Chapter 26
Mabilis lumipas ang araw. Nakatingin ako sa kisame habang kagat kagat ang lapis sa bibig. Napaigtad ako ng may kumatok sa pinto ng opisina ko. Bumungad sakin ang mukha ni Bonnie - sekretarya ko. May dala itong isang pumpon ng rosas. Malawak ang ngiti nito na ibinaba sa lamesa ko iyon.
"Araw araw naman may pa-bulaklak. Sagutin mo na kasi Miss Shyla." nakangising saad nito bago lumabas.
Sinigurado kong nakalabas na ito bago sumilay sakin ang ngiti. Nagtataka man ako sa kinikilos ni Aaron di ko pa rin maiwasan na kiligin.
"Bakit ba padala siya ng padala ng bulaklak? Mamaya magselos ang malanding si Isabella." mahinang bulong ko.
Inamoy ko ang bulaklak. Tumayo mula sa upuan. Nagpunta sa kusina para kumuha ng vase para ilipat ang bulaklak. Nilagay ko iyon sa ibabaw ng maliit na lamesa sa tea area ng opisina ko. Nakakaganda talaga ng kwarto kapag may halaman o bulaklak sa paligid. Nakangiting bumalik ako sa ginagawang trabaho.
'Kung ipagluto ko kaya siya ng sinigang?'
Mabilis akong lumabas ng kwarto. Nagtungo sa canteen. "Manang pwede ba akong makiluto sa kusina ninyo?"
nakangiting tanong ko. Uutusan ko agad si Sandro na ipamalengke ako.
"Oo naman hija. May mga gulay at karne sa refrigerator kung iniisip mong utusan si Sandro na mamalengke." Halatang nabasa nito ang nasa isip ko. Pero infairness close na agad sila ni Sandro ha.
"Ang galing mo talaga manang!" nakangising sabi ko.
Pumasok ako sa loob ng canteen. Binigyan ako nito ng apron bago nagtungo sa likurang bahagi niyon. Kumuha ako ng karne at kung anu ano pang sangkap na kailangan ko. Ipapadala ko nalang sa opisina nila yon para makatikim din si Topher at Eman.
Lumipas ang halos isang oras at kalahati bago naluto ang sinigang. Binigyan din ako ng tupperware ni manang. Nakangiti ito habang binabalot ang niluto kong sinigang at may kasama na ding kanin.
Kinuha ko ang cellphone para tawagan si Aaron. Wala pang tatlong ring ng sagutin nito iyon.
"Hey, natanggap mo ba yung bulaklak?" tanong nito. Mahihimigan na parang nahihiya pa siya sakin.
"Oo. Sabay tayo mag-lunch. Pupunta ako dyan. Wag ka na mag-padeliver. See you in about 20 minutes. Bye." walang alinlangan na sabi ko.
Mabilis kong sinuksok ang cellphone sa bulsa. Binitbit ko ang picnic basket ni manang. Hinanap ko si Sandro na nakikipaglandian sa mga receptionist. Natigil ang mga ito ng makita ako.
"Oy! Hatid mo ako sa opisina nila Mr. San Agustin." utos ko sa kanya.
"Bakit?"
"Wag ka na magtanong! Dali na!"
Tiningnan ako nito ng matiim. "Hmmm. Kapag nasaktan ka, nandito lang ulit ako." seryosong sabi nito.
Nahampas ko siya sa braso. "Magdadala lang ng ulam masasaktan agad? Ang mabuti pa problemahin mo si Vana. Balita ko may umaaligid sa kanyang gwapito!"
Nagulat ang mukha nito. Mas lalong sumeryoso. Kinuha nito ang basket sakin. Sinabayan ko siya maglakad. 'In love talaga siya kay Vana. Biro lang naman iyon, eh.'
"Nakooo sana hindi pa sinasagot ni Vana yung manliligaw niya." dagdag ko pa para mas lalo siyang maasar.
"Shut up."
"Duhh! Maka-shut up!" nakairap na sabi ko. Pinagbuksan ako nito ng pinto. Wala siyang kibo habang nagmamaneho.
"Aminin mo na kasi kay Vana ang nararamdaman mo kaysa pinipigilan mo. Mamaya atakihin ka pa sa puso."
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
RomanceThis story is a fanfiction. I'm Shyla with the y, not with the a&i. Nakakabit sa pangalan ko ang pagiging mahinhin at mahiyain. Never been kiss, never been touch, lahat ng never been isali mo na. Sa makatuwid, no boyfriend since birth. 'Ayyy meron...