Kabanata XVIII
--Second day of college festival—
Madilim na sa buong University, pero tila mas konti ang tao ngayon kumpara kahapon. I wonder kung ganito rin kaninang umaga. 'Di na kasi ako pumunta since wala rin naman akong duty ngayon sa food booth namin.
Nagtext kanina si Tash na kailangan ko raw pumunta ngayong gabi pero kanina pa ako pa-ikot-ikot dito hindi ko pa rin siya nakikita.
Nahinto na lang ako sa paglalakad nang mapagtantong nasa pinakadulong parte na ako netong school grounds. Sa harap ko ay isang malaking box na may pinto sa gitna. Out of curiosity, pumasok ako.
Pagsara ko ng pinto, isa-isa namang bumukas ang mga ilaw, mula sa 'kin hanggang dulo. Namangha ako. Booth pa rin ba 'to? or... bodega? May mga nakatambak kasing gamit tulad ng cabinet, antique pendulum clock, rocking chair na gawa sa kahoy, at kung ano-ano pa. Sa dulo, ay may isang mesa at sa ibabaw neto ay mga nagkalat na papel.
Pero ang mas naka-agaw ng atensiyon ko ay 'yong Gothic doll na nakatayo sa isang sulok. Napatitig ako ng ilang minuto rito. 'Di naman siya mukhang haunted but it gives me the creeps just by seeing it.
Inalis ko ang tingin ko rito at binalik muli ang tingin sa kabuuan netong bodega bago mapagdesisyunang lumaba- wait, may sira ba 'tong door knob? Bakit 'di ko mabuksan?
Inikot ko ito ng ilang beses pero hindi pa rin mabukas. At no'ng tiningnan kong maigi 'yong door knob, napalunok ako.
Baliktad.
Ibig sabihin mabubuksan lang siya... kapag sinusian... dito sa loob?
~Kriiiing...Kriiing~
Umatras ako ng konti at napalingon sa telepono na nakakabit sa gilid at kasalukuyang nagri-ring. 'Di na ako nag-alangan pa at sinagot ito agad.
"Hi there, Luna. Consider yourself lucky! Not everyone who enters our Escape Room receives a call from—"
"Cut the crap. Sino ka at sino'ng nag-locked netong pinto?" putol ko sa sinasabi niya. Hindi na ako masyadong nagtaka na kilala niya 'yong pangalan ko dahil mukhang pamilyar din ang boses niya sa 'kin. She might be someone I know, 'di ko lang matandaan kung sino.
Tumikhim 'yong babae sa kabilang linya bago muling nagsalita. "You are in no position to ask Luna. You are the one who enters our territory, remember?" Bigla akong kinabahan sa sinabi no'ng babae, lalo na sa pag-iba ng tono ng boses niya kumpara kanina.
Napayuko na lang ako as I bit my lower lips. "I'm sorry. Pero puwede bang palabasin niyo na ako? Magbabayad na lang ako ng entrance fee, d-do-doblehin ko na lang! Palabasin niyo lang ako," paki-usap ko. Wala na kung pake kung magmukha akong desperada rito, ang mahalaga ay makalabas ako. Pero bigla na lang tumawa 'yong babae sa kabilang linya. "Not too fast, Luna. This is an Escape room, so find the key if you want to go out."
What?
Escape... Room itong napasukan ko?
"I'll give you one hour to escape from this room, if not, bukas ka na makakalabas. Goodluck!"
"Wi-wait, wait. Paanong escape ang gagawin ko? Saka bakit one-hour lang!"
Totoot
Bastos. Binabaan pa ako!
Napahawak na lang ako sa noo ko at hinilot ito. 'Di pa rin ma-process ng utak ko ang mga nangyayari. Pumasok lang naman ako sa room na 'to, then the next thing I know I'm already locked in here.
Dismayado kong binalik ang telepono sa lalagyan neto at saka muling humarap sa kabuuan netong bodega. I guess I don't have a choice but to play their twisted game.

BINABASA MO ANG
I Can See Ghosts
Aventura[Most Impressive Ranking - #1 in Philosophy] Meet Luna Sandrich Ruiz. A college girl who can see and talk to a ghost. If everyone thinks it's a blessing or a gift for her, it's a curse. She didn't have a normal life because, for her, she's not norma...