AaronxShyla 10

11 0 0
                                    

Chapter Ten

Nakangiti akong sinalubong ni sir Legaspi at ng mga kasama ko sa club na nandoon para mag-ensayo.

"Woohoo! Present ang pambato ng archery club!" pagbibiro ni Isaac.

Niyakap ko silang lahat dahil namiss ko sila. Tuwing weekends sila nagpapractice kaya hindi ko sila nakikita ng ilang linggo.

"Shy baby!" bati sakin ni Brandon sabay buhat sakin na parang nagbubuhat lang ng bigas.

"Whoaaaa!" napahinto si Andres sa pinto ng club ng makita ako. "Nandito pala ang paborito kong archer!"

Lumapit ako sa kanya para tulungan siya sa gamit niya bago siya hinampas sa braso. "Anebe Andres huwag mo naman ipangalandakan!" Napailing na natawa siya sa late reaction ko.

"Get ready!" malakas na anunsyo ni sir Legaspi. "Late na naman si Blue."

"Nang-chicks pa sir." biro ni Isaac habang nilalagyan ng lube ang dulo ng arrow para anti rust.

Nilagay ko ang chest guard sa katawan ko.Tinulungan ako ni Brandon iayos iyon. Nilagay niya din sa bewang ko ang quiver kung saan nakalagay ang arrow. Sinuot ko ang glove, arm guard at finger tab sa daliri ko.

"Mukha ka ng professional player." nakangising saad ni Blue ng malingunan namin ito. Napangiwi ako sa itsura niya. "Maligo muna ako!"

"Tsk! Tsk!" si sir Legaspi.

Maya maya lang humilera na kaming apat sa shooting line. Mabigat ang bow kaya nakakangalay din siya. Kain tulog kasi ang gawa ko sa bahay kaya kaunting bigat lang pagod na agad ako.

"Posture Shyla."

Pinalo ni sir Legaspi ang balikat ko at likod ng maliit niyang stick. Ganon din ang ginawa niya kay Isaac.

"Set ... shoot." anunsyo ni sir.

*Whum*

*Whum*

*Whum*

*Whum*

"Ang ganda ng tunog ng arrow ko!" mayabang na saad ni Andres.

Sabay sabay kaming naglakad sa target para makita kung saan tumama ang palaso. Napangiti ako ng sapul iyon sa gitna.

"Mas maganda ang tunog ng sakin Bonifacio." sabi ko.

Napangiwi siya.

"Look oh!" nagmamalaki na pinakita ko kay Andres saan tumama ang palaso.

"Whew! Walang kupas Shy!"

Napasimangot ako ng makitang sapul din sa gitna ang tatlong palaso na tinira niya. Natatawang kinindatan ako ng damuho.

'Tusukin ko mata niya eh!'

"Balita ko boyfriend mo ang isa sa mga bagong pinagkakaguluhan ng mga kababaihan ngayon sa campus."

'OMG! My babe!'

"Kainis ka! Namiss ko tuloy bigla ang bebe ko!" Hampas ko sa braso ni Andres.

Napangiwi siya.

"Nalungkot naman ako sa balitang yan. Hindi ka na namin baby!" kunwaring nagpapahid si Brandon ng luha sa mata.

"Tsk! Di ba pumasa ang kagwapuhan namin sayo Shyla?" si Isaac.

"Gwapo kayo nandoon na tayo. Mga babaero nga lang kayo. Sinu sino ang nababalitaan kong nobya niyo. Dito pa talaga kayo nagkalat sa campus!"

Nag-apiran silang tatlo. Mga baliw.

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon