AaronxShyla 7

7 1 0
                                    

Chapter Seven

Naiirita ako sa mga babaeng tingin ng tingin sa nobyo ko. Yumakap ako sa kanya ng magsabay kaming kumain sa ilalim ng puno.

'Pinagluto niya lang naman ako ng adobo! Ang sweet ng boyfie ko di ba?'

Ngumanga ako para subuan niya ako ng kanin at adobo. Hindi na ako nahiya sa kanya. Masaya ako kasi magkasama kami sa iisang eskwelahan.

"May kamay ka."

*Pout*

Napangiti ako ng iumang niya ang kutsara sa bibig ko. Napailing nalang siya sakin. Ang mga cells ko kinikilig sa kanya.

'Shet! Ang ganda ko!'

"Mahal kita beb."

Ngumiti lang siya sakin imbes na sagutin iyon. Hindi ako natuwa sa ngiting iyon. Wala ba man lang sagot na 'mahal din kita?' May kinuha siyang kanin sa gilid ng labi ko. Dinala iyon sa bibig.

O_____O 《《《 ako.

'Sana naging kanin nalang ako!'

"Kumain ka ng kumain. Malapit na matapos ang lunch time." malumanay na utos niya.

Natutuwa ako sa pagbabago ng pakikitungo niya sakin. Natutuwa ako sa paglipat nila ni nanay Shyla. Hindi ko na kailangan maghintay ng Sabado at Linggo para lang makita at makasama siya.

"Beb namiss mo ba talaga ako?"

"Yeah." tipid na sagot niya.

'Bakit parang hindi?'

*Pout*

"I miss you." sumilay ang pilyong ngiti nito. Hinawakan niya ang pigtails ko. Inamoy ang dulo niyon. "I miss the smell of your hair. Those lips with a bright smile in the morning." nang-aakit ang boses nitong nakatingin sa labi ko.

'Kainis siya!'

Ang tumbong ko hindi na mapakali sa kinauupuan. Kinikilig na naman ako. Di ko maiwasan na mapakagat sa ibabang labi ko. Napansin kong napalunok siya. Nag-iwas ito ng tingin sakin.

"Kumain ka na. Masyado na akong maraming sinasabi. Baka tumumba ka nalang diyan." saad nito.

Naguluhan ako. "Bakit naman ako tutumba? Malakas naman ako. Kumpleto ang tulog ko."

Sumilay ang mapaglarong ngiti sa labi niya. Mas lalo akong naguluhan pero gusto ko ang nakikita ko.

'Ang gwapo niya! Ang yummy niya! Sarap papakin ng labi niya siguro! Aww! Nagiging mahalay ang utak ko!'

"If that happens ... huminto siya. Tumingin sa labi ko. Parang nanuyo ang lalamunan ko. "I can revive you with my lips and my breath."

'Ano dawww? Bakit naman niya ako irerevive ng hininga niya? Gusto ko man ang ideya na yun pero naguguluhan pa rin ako.'

"Gusto ko yang revive revive na yan beb. May try-outs ba?" tanong ko.

Sinubuan niya ako ng orange. Napapikit ako sa asim niyon. Hindi ako mahilig sa prutas. Sa kanya lang ako natuto kumain non. Siguro kahit ratkill kakainin ko basta siya ang nagbigay.

"Tsk!"

Tumunog ang bell hudyat na tapos na ang lunchtime namin. Sakto lang din dahil natapos kami ng kain. Niligpit nito ang mga tupperware na dala niya.

Binigay niya sakin ang lagayan niya ng tubig. 'Kyaaaaa! Indirect kiss!' Sinulit ko ang pagkakataon. Ninamnam ko talaga ang tubig. 'Bakit ang sarap ng tubig niya?!' Napapailing nalang siya ng mapangiti ako sa kanya. Isipin niya ng nababaliw ako pero baliw na talaga ako sa kanya.

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon