AaronxShyla 6

7 1 0
                                    

Chapter Six

Nawala na naman ako sa sistema ng titigan ko lang si Aaron habang lumalapit samin. Makulimlim ang mukha nito pero nandoon pa rin ang angas at kagwapuhan. Namiss ko siya na para bang sampung taon kaming hindi nagkita. Gusto ko siyang salubungin ng yakap pero pigil pigil din.

"Shyla, who is he?" boses ni Vincent ang nagpabalik sa wisyo ko.

Tiningala ko siya. Paano ko ba ipapaliwanag sa lalaking ito si Aaron. Ang alam ng buong pamilya ko wala akong nobyo. Si Kuya Alexander lang ang nakakaalam ng pagiging inlababo ko sa kapatid ni Astrid.

Nahigit ko ang hininga ko ng hapitin ako sa bewang ni Aaron. Naamoy ko ang pabangong gamit niya. Nanlambot agad ang mga tuhod ko. Napakapit ako sa damit niya sa likod.

"Aaron San Agustin. Shyla's boyfriend." may diin sa boses niya.

Hindi ko naiwasan na mapatingin kay Aaron. Napanganga ako sa sinabi niya. Hinawakan niya ang baba ko. Tinulak pataas para sumara iyon. Kinindatan niya pa ako na naging sanhi ng pagwawala na naman ng puso ko. Sobrang bilis ng tibok niyon na akala mo naghahabulan si Tom at Jerry.

'Nagkakapaglaway talaga ang bebe ko!'

"Papasukan ng langaw." mahinang sabi niya habang matipid na nakangiti.

'Pero galit ako sa kanya. Di niya ako tinext man lang? Tapos susulpot siya dito?! Hindi pwede yan! At, anong sinasabi niyang boyfriend? Nakipaghiwalay na siya di ba?'

"Shyla?"

Napatingin ako kay Vincent na parang humihingi ng eksplanasyon. Tinanggal ko ang kamay ni Aaron sa bewang ko. Tumikhim ako saka lumayo sa nobyo ko.

"Ex boyfriend ko nga pala Vincent."

'Suyuin muna niya ako bago maging kami ulit. Galit talaga ako at first time yan.'

"If you insist that I am your ex boyfriend Shyla, believe me I will make your wish come true." pagbabanta ni Aaron.

'Hala naman eee!'

*Pout*

"V-Vincent sorry boyfriend ko pala siya." turo ko kay Aaron.

Nakita ko ang ngisi ng walanghiyang si San Agustin. Mabilis akong hinatak ni Aaron sa pulsuhan para mapalapit sa kanya. Napasandig ako sa dibdib niya.

'Nakakainis siya!Sa isang banta niya lang na hihiwalayan niya talaga ako naging sunud sunuran agad ako.'

"Alam ba yan ng magulang mo?"

'Hala! Isusumbong niya ako?'

Kinabahan ako bigla. Itutulak ko sana si Aaron palayo sakin pero mas humigpit ang hawak niya sa bewang ko.

"Thanks for your concern, pare. I went to meet tita Shiela and tito Fernando this morning. They agreed with our relationship." nasa boses ni Aaron ang pagiging sarkastiko.

'OMG!!!!! Kyaaaaaaaaa!!!! Legal na kami kung ganon? Pwede ko na siyang gahasain?!!!'

"Pwede ko na bang angkinin ang nobya ko pre? Marami kaming pag-uusapan." banayad na saad ni Aaron.

'Angkinin? Masarap ba yun'

Hindi nagpaalam na sumakay si Vincent. Masama ang tingin na pinukol kay Aaron. Nang makaalis ito mabilis akong lumayo kay Aaron pero pinigilan niya ako. Niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi alintana ang mga nakatingin. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko alam saan kami pupunta. Sa likod ng locker room kami ng basketball club nakarating. Napalunok ako ng nilock niya ang pinto. Sinandal niya ako sa pader. Matiim niya akong tinitigan. May galit sa mata nito.

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon