Nakatingin ako sa Prof namin sa harap at sa classmate kong si Janine na nakatayo ngayon habang may hawak na isang itim na rosas na kakabigay lang sa kaniya no'ng isa pang kaklase namin. Kanina pa 'yan nila pinagpapasa-pasahan, pero mukhang part of the lesson naman dahil bawat petals neto ay may nakasulat na tanong kung saan kailangan sagutin ng kung sino mang mabibigyan ng itim na rosas na 'yon.
"Have you ever had an experience in which you nearly... died?" dahan-dahang pagbasa ni Janine sa nakasulat.
"Yes sir. I think oo na."
"Ohhhhh," hiyawan ng mga kaklase ko.
"Last year lang guys." Mula kay sir ay ilinipat niya ang tingin sa 'min. "No'ng June 7, a day before my birthday, muntik na akong mahagip ng isang ambulance no'ng tumawid ako. Akala ko kasi masyadong malayo pa kaya 'yon tumawid na ako tapos nagulat na lang ako nasa gilid ko na, as in sobrang lapit na sa 'kin! Buti na lang nakapag slow down pa rin 'yong driver no'n."
"Kung nagkataon pala kasama ka nang itinakbo ng ambulansiya?" pabirong sagot ng prof namin that made everyone laugh.
"Okay next."
Pumunta agad si Janine sa likod 'pagkasabi no'n ni Sir.
Agad namang nagtilian ang mga kaklase ko no'ng ibinigay niya 'yong rose sa boyfriend niya pero napalitan din ito ng tawanan nang basahin na ni Albert 'yong tanong.
"Kung mamatay ka bukas, bakit hindi pa ngayon?"
"Hahahahahahahahahahahahahahahaha."
"Sir naman bakit ganito 'yong tanong?"
"Bakit hindi?"
Mas lalo lang naging maingay ang buong klase dahil sa isinagot ni Sir kay Albert.
"Kasi sir, bukas pa raw, hindi ngayon!" pilosopong sagot ng kaklase ko.
"Pfft"
"hahahaha."
"Loko! Hahaha."
"That doesn't answer the question Mr. Benitez," walang emosyong sambit ni Sir habang nakatalikod sa 'min kaya naman napakamot na lang si Albert sa ulo niya.
"Eh kasi Sir," panimula niya. "Hindi ko na magagawa ang mga bagay na puwede ko pang magawa kung mamatay na ako ngayon," seryosong sagot neto.
"Oh, talaga?" mabilis na sambit ng prof namin. Halatang 'di nakumbinsi sa sagot ni Albert sa kaniya. "If today were the last day of your life, would you really still want to do what you are about to do?" nanghahamong tanong pa ni Sir dahilan para matigilan kaming lahat.
Hindi naman gano'n kahirap sagutin 'yong tanong, yes or no will do but to answer that you still need to visualize yourself na mamatay na. Seryoso? Bakit ganito 'yong mga tanong, all about death?
"Next," sabi ni Sir nang wala ng nagawang sumagot sa kaniya. Napakamot na lang din ulit sa ulo si Albert at ibinigay 'yong hawak-hawak niyang rose sa katabi niya, na sa tingin ko ay si Nathan.
"Why do people die?" Dahan-dahan niyang ibinababa 'yong kamay niyang hawak 'yong rose pagkabasa niya no'ng tanong saka diretsong tumingin sa prof namin. "Because nothing is permanent in this world Sir, just like our lives here. But I think we should not see this as a punishment or end but rather, a blessing and new beginning with our creator."
Walang emosyong tumango si Sir sa kaniya. "Okay, next."
Inilibot ni Nathan ang tingin sa 'ming lahat at nagulat na lang ako nang mahinto ito sa 'kin. Nag-iwas agad ako ng tingin, 'wag niyang sabihin na sa 'kin niya 'yan ibibigay? Ang dami namang puwedeng bigy—
Eh?
Naramdaman ko na lang na nasa unahan ko na siya at nasa tapat na ng mukha ko 'yong itim na rose. Kung kanina ay sobrang ingay netong classroom ngayon naman ay sobrang tahimik. Tumingala ako para tingnan si Nathan at nakitang nakatingin rin siya sa 'kin, nag-aantay na kunin ko 'yong hawak niya kaya kinuha ko na rin ito at pinitas ang nag-iisa na lang na petal neto.
"If you will have the power to choose, die at an early age or never die at all, what will you choose?" basa ko sa tanong.
"Oh-uh." Rinig kong reaction ng isa sa mga kaklase ko. Kailangan ko pa bang sagutin 'to? 'IF' you will have the power lang naman eh, at syempre wala ako noon. Pero no'ng ibinalik ko ang tingin ko kay Sir at nakitang naghihintay siya sa isasagot ko hindi na ako gaanong nag-isip at pumili na lang sa dalawa.
"Die at an early age," diretsong sagot ko.
"Ohhhhhhhh,'' sabay-sabay na reaction ng mga kaklase ko.
Ayoko pa namang mamatay ng maaga, pero mas ayaw ko rin namang hindi mamamatay sa mundong 'to. Ano gagawin ko habang buhay? Mga paulit-ulit na karamihan ay wala namang mga kabuluhan? That's insane. Who would want that?
Dahan-dahang tumango sa 'kin si Sir saka tumalikod at bumalik muli do'n sa harap kaya umupo na rin ako. Pagkatapos ay may isinulat siya sa board, na hindi naman na namin ikinagulat.
'Death.'
"I know death is not everyone's favorite subject. Pero kahit na anong iwas natin na mapag-usapan ang bagay na ito, hindi pa rin natin ito matatakasan. We cannot change the fact that we are all going to die, someday."
Muling naglakad si Sir sa harapan papunta sa gitna.
"Others see death as a fearful foe. Are you guys one of those?" tanong niya sa aming lahat. "Kailangan ba talaga nating katakutan ang kamatayan? Bakit?"
Walang nagtangkang sumagot kaya muling nagsalita si sir.
"Ah, dahil hindi natin alam kung saan tayo pupunta? Ang kaluluwa ng taong namatay ay pupunta sa eternal destination, heaven or hell."
May isang nagtaas ng kamay sa unahan. "Eh bakit sir may mga kaluluwa pa ring naiiwan dito sa mundo natin, umaali-aligid at nagpaparamdam sa ibang tao?"
Isinandal ko ang likod ko sa upuan at inabangan ang isasagot ng Prof namin.
"That's actually a good question. Ang mga nagpaparamdam na 'yan ay demonic spirits. Ang akala ng mga tao ay mga multo ito na may human spirit pero hindi. We are dealing with demons, ang demonyo ay demonyo. Nagpapang—"
Mabilis akong tumayo at lumabas netong classroom. Natigilan 'yong Prof ko sa sinasabi niya at naramdaman ko rin ang paglingon ng mga classmate ko sa 'kin pero wala akong paki-alam. Ayoko ng marinig pa ang sasabihin ng Prof namin.
Hindi raw totoo ang mga multo? Huh! Eh anong akala niya sa mga nakikita ko noon? Joke? Hallucination? At ano si Sean? Demonyo?
Nahinto ako sa paglalakad at naikumos ang isang kamay dahil sa galit.
Hindi demonyo si Sean.
Sino ba siya para sabihin niya 'yon sa mga tulad ni Sean? Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko pinipigilan sanang 'wag maiyak pero kusa na lang itong tumulo. Ang sakit-sakit na sa dibidib, para na akong sasabog.
"Bakit ka ba kasi umalis Sean?"

BINABASA MO ANG
I Can See Ghosts
Adventure[Most Impressive Ranking - #1 in Philosophy] Meet Luna Sandrich Ruiz. A college girl who can see and talk to a ghost. If everyone thinks it's a blessing or a gift for her, it's a curse. She didn't have a normal life because, for her, she's not norma...