Luna's P.O.V.
Nahinto ako sa paglalakad ng marinig ang pangalan ko galing kay Rain.
"Bakit?" kunot-noong tanong ko habang nakatingin sa kaniya pero kanila Aia at Jeehan siya nakatingin ngayon.
"May dapat lang kaming pag-usapan ni Luna. You can go now Jeehan and Aia." Lumabas na rin si Jeehan habang naiwan lang na nakatayo si Aia, nakakunot ang noo at direstong nakatingin kay Rain. Ilinipat niya rin 'yong tingin niya sa 'kin at no'ng nakitang nakatingin din ako sa kaniya umiwas agad siya at lumabas ng pinto.
Para akong nanibago sa kinilos ni Aia. Okay lang ba siya?
"Nakalimutan ko kasi 'yong libro ko." Binalik ko ang tingin ko kay Rain nang magsalita ito. "May mga prayers do'n para maitaboy ang mga bad spirits, specially 'yong mga na-aattach sa isang bagay and unfortunately nakalimutan ko 'yong book na 'yon. Do you mind if ikaw ang utusan ko para kunin 'yon sa bahay ko?"
Hindi agad ako nakasagot. Hindi sa nagrereklamo ako pero bakit hindi siya ang kumuha? Ni hindi ko nga alam kung saan 'yong bahay niya.
"Pasensiya ka na, ikaw pa nautusan ko." Napakamot siya sa batok niya at ngumiti sa 'kin. "Naisip ko kasi baka maligaw sila sa daan. Medyo malayo rin kasi 'yon mula rito."
Dahan-dahan akong tumango. Oo nga pala mau-una sila Tash do'n. "Sige ako na lang ang kukuha no'ng libro."
"Oh, great! Thanks Luna." May kinuha siyang papel sa bulsa niya at inabot sa 'kin. "'Yan 'yong address kung saan 'yong bahay ko. Kulay itim 'yong libro na kailangan mong kunin do'n. Nandoon 'yon sa mesa kanina kaya makikita mo rin agad," sabi niya saka inabot naman 'yong susi. "'Yan 'yong susi ng kuwarto at no'ng bahay. And one more thing." Mula sa 'kin ay ilinipat niya ang tingin niya kay Sean na nasa likod ko lang.
"Sean?"
"Oh?" Halatang nagulat din si Sean ng tawagin siya ni Rain. "Bakit?" tanong niya ng makalapit sa 'min.
"Puwede bang sa 'kin ka na sumabay? Sa tingin ko kasi malaki rin ang maitutulong mo do'n. 'Di ko kasi sigurado kung anong oras makakabalik si Luna kaya mas mabuti sigurong sa 'kin ka na sumabay at mauna na tayo do'n."
Naalala ko bigla 'yong nangyaring insidente do'n sa school nila Sean, sa Hardwick University, 'di ba siya rin 'yong unang nakapansin na sinasapian pala 'yong estudyante doon? At mukhang gano'n din ang sitwasyon ngayon kaya mukhang tama nga si Rain, malaki nga ang puwedeng maitulong ni Sean sa kanila.
"Oo Sean sumama ka na kay Rain," sabi ko kay Sean na ikina-kunot ng noo niya na parang 'di sang-ayon sa sinabi ko.
"Thanks Luna."
-
"Ako ang nahihilo sa 'yo Sean," sabi ko sa kaniya dahil kanina pa siya pabalik-balik sa paglalakad at parang 'di mapakali mula no'ng dumating kami dito sa parking lot netong University.
Huminto rin siya paglalakad sa wakas at lumapit sa akin.
"Pa'no ka?"
"Mahuhuli lang ako ng konti pero susunod rin naman ako do'n. Kaya, sumama ka na kay Rain, sa tingin ko kakailanganin ka talaga nila do'n."
"Basta tumawag ka," sabi niya kaya tumango naman ako. Pagkaraan ay linapit niya ako sa kaniya at saka yinakap. "Mag-iingat ka Sandrich."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Ito 'yong unang beses na narinig ko siyang banggitin 'yong tunay kong pangalan kaya 'di ko rin maiwasang 'di mapangiti. Yinakap ko rin siya pabalik. "Ikaw din, Sean Matthew."
BINABASA MO ANG
I Can See Ghosts
Aventura[Most Impressive Ranking - #1 in Philosophy] Meet Luna Sandrich Ruiz. A college girl who can see and talk to a ghost. If everyone thinks it's a blessing or a gift for her, it's a curse. She didn't have a normal life because, for her, she's not norma...