Chapter Ninth
Kung alam ko lang na dito sila sa subdivision ba pag-aari nila Alexander nakatira mas mabilis sa alas-kwatro na pumayag sila daddy.
Kinikilig ako umagang umaga. Pinaghanda lang naman ako ni babe ng pampaligo.
"Mamaya aalis kami ni Topher at Eman. M-may gig kami sa Tondo." utal na sabi niya at hindi nakatingin sakin.
"Pwede sumama?"
"No!" matigas na sabi niya.
Nabigla ako sa malakas na pagkakasabi niya ng hindi. 'Eh di ba gig naman yun? Bakit hindi ako pwedeng sumama?' Inabot niya sakin ang damit na pamalit ko. Nag-init ang pisngi ko na maging ang underwear ko kasama doon.
"Maligo ka na. Nakahanda na ang almusal mo." malambing na sabi niya.
Napangiti ako saka tumango sa kanya. Nagtagal ako sa bathtub. Kagabi ako lumipat sa kanila. Nagulat man si nanay Alicia, pero hindi ito tumutol. Malaki daw ang bahay na iyon para sa kanilang apat.
'Everything is falling exactly from my plan! Ang saya saya!'
Mamimiss ko ang taga-ayos ng buhok ko.
Yaya Melay always braided my hair in pigtails after she used the blower. Ngayon wala ng magtatali non. Sabagay pwede ko naman ilugay ang buhok ko.
Mabilis akong natapos maligo makalipas ang trenta minutos.
Nakaupo ako sa vanity mirror ng pumasok si Aaron. Naglakad siya palapit sa kama at naupo sa dulo niyon paharap sa vanity mirror. Kitang kita ko ang nakakunot na noo niya. Na-concious ako sa paraan ng pagtitig niya. Pinalis ko ang kaba. Binuksan ko ang blower para tuyuin ang buhok ko.
"Staring is rude." sabi ko.
"I like looking at your beautiful face, Shyla." maaligasgas ang baritonong boses na sabi niya.
Muntikan ko ng mabitawan ang hair blower dahil sa pahayag niya na iyon. Natataranta ang puso ko sa kanya malayo o malapit siya. Nagsasalita o tahimik. Pinabibilis niya palagi ang pintig ng puso ko.
Ayan na naman siya at lumalapit sakin. Nagdaiti ang kamay namin ng kunin niya ang pangtuyo ng buhok. Sinuklay niya ang mahabang buhok ko habang tinatapatan ng mainit na buga ng hangin na nanggagaling sa pang-arjud ko.
'Pamura lang isa! Tengena naman! Bakit ganyan siya sakin! Ang sweet niya!'
Tumataas ang balahibo ko sa bawat pagkuha ng piraso ng buhok ko para tuyuin. Naririnig ko din ang mahihinang pagmumura niya. Maingat ang galaw nito na iniiwasan na masaktan ako.
Pinagmasdan ko si Aaron. Itim ang kulay ng buhok nito. Matangos ang ilong na bumagay sa oval-shape na mukha niya. Medium-thick ang kapal ng kilay niya. Near perfect ang symmetrical natural na mapulang labi niya na animo laging nagiimbita na halikan mo. Abuhin ang kulay ng mata niya na akala mo minamagneto ka para mas lalo kang mabaon na titigan siya. Pinasadahan ko ng tingin ang adam's apple niya na nagbibigay ng dagdag pang-akit. Bumaba ang mata ko sa malapad na balikat nito at makisig na pangangatawan niya na alaga sa ehersisyo. Matangkad din si beb ko.
"Liking what you are seeing?" nasa labi ang mapaglarong ngiti.
'Bakit ba laging nang-aakit ang boses niya? Gustong gusto ko iyon na naririnig!'
Napa-iwas ako ng tingin. Pinagsalikop ko ang palad para pakalmahin ang sistema ko. Namalayan ko nalang tapos na niyang tuyuin ang buhok ko.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Pinadausdos niya ang mainit na palad sa braso ko. Tinayuan ako ng balahibo sa buong katawan.
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
RomanceThis story is a fanfiction. I'm Shyla with the y, not with the a&i. Nakakabit sa pangalan ko ang pagiging mahinhin at mahiyain. Never been kiss, never been touch, lahat ng never been isali mo na. Sa makatuwid, no boyfriend since birth. 'Ayyy meron...