I found myself walking in this Street full of darkness. Wearing my jacket, I embraced myself as it gets colder and colder. I tried to search if there are people out there, but there's no one.
May mga bahay nga, pero wala namang mga ilaw. Napakatahimik ng lugar pero hindi ko maramdaman ang kapayapaan at kapanatagan rito.
Sinubukan kong maglakad para makaalis sa lugar na ito ngunit bigla akong nahinto nang makita ang isang lalaki na nakatayo 'di kalayuan sa 'kin. Napakadilim sa bandang 'yon pero dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan, kitang-kita ko ang lalaking 'yon na nakasuot ng puting polo at puting pantalon. Hindi ko gaano'ng makita ang buong mukha niya pero sigurado akong nakatingin siya sa direksiyon kung nasaan ako.
I tried to walk near him so I can ask where the hell I am and how would I get out of here pero bigla na lang may lumitaw sa likuran niya dahilan para matigilan ako sa paglalakad. Isang matanda na naka-suot ng itim na damit at may hawak na isang kutsilyo sa kaniyang kamay na puno ng dugo. At ang mas ipinagtataka ko sa lahat ay kung bakit wala siyang mga mata!
Nagsisimula ng mamuo ang mga pawis sa noo ko dahil sa kaba. Nasaan ba talaga ako? At bakit ganito ang mga nakikita ko?
Ibinalik ko ang tingin ko do'n sa matanda na ngayon ay naglalakad na papunta sa direksiyon ko habang nakataas ang kutsilyo at nakaturo sa 'kin. It seems that I'm her target. At bago pa ako mawala sa katinuan ginamit ko ang buong lakas ko para tumakbo palayo sa matandang 'to.
Sinubukan kong 'wag lumingon do'n sa matanda. Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit wala na ako masyadong makita at puro mga naglalakihang puno na ang nadadaa-
'Ahhh!' mahinang daing ko nang dire-diretso akong mapadausdus pababa sa lupa. Napapikit na lang ako habang habol-habol ang hininga ko. Mabuti na lang at napahawak agad ako sa putol na kahoy na nadaanan ko dahil kung hindi ay baka tuluyan na akong nahulog.
Dahan-dahan akong lumingon sa baba at halos maiyak ng mapagtantong bangin nga ito.
While my left hand is holding on the tree, I used my other hand to climb up pero mukhang huli na ang lahat. This old granny is already standing above me. She raised her hand with a knife and without hesitation she hit me dahilan para----
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
"Oouuuuuch! Ansakit naman!"
Wait... Bakit parang sahig? Akala ko ba sa bangin??
When I opened my eyes it's not dark anymore. There's a cabinet and a bed which means...I'm in my room? Napabuntong hininga na lang ako at napahawak sa noo ko na sobrang pinagpapawisan.
Another bad dreams again, baka sa susunod bangungutin na talaga ako which is not good lalo na isang tulad ko na mag isa lang sa bahay. Sino na lang ang gigising sa 'kin 'pag nagkataon? Baka isang araw madatnan nalang ako rito ng walang malay.
Tumayo na ako galing sa pagkakaupo sa sahig at agad uminom ng tubig. Pagkaraan ay bigla namang nag-vibrate ang phone ko at pagtingin ko dito ay may tumatawag, si Jimin, best friend ko.
"Oh?" sabi ko sa kabilang linya habang hinihimas pa rin 'yong ulo kong nauntog.
"Ahmmn Luna.... I think I will not be able to pick you up."
"Ha? Bakit?" natataranta kong tanong.
"Something came up, I'm sorry."
"But you will still attend the party, right?"
"Ahh yeah, of course I will."
"Sige, kita na lang tayo mamaya."
"Yeah.. I'll hang up now, bye," nagmamadaling sagot niya saka in-end 'yong tawag. Napailing na lang ako.

BINABASA MO ANG
I Can See Ghosts
Abenteuer[Most Impressive Ranking - #1 in Philosophy] Meet Luna Sandrich Ruiz. A college girl who can see and talk to a ghost. If everyone thinks it's a blessing or a gift for her, it's a curse. She didn't have a normal life because, for her, she's not norma...