Chapter Twelve
Ilang araw na akong matamlay at nakakahalata na ang mga kasama namin sa tahanan. Pinapasaya ko pa rin naman si nanay Alicia sa mga simpleng biro ko para hindi na siya malungkot.
"Anak nag-away ba kayo ni Aaron?" tanong nito isang umaga ng maaga akong nakagayak para pumasok sa eskwelahan.
"Hindi po nay. Busy lang po ako nitong mga nakaraang araw sa pag-eensayo. May laban po kasi ako sa lunes." pinasigla ko ang boses para hindi siya mag-alala.
"Hindi ba bumuka yang tinahi sayo anak?" may pagaalala a boses nito.
Tinuon ko ang atensyon sa sinangag na niluto nito. Ayokong makita niyang nagsisinungaling ako. Pumikit ako ng mariin bago nag-angat muli ng mukha para sagutin ang tanong niya.
"Nanay Alicia malakas po ako. Kapag nakarating kami sa finals manood po kayo ha." nakangiting tugon ko.
"Omooo ... sige hija."
Medyo natawa ako kasi nagagaya na siya sa mga korean drama fanatics.
Dinig namin ang maingay na mga paa ni Joshua. Kaokrayan niya si Tessa na lagi siyang binabara. Kasunod ng mga ito si Aaron na walang kupas ang kagwapuhan. Nag-iwas ako ng tingin ng makitang nakatingin siya sakin.
'Bakit hindi ako kinikilig ngayon?'
Binilisan ko ang bawat subo sa sinangag, tuyo, kamatis, dahon ng kamote at itlog. Matapos inisang higop ang kape tumayo na ako sa hapagkainan.
"Nanay Alicia mauna na po ako. Maghapon po kasi ang practice namin ngayon." Tumango ang matanda sakin. Hindi ko tinapunan ng tingin si Aaron kahit alam kong nakasunod ang tingin niya sakin. Nilingon ko ulit sila. "Ano nay sa Tagaytay po pala ako uuwi ngayong gabi. May inihanda po kasing maliit na salo salo sila dad and mom para sa kaarawan ng aso kong namatay noon."
"Grabe bakla pati aso may death anniversary." singit ni Joshua.
Ngumiti lang ako ng tipid. "Kung hindi dahil sa aso na yun baka wala na ako sa mundong ibabaw."
Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko. Muntikan na akong makagat ng ahas noon sa hacienda namin sa Tagaytay kung hindi lang nakita ng aso kong si Biboy na papalapit iyon sakin.
Nakipagdigma ito sa cobra.
Sampung taon ako non kaya nakatanim sa alaala ko ang mga pangyayari. Iniyakan ko ng sobra si Biboy.
"Sorry bakla."
Ngumiti lang ako saka yumukod sa kanila bago lumabas ng bahay. Bago pa ako makapasok sa sasakyan ko nahawakan na ako ni Aaron sa braso na walang sugat.
"Ihahatid na kita."
"Hindi na --"
"I insist."
Hindi ako nakapalag ng hilahin niya ako sa pulsuhan at isakay sa passenger seat. Inalalayan niya din ang ulo ko. Umikot siya sa driver's seat. Nabangga pa siya sa gilid ng bumper sa kakamadali Nakagat ko ang labi ko para maiwasang hindi matawa. Nabasa ko sa labi niyang napamura siya.
Nakaputing plain shirt lang ito at khaki short at ang regalo kong slip on slipper na birkenstocks. Hindi niya sana tatanggapin iyon kung hindi ko lang sinabi sa kanya na tatalon ako sa pool at magpapakalunod.
'Syempre kailangan aarte din minsan.'
Tahimik lang kami sa daan. Gusto ko sanang kunin ang kamay niya para mag-holding hands kami. Malambot kasi ang mga kamay nito. Napansin kong tinatap nito ang hita ng daliri habang nagha-hum ng kanta. Maya maya lang kinonekta nito ang cellphone sa wire saka nagpatugtog.
![](https://img.wattpad.com/cover/250398183-288-k88171.jpg)
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
RomanceThis story is a fanfiction. I'm Shyla with the y, not with the a&i. Nakakabit sa pangalan ko ang pagiging mahinhin at mahiyain. Never been kiss, never been touch, lahat ng never been isali mo na. Sa makatuwid, no boyfriend since birth. 'Ayyy meron...