Chapter 20
Pagdating namin sa Amerika nawalan ako ng panahon sa maraming bagay. Nakaalalay ako kay lola at mommy na halos pabayaan ang sarili dahil sa sobrang pag-aalala kay lolo na hanggang ngayon ay nasa ICU pa din.
Isang buwan nang nakaratay si lolo ngunit ganon pa din ang kalagayan nito. Mas humihina pa ito dahil sa dami ng komplikasyon.
"Mommy umuwi muna kayo ni lola. Kami na muna na daddy ang bahala dito."
"Okay lang ako anak."
"Ganon din ako apo."
Napatingin ako kay daddy. Umiling lamang ito sakin. Nag-aalala man ito pero alam kong matigas ang ulo parehas ni mommy at lola kaya hindi sila susunod.
"Umuwi ka muna Shyla. Ipapasundo kita kay Sandro." saad ni daddy.
Tumango lang ako sa kanya. Kailangan kong bumawi ng tulog. Gabi gabi ako napupuyat sa pagbabantay kay lolo. Hindi naman ako naghintay ng matagal bago dumating si Sandro. Ang driver at bodyguard ng lolo at lola ko.
Humihikab ako habang naglalakad. Sinusundan ko lang si Sandro pabalik sa sasakyan. Mamaya siguro tatawagan ko si Aaron para sabihin ang biglaang pag-alis ko. Pagdating sa bahay. Naligo at natulog ako.
***
Malakas na katok sa pinto ng kwarto ko ang gumising sakin. Pagtingin ko sa orasan. Alas otso na pala ng gabi. Gayon pa man, pakiramdam ko pagod na pagod pa din ang katawang lupa ko. Inayos ko ang sarili bago bumaba ng komedor.
"Kumain ka na Shyla." saad ni Manang Celia.
"Sumabay na ho kayo sakin. Tawagin niyo ho ang ibang katulong at si Sandro manang." paanyaya ko sa kanila. Hindi gusto kumain mag-isa sa mahabang lamesa. Nalulungkot lang ako.
Isang linggo nang malaman namin na naospital si lolo dumalaw sila uncle Samson kasama si kuya Alexander at Hestia. Kapatid ni mommy ang tatay nito. Alam kong hindi pa alam ng kaibigan ko ang mga nangyayari sakin dahil pinakiusapan ko si kuya na huwag ng banggitin sa kanila kung bakit ako nandito ngayon.
Bumalik din agad sa Pilipinas ang pamilya Santillan. Babalik na lamang daw si uncle Sam sa isang linggo. Dahil sa biglaan na pagkakaratay ni lolo sa ospital hindi maaaring iwanan basta na lamang ang mga negosyo. Iaayos muna daw nito bago sila bumalik muli dito.
"Missy, you look tired. Did you get enough sleep?" basag ni Sandro sa katahimikan. Alam ko naman na nangingimi ang ibang katulong sakin dahil hindi ko sila pinapansin.
"Yep. I think 10 hours of sleep is enough, right?" nakangiting sagot ko kahit may pagkasarkastiko iyon.
Ka-edad ko lang siguro itong si Sandro o mas matanda lang sakin ng dalawang taon. Minsan nakakainis kasama ang bwiset dahil palaging naka-smirk ito sakin.
"Hmmm. Maybe." naka-smirk na saad nito. Hindi ko nalang siya pinansin. "When is Alexander coming?"
"Why are you asking me instead of him?" mataray na sagot ko.
"Hmmmm...your cousins." nakataas ang kilay nito na parang nahihiwagaan sa sinabi ko.
"Yeah I know we're cousins." nakairap na sagot ko sa kanya.
Tumawa lang ito ng mahina sa sagot ko. Mabilis akong kumain para makapagbukas ng social media account. Kailangan kong makibalita sa bebe ko. Mamaya inaahas na pala ng mga malantutay sa EU.
"Manang pakidalhan nalang po ako ng mainit na gatas sa kwarto. Salamat po." saad ko saka ko inirapan si Sandrong panget.
Nagmamadali akong umakyat sa kwarto. Binuksan ko ang social media account ko. Tamang tama na active ang mga kaibigan ko. Nag-group video call ako sa kanila para mangamusta.

BINABASA MO ANG
Love at First Sight
RomanceThis story is a fanfiction. I'm Shyla with the y, not with the a&i. Nakakabit sa pangalan ko ang pagiging mahinhin at mahiyain. Never been kiss, never been touch, lahat ng never been isali mo na. Sa makatuwid, no boyfriend since birth. 'Ayyy meron...