Chapter 17
Nag-celebrate ang club sa pagkakapanalo sa finals. Sa ngayon gusto ko munang magsaya bago harapin ang test exam kay sir Geo. Nauwi kami sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya nila Gemini.
Napansin ko din na nandoon ang grupo nila kuya Alexander. Maging sila Amanda ay nandoon din.
"Masarap ang pagkain dito.You should try their steaks." saad ko.
"Nakakain ka na dito?" tanong ni Andres.
"Oo madaming beses na. Minsan libre pa nga, eh. Pamilya ng kaibigan ko ang may-ari ng restaurant na 'to."
"Oh, maganda ba yang kaibigan mo?" tanong agad ni Blue.
"Gumana na naman yang pagiging babaero mo." nakangiwing sagot ko. "May nakatadhana na sa babaeng yon." nakangising sabi ko. Napalingon ako sa lugar nila Logan.
"Nasa barkada ni kuya Lambert?" mahinang tanong ni Aaron.
"Yes beb."
"Shylaang ngetpa congrats!!!!" dinig ko ang boses ni Joshua. Kasama nito si Tessa. Hindi ko sila nakita kanina sa mga nanood. Sigurado ako busy ang mga ito sa flower shop nila. "Para sayo. Kulang nalang kandila." sabay abot ng isang pumpon ng bulaklak.
"Pasensya na Aaron, Shy di kami nakapunta. Ang daming customer sa flower shop kanina." paumanhin ni Tessa. Napatingin ako sa lalaking nasa likuran nito. "Siyangapala, si Leon."
"Nanliligaw sa kanya." saad ni Joshua.
"Inggit ka bakla?" tanong ko kay Joshua.
"Echosera ka!" Napalingon ito sa mga kasama ko sa club. "Hello boys. Ang macho at gwapo niyo." pagpapacute nito sa mga lalaking kasama ko.
"Di ka nila type." gagad ko agad para sirain ang pangarap nito.
"Aaron baby minsan busalan mo ang bibig ng nobya mo ha. Masyadong matabil! Tsk! Wag ka sana pumasa sa mathematics!" nakairap na saad nito.
Natahimik agad ako. "Sira."
Napansin naman agad nila ang pagbabago ng boses ko. Naramdaman ko ang pagpisil ni Aaron sa balikat ko.
"Uy baklaaaa sorreeee nemen. Natahimik ka agad. Alam ko naman papasa ka. Ikaw pa ba?"
"Hmmmm."
Napansin kong siniko siya ni Tessa. "Daanan lang namin si Carlo. Tinext kasi niya kaming dalawa na punta daw kami dito. Di ko naman inaasahan na nandito din pala ang mga kaibigan ni sir Lambert." nahimigan ko ang pagkabahala sa boses nito.
'Hmmm dahil ba kay Raven?'
"O sige bakla doon muna kami." Paalam ni Joshua. Tumango lang ako sa kanila.
Tahimik sa lamesa namin. Nakikiramdam siguro ang mga ito sa usapan namin ni Joshua. Humugot ako ng malalim na hininga. Ngumiti ako sa kanila.
"Naka-order na kayo?"
"Yeah. Steak sounds good." saad ni Andres.
Maya maya lang lumabas si Gemini para kunin ang order namin. Habang umoorder kami nagsalita si Gem. "Shyla may tanong ako sayo."
Pawang lahat ng nasa lamesa nakatutok ang mata sa tsismosang si Gemini. Inayos nito ang salamin sa mata. Tinawag nito ang isa mga serbidora para kunin ang order namin.
"Bago ang chika. Mga kasamahan ko sa club." pakilala ko sa limang lalaki kasama si Aaron.
"Nice to meet you guys. Di ba ikaw yung kapatid ni Astrid?"
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
RomantizmThis story is a fanfiction. I'm Shyla with the y, not with the a&i. Nakakabit sa pangalan ko ang pagiging mahinhin at mahiyain. Never been kiss, never been touch, lahat ng never been isali mo na. Sa makatuwid, no boyfriend since birth. 'Ayyy meron...