Chapter 28
Sabado ng umaga ng makatanggap ako ng mensahe mula kay Gemini.Niyaya akong magkape ng mga ito. Gusto nilang maki-chika sa 'improvement' daw ng relasyon namin ng aking sinisinta. Korni sila pero mas korni daw ako.
Kumunot ang noo ko ng paglabas ko ng pintuan nakita ko si Aaron na nakayukyok sa labas ng condo ko.
'What the hell? Anong ginagawa nito dito? Wag mong sabihin na dyan' talaga siya natulog kagabi para lang sabihin na hindi niya ako pinabayaan?
Hindi lang naman ako pumayag na matulog sa kanila dahil inis sa kanya. Nanliligaw siya pero madaratnan ko si Isabella sa bahay nila. At ang masakit hindi pa pala alam nila nanay Alicia na hiwalay na sila ni Isabella.
Ginagawa niya lang akong tanga. Hindi na sana ako nag-aksaya ng oras na ipagluto siya. Marami talagang nasasaktan sa akala. Bumabalik lang lahat ng sakit sa puso ko.
Naramdaman siguro nito ang presensya ko. Tumingala ito sakin at sumilay ang ngiti nito sa labi.
Ang gwapo sana pero two timer naman pala!
"What the hell are you doing in front of my condo unit?," kompronta ko.
He stands. "I am making sure you are safe," he briefly explained.
"May guard ang condo unit na 'to, Aaron. Hindi mo ako kailangan bantayan ng bente kwatro oras," naiinis na saad ko.
"Alam ko. I can't ignore your dad's request. Anong ihaharap ko na mukha sa kanila kapag may nangyaring masama sayo? Wag kang mag-alala, aalis na rin ako," saad nito sa malamig na tono.
"Mabuti naman! Hindi ko kailangan ang serbisyo mo!" Nakairap na wika ko.
"Tsk"
"Anong pang tinatayo tayo mo dyan? Akala mo ba maaawa ako sayo dahil binantayan mo ako? Pwes, hindi ang sagot ko."
"Nagmamalasakit lang po ako mahal kong Shyla," nakangisi na ito.
"W-Wag mo nga akong matawag tawag na mahal, dahil may ibang mahal ka na," utal na wika ko.
Nakakainis kasi ang puso ko kumakabog na naman sa mga korni niyang banat.Pinagkrus ko ang aking mga braso.
"Baka nakakalimutan mo Isabella ang pangalan niya at hindi Shyla?," nakataas ang kilay na sabi ko.
Sinandal nito ang balikat sa pader. Ginaya ang porma ng mga braso ko. Pinagkrus din nito ang mga binti.
"Hmmmm."
Akala ko ba aalis na siya?
"Hmm lang masasabi mo?"
"I love staring at you when you're mad. Cute and irresistible, babe," with smiles on his lips.
Ginagago ba ako nito?
"Oh, so I am irresistible, huh? So, why on earth did you replace me with your inggiterang frog na si Isabella? Kung totoo yang sinasabi mo hindi mo ako ipagpapalit sa kanya." May bahid ng hinanakit na sumbat ko.
Tumuwid ito ng postura. Namulsa. Mataman akong tinitigan sa mga mata.
"How many times do I have to explain to you that Isabella is nothing to me. Ikaw pa rin ang mahal ko. Ikaw lang mula noon hanggang ngayon. Aaminin ko nagkamali ako. Kaya nga gusto kong itama lahat ng iyon. "
"How many times do you have to lie to me? Mahal mo ako o ang sarili mo?"
Kaunti nalang maiiyak na naman ako.
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
RomanceThis story is a fanfiction. I'm Shyla with the y, not with the a&i. Nakakabit sa pangalan ko ang pagiging mahinhin at mahiyain. Never been kiss, never been touch, lahat ng never been isali mo na. Sa makatuwid, no boyfriend since birth. 'Ayyy meron...