AaronxShyla 16

5 0 0
                                    

Chapter 16

Maaga kaming pumasok ni Aaron para sa finals ng intramurals. Hindi ako kinakabahan kung mananalo kami o matatalo. Mas kinakabahan ako para sa susunod na linggo kung saan midterm na namin. Kailangan maipasa ko ang subject ni sir Geo dahil kung hindi ko maipapasa ang kursong ito ipapadala ako ni daddy sa Amerika. Kasunduan na namin iyon bago ko pa maging nobyo si Aaron. Alam kong pinagdarasal na ni lola na hindi ko maipasa ang kursong kinuha ko dahil gusto nitong manatili ako sa banyagang bansa.

Kahit anong pilit ko talaga hindi ako matuto. Magaling na tutor si Aaron. Madaling intindihin ang bawat paliwanag nito pero kapag sasagutan ko na ang mga halimbawa nitong problema sa matematiko, nagiging bobo ako. Nagiging blangko ang utak ko na para bang naging bula lahat ng itinuro niya sakin.

'Sana lang pumasa ako.'

"Hey! You're spacing out." untag sakin ni Andres.

Di ko namalayan nasa archery club na pala kami. Nakita kong pumasok sa dressing room si Aaron para magpalit ng team uniform.

"Ah, hindi noh."

"Nervous?" si Brandon.

"Tiny."

"I am 100% sure we're going to win this game. Relax, Shy." tapik ni Blue sa balikat ko. Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi naman kasi ako kabado. May tiwala ako sa kakayahan nila.

Naupo ako sa bench. Pumasok ako sa eskwelahan na suot ang uniform namin. Nilabas ko sa dalang bag ni Aaron ang mga gamit namin. Naramdaman kong tumabi sakin ang nobyo ko. Kinuha niya sa kamay ko ang mga gamit. Inutusan ako nitong tumayo para siya mismo ang magsuot sakin ng mga support gear.

Hinayaan ko siya.

Pinagmasdan ko lang siya.

Hindi kami masyadong nag-uusap. Nasaktan na naman kasi niya ako noong isang gabi habang nasa bar nila Travis. Hindi ko akalain na hahalikan siya ni Isabella. Alam kong hindi siya ang nag-initiate non pero masakit pa rin sa mata na may humahalik na iba sa nobyo mo.

Lahat ng nangyayari sa buhay pag ibig ko bago sakin. Si Aaron ang unang lalaking minamahal ko ng sobra sobra. Nagiging manhid at tanga na nga ako kung minsan pero wala pa rin akong pakialam kasi nga mahal ko.

Napabuntong-hininga ako.

Nagkatinginan kaming dalawa pero nagbaba lang ako ng paningin. Nakailang hingi na ba si Aaron ng tawad sakin? Maraming beses na siguro kaya hindi ko na matandaan.

'Nakakapagod din pala.'

"Salamat." saad ko ng matapos nitong maikabit ang mga suporta sa katawan ko.

Tumango lang siya.

Umalis ako sa harapan niya at saka lumipat sa kabilang upuan kung saan nakaupo si Andres.

"Ang tahimik mo Shyla. May problema ba?" tanong ni Andres.

Di ko siya nilingon. Humalukipkip lang ako. Sinandal ang ulo sa dingding at saka pumikit.

"I'm okay." saad ko.

"Ganyan ang okay, pana'y ang buntong-hininga." boses iyon ni Brandon.

Dinilat ko ang isang mata ko. Nasa platform ito para mag-practice habang hinihintay ang ibang kalahok.

"Mag-practice ka nalang dyan. I want to have a peaceful mind before the competition begin. Gusto ko maka-perfect ngayong finals." mayabang na sabi ko.

"Sinasabi ko na nga ba. Golden egg ka ng archery!" saad ni Blue.

"What? Golden egg? Duhhhh! I am not a chicken."

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon