Demosthenes' P.O.V.
"What happened to the patient?"
"She got hit in the head and became unconscious," mabilis na sagot ni Enid sa isang Doktor na lumapit sa 'min at tumutulong na rin sa pagtulak netong stretcher kung saan nakahiga si Luna. Nadatnan namin siya sa parking lot ng bahay ni Rain kanina na nakahandusay sa sahig, duguan 'yong ulo at walang malay. Nakita rin sa tabi niya ang isang bakal na may dugo sa dulo. Maaring 'yon ang ginamit ni Rain kay Luna tsk.
"Her vitals?"
"140 over 70. 110 bpm."
Binitawan na rin namin 'yong pagkakahawak namin sa stretcher ng nasa tapat na kami ng Emergency Room.
"Sorry po ma'am hanggang dito na lang po kayo," pigil no'ng isang nurse kay Tash nang akmang papasok ito sa loob kaya linapitan ko siya agad. "Tash, umupo ka muna," alok ko. Halata sa mukha niya ang sobrang pag-alala. Tumingin lang siya sa 'kin pero sumunod din naman. Umupo kami sa mahabang bench kung saan nando'n din 'yong mga kaibigan namin.
Napahilamos nalang ako sa mukha dahil sa mga nangyayari.
"Hindi ako makapaniwalang nagawa 'yon ni Rain," sabi ni Yagel na nasa tabi ko lang. Napailing na lang ako. Sino'ng mag-a-akala na kayang gawin ng isang Rainer Devilla ang mga 'yon. Kilalang-kilala siya sa University namin, rinerespeto at hinahangaan ng karamihan kasama na kami sa Psyche Organization. At kapag nalaman 'to ng buong University, siguradong pagpipiyestahan nila ang nangyari sa kaniya.
"Ang tagal na natin siyang nakakasama pero 'di ko man lang napansin na may sakit pala siya." Jeehan
"And killer!" mariing dugtong ni Tash. "Mabulok na siya sa kulungan."
Oo nga pala bukod sa nagawa niya ngayon kay Luna nasagasaan niya rin pala noon si Sean. Kapag napatunayan na nagkasala siya, siguradong doble-dobleng kaso ang haharapin niya.
Hindi ko kaya ang tensiyon dito sa loob kaya tumayo ako at sinubukang maglakad-lakad nang makasalubong ko sina Aia at Sydric na kakapasok lang sa entrance netong hospital.
"Anong balita?" mabilis na tanong ko sa kanila.
"Nasa presinto na si Rain ngayon. Iniimbestigahan na ng mga pulis." Tumango lang ako sa sagot ni pareng Sydric. Mabuti na lang at nakarating agad 'yong tito niyang pulis at iba pang mga kasamahan neto kanina.
"Si Luna? Where is she?" sunod-sunod na tanong ni Aia habang palinga-linga sa paligid bago dumiretso kanila Tash.
"Nasa loob pa siya ng Emergency Room ate Aia."
"How's her condition?"
Walang nagawang sumagot sa kaniya kaya napayakap na lang siya kay Tash habang umiiyak. "If something bad happens to Luna, I don't think I can still forgive myself."
Napabuntong hininga na lang ako.
"Magpapahingin lang ako sa labas," paalam ko kay pareng Sydric at tuluyang lumabas netong hospital.
Bukod sa ayoko ng pakiramdam 'pag nasa loob ng ospital, ayoko rin nakikitang nagkakaganyan ang mga kaibigan ko.
Tash P.O.V.
Sinubukan kong 'wag maiyak tulad ni ate Aia kaya yinakap ko na lang rin siya pabalik. "'Wag munang sisihin ang sarili mo ate Aia. Wala kang kasalanan dito. Let's just pray na walang masamang mangyari kay Luna."
"Excuse me."
Mabilis kaming nagkahiwalay ni ate Aia at tumabi sa gilid ng makita 'yong mga nurse tulak-tulak ang isang stretcher. Agad akong kinabahan no'ng makitang si Luna ang nakahiga do'n, wala pa ring malay. Saan nila siya dadalhin?

BINABASA MO ANG
I Can See Ghosts
Aventura[Most Impressive Ranking - #1 in Philosophy] Meet Luna Sandrich Ruiz. A college girl who can see and talk to a ghost. If everyone thinks it's a blessing or a gift for her, it's a curse. She didn't have a normal life because, for her, she's not norma...