala ang mga ito.
"Shyla! Ano ka ba naman anak! Kung sana pakakasalan ka ni Aaron bukas papayag kami ng daddy mo." tutol ni mommy.
Napansin kong parang natulos sa kinatatayuan niya si Aaron. Napangisi ako ng lihim.
Tinapik ni daddy ang braso ko. "Better luck next time young lady."
"Dad! Mom! please?!"
"Shyla." tawag sakin ni Aaron na nagpatahimik sakin. "Your parents are right. Hindi magandang tingnan--"
"They say cohabiting have pros." Nakangising putol ko sa sasabihin niya. Tinaasan niya ako ng kilay. "We will be able to know each other on such a deeper level. If we are not satisfied with our relationship I can easily pack my bags and move out without any legal implications." mahabang paliwanag ko.
Panay ang buntong-hininga ng mga magulang ko. Si mommy halos hindi makapaniwala sa sinasabi ko.
Mataman akong tiningnan ni Aaron. Yang mga titig na yan ang tumutunaw sa kaibuturan ko. "Shyla, it is easier said than done. Cohabiting is not all about pros. Live-in relationships are not permanent; couples spend time together, enjoy and then move on. While in marriages, they vow to stay together for life long. And, I like the latter." May matipid na ngiti ito sa labi.
Hindi ko maiwasan na mag-imagine. Nakaputing wedding gown. Naglalakad sa aisle. Naghihintay sa altar si Aaron.
'OMG!'
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
RomanceThis story is a fanfiction. I'm Shyla with the y, not with the a&i. Nakakabit sa pangalan ko ang pagiging mahinhin at mahiyain. Never been kiss, never been touch, lahat ng never been isali mo na. Sa makatuwid, no boyfriend since birth. 'Ayyy meron...