Pumasok na rin ako sa loob tulad ng ginawa niya dahil mukhang wala na rin naman akong magagawa para mapaalis siya.
"Anong kailangan mo?"panimula ko.
"Pfft, straight to the point ah. Hindi ba mas maganda kung ang itatanong mo muna ay kung anong pangalan ko, kung saan ako nagmula, kung paano at bakit ako napunta sa lugar na 'to o kaya naman kung bakit ako naging multo?"
Really? Mukha bang interesado akong malaman 'yan?
"Naging multo ka dahil patay ka na," diretsong sagot ko. 'Yon naman talaga ang totoo at hindi niya na kailangan pang i-kwento dahil napaka-obvious naman na no'ng sagot.
"Tss. Ang ibig kong sabihin ay kung paano ako namatay at naging multo."
"Then how?" Iniwas niya tingin niya at saka biglang
natahimik. Napa-iling ako.Ibang klase rin. Kung kelan ako nag tanong saka naman siya tatahimik.
"I thought you have so much to talk about then why so silent right now? I thought you want me to know your name, where you came from and why you became a ghos----"
"I'm sorry."
Sorry?
I gave him a questioning look so he continues.
"Nakalimutan ko kasing wala nga pala akong naaalala hehe."
'Yong nararamdaman kong pagkairita kanina ay napalitan ng kuryusidad dahil sa sinabi niya.
Wala siyang naaalala?
Pa'no nangyari 'yon? Ngayon lang ako naka-encounter ng ghost na walang naalala pagkatapos mamatay. Ano 'yon nagka-amnesia siya gano'n?
"So... ano 'yong huli mong naaala after mong malaman na patay ka na pala?" curious kong tanong.
"Hmnnn..3 years ago nagising na lang ako sa building na 'to." panimula niya. "Hindi ko alam kung pa'no 'ko napunta rito kaya sinubukan kong magtanong-tanong sa mga taong nakakasalubong ko pero parang hindi nila ako nakikita o naririnig, na para bang wala ako sa harap nila, na para bang hindi ako nag-e-exist. Doon ko lang narealize na patay na pala ako." Ngumiti siya pagkatapos, isang mapait na ngiti. Nakaramdam ako nang awa para sa kanya.
3 years na siyang patay at wala man lang siyang maalala. Buti naman at nakayanan niya 'yon.
"I'm sorry to hear that."
"No, don't be. Nanininiwala naman ako na everything happens for a reason kaya kung gusto ng Diyos na nandito pa ko then it means I still have something to do here. I just need to find it out."
Napahanga niya ko sa sinabi niya kaya hindi ko naiwasang mapangiti dahil do'n.
Tama siya, lahat ng bagay may rason. May rason kung bakit tayo nag-e-exist at kung bakit tayo napunta sa sitwasyon natin ngayon.
"You should do that often." Lumingon ako sa kanya at saka siya tininggnan nang may pagtataka dahil sa sinabi niya.
"'Yong pag-ngiti mo kako dalas-dalasan mo, mas maganda ka kasi 'pag gano'n," sabi niya saka ngumiti.
Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko biglang uminit ang pisngi ko.
"So anong plano mo? " tanong ko para ma-iba 'yong usapan.
"Plano? " pag-uulit niya sa sinabi ko habang nakahawak sa chin niya na para bang nag-iisip.
"Naniniwala ka rin ba na everything happens for a reason?"
![](https://img.wattpad.com/cover/127436882-288-k938463.jpg)
BINABASA MO ANG
I Can See Ghosts
Adventure[Most Impressive Ranking - #1 in Philosophy] Meet Luna Sandrich Ruiz. A college girl who can see and talk to a ghost. If everyone thinks it's a blessing or a gift for her, it's a curse. She didn't have a normal life because, for her, she's not norma...