AaronxShyla 14

13 0 0
                                    

Chapter 14

Simula ng lumipat ako sa bahay ng mga San Agustin, maaga ako gumigising para tumulong kay nanay Alicia maghanda ng almusal ni Aaron. Dinadamay na din namin ang mga palamunin na si Joshua at Tessa dahil alam kong pinagpapala ang mga mababait.

Noon ko lang din nalaman na merong tinatawag na corned beef omelette. Nagluto din si nanay Alicia ng tocino at garlic fried rice. Inayos ko din ang mga kubyertos at plato sa lamesa.

"Nay, gisingin ko na po sila."

"Mabuti pa nga anak."

Kinikilig talaga ako kapag tinatawag niya akong anak. Walang puknat ang ngisi ko habang nagmamadaling umakyat sa kwarto ni Joshua.

"Ang pangit talaga ni Joshua matulog. May mapa ng Pilipinas na siyang nagawa sa higaan niya. Kadiri."

Ginising ko siya gamit ang paa ko. Umungol lang ito saka pinalo ang paa ko.

Tinalikuran ako nito.

"Joshua lande gising! Kapag di ka gumising dyan, ihi ni Pipoy ang ipanggigising ko sayo. Salty yun."

"Kadiri ka talaga bakla!"

"Aarte ka pa? Duh! Thanks to me your still alive. Binabangungot ka kasi ng laway bakla! Ewww, so gross."

Natulala siya sa sinabi ko. Lumabas ako para katukin si Tessa. Kakatok palang ako pero bumukas na ang pintuan.

"Señorita nakahanda na po ang lamesa." nakangiting sabi ko.

"Di ninyo ako ginising para sana natulungan ko kayo."

"Don't mention it girl."

Maarte ko siyang tinalikuran. Sinunod ko ang kwarto ng boyfie ko. Syempre kailangan mabango ako baka sakaling matikman ko ulit ang kiss niya.

'Yaaaa! Kinikilig agad ako!'

Hindi na ako kumatok. Nilock ko ang pinto. Mahimbing pa rin itong natutulog.'Gahasain ko na kaya siya para pakasalan na niya ako. Bad Shyla! Di pa pwede dahil nag-aaral pa si beb mo.'

Sinilip ko ang suot niya. Nanlaki ang mata ko ng mapansin na panty brief ang suot niya. 'OMG! Pwede kami magpalitan ng panty! Kadiri naman yata yon.' Mas nakadagdag sakin ng karisma ang pagsusuot niya non. Sumampa ako sa kama. Nakikumot na din ako.

"Beb, gising na." mahinang bulong ko habang tine-trace ang bawat anggulo ng mukha niya. Hindi man lang ito gumalaw.

Ayoko naman lakasan ang boses ko. Di ko alam kung anong klaseng nilalang siya kapag nagigising. "Beb." tawag ko ulit sa kanya.

"Uhmm."

'Shet! Ang sexy ng ungol niya.'

Nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Nakaawang ng kaunti ang labi nito kaya sinamantala ko iyon. Hinalikan ko siya sa labi. Nagulat ako ng gumalaw ang labi nito sa paraang gusto ko.

"Babe ang aga mo naman manantsing." saad niya ng buhatin ako papunta sa ibabaw niya.

Nanlalaki ang mata ko. Parang mapupugutan ako ng hininga ng yakapin ako nito ng mahigpit saka isandal ang ulo ko sa dibdib niya.

"Oeeeeemgeeeee." mahinang tili ko.

"Shyla ano ba!" angil nito. Binaba ako sa isang gilid saka niyakap. "I'm still sleepy."

"Pero beb nakaluto na kami ng umagahan." nakangusong saad ko.

Tiningnan ako nito. "Bakit ang aga? Mamayang hapon pa ang pasok ko."

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon