Chapter 27
Inabala ko ang sarili sa opisina. Pagtingin ko sa orasan nagulat pa ako na alas nuwebe na ng gabi. Kinalap ko ang mga gamit ko sa mesa para ihanda ang sarili sa pag-uwi. Kinuha ko ang bag bago naglakad papunta sa pintuan at patayin ang ilaw doon.
Paglabas ko ng gusali. Ang nakapamulsang Aaron ang naghihintay sakin sa labas. Doon ko napagtanto na pinag-dayoff ko nga pala si Sandro.
"What are you doing here?" mataray na sabi ko. Kanina pa ba ang sinungaling na yan dito? Hindi ako natuwa na siya ang nabungaran ko.
"I know you're annoyed by my presence, but nanay is waiting." paliwanag nito.
Nawala sa isip ko na inimbita nga pala ako nito. At, mabuti naman alam niyang hindi ko siya gustong makita.
"Kung hindi lang para kay nanay Alicia hindi ako sasama sayo." nakairap na saad ko.
Naglakad ako palapit sa kotse nito. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako nito ng pintuan. Sinandal ko ang ulo sa sasakyan nito. Masakit ang sentido ko sa dami ng papeles na pinirmahan ko kanina. Nagpaalam kanina sila mommy na magbabakasyon sa Cebu. Susunod daw ang lola sa isang araw. Kung ako ang tatanungin, gusto ko din magbakasyon. Gusto ko ulit sumagap ng hangin na malayo kay Aaron.
Pinikit ko ang mata ko dahil sa pagod.
Nagising ako sa isang mahinang haplos sa pisngi. Pagdilat ko, mapungay na mata ni Aaron ang nasilayan ko. Halos maamoy ko ang hininga nito sa sobrang lapit ng mukha nito.
"Nandito na tayo." malumanay na saad niya. Tinabig ko ang kamay niya. Bigla na naman nagpapalpitate ang puso ko. Nagulat ito sa inasal ko. Nawalan ng emosyon ang mata nito dahil sa ginawa ko. Bahala siya sa buhay niya. Hmp!
Pagpasok namin sa tahanan ng mga ito. Bumungad sakin ang babaeng talande. What a great surprise?! Akala ko ba wala na sila ng kabit niya? Bakit nandito yan?
Tumayo agad ang malanding Isabella at sinugod ng yakap si Aaron."Honey! Kanina pa kita hinihintay." Nadinig ko pa ang pagtunog ng halik nito kung saan man dumapo iyon.
"Shyla baklaaaaa!" malakas na tili ni Joshua ang nadinig ko paglabas nito aa kusina. "Ang pangit mo talaga!" sabay yakap nito sakin na may kasamang beso beso.
"Namiss ko yang mas pangit na mukha mo! Ang malagkit mong balat na parang hindi ka naliligo! Kadiri ka pa din!" layo ko sa kanya. Tinampal nito ang braso ko.
"Helloooo anong meron?" napalingon kami sa kadarating na si Tessa. "Sir Raven tuloy ka muna." anas nito. Sumingkit ang mata ko ng makita ang lalaki.
"Anong titig yan?" bulong ni Joshua.
"Ravena anong ginagawa mo dito?" Di ko pinansin si Joshua.
"Tsk! Huwag mo nga akong tawaging Ravena. Nagmagandang loob lang akong ihatid ang kaibigan mo." nakasimangot na paliwanag nito.
Duh!Intentional na diga yan, Ravena! Inirapan ko nalang siya.
"May party ba mga anak?" Lahat kami napalingon sa matandang nakangiti sa hagdanan partikular sakin bago binaling nito ang mata kay bakla."Nakahanda na ba ang hapunan Joshua anak?"
"Yes mother." Malanding sagot nito.
"Kung gayon kumain na tayong lahat. Sumabay ka na sa amin Raven." saad nito sa bagong dating. "Nagluto ako ng paboritong ulam ni Shyla. Nabanggit sakin ni Aaron na dadalawin ako ng batang ito." sabay yakap sakin ng mahigpit.
Muntikan pa akong maiyak sa sinabi nito. Kahit kailan talaga para ko na siyang pangalawang nanay. Sinundot ni Joshua ang tagiliran ko.
"Aaron anak kanina ka pa inaantay nitong nobya mong si Isabella. Bakit ngayon ka lang dumating?" sermon nito sa anak.
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
RomanceThis story is a fanfiction. I'm Shyla with the y, not with the a&i. Nakakabit sa pangalan ko ang pagiging mahinhin at mahiyain. Never been kiss, never been touch, lahat ng never been isali mo na. Sa makatuwid, no boyfriend since birth. 'Ayyy meron...