Tulad nga ng sinabi no'ng multo, sinundan ko si Sean papunta sa rooftop. Hindi ko alam kung bakit mas pinili ko pang sundin ang sinabi ng multong iyon kanina kesa ang umuwi na lang.Maliban din sa sobrang lawak at sobrang dami ng palapag na inakyat ko makapunta lang sa rooftop, nakapagdagdag pa sa pagkairita ko ang mga iba't ibang klase ng tingin sa 'kin ng ilang mga estudyante kanina.
Hindi ko nalang 'yon gaanong pinagtuunan ng pansin dahil kung iisipin, tama lang naman na gano'n ang maging expression nila gayong may isang babaeng bigla-bigla na lang pumasok sa loob ng school nila ng walang pasabi at kahit pa pinagbabawal ito rito.
Nang matunton ko na 'yong rooftop, si Sean agad ang hinanap ko ngunit medyo nahirapan ako dahil marami-rami din pala ang tao dito. May mga teachers pero mas madami ang mga estudyante na karamihan siguro ay narito para maki-tsismis lang naman. Tsismoso rin pala ang mga lalaki, psh.
Hinanap ko rin ang dalawang guard na naka-usap ko kanina pero gano'n na lang ang gulat ko ng makitang nakahandusay na ang dalawa sa sahig at parehong walang malay.
"Francis huminahon ka. Makinig ka sa'min 'wag na 'wag kang tatalon diyan. Parating na ang---" Paki-usap ng sa tingin ko ay isang guro base sa suot netong uniporme.
Ngunit, isang nakakakilabot na tawa lang ang isinagot ng estudyante.
"HAHAHAHAHAHA."
Kakaiba ang tawa na iyon, masyadong malakas at kulob ang boses neto na sa tingin ko ay hindi tugma sa boses ng isang ordinaryong tao lamang.
I hate to say this pero feeling ko parang may ibang tao sa katawan niya. Parang....
"Mga wala talaga kayong alam! Hindi ako si Francis, ako si Erwin! Ang estudyanteng namatay dahil sa mga kapabayaan ninyo."
.. totoo nga, sinasapian siya.
Maari kayang.. 'yon ang dahilan ni Sean kung bakit gusto niyang pumunta rito? Siguro alam niya na kanina pa na sinasapian ang estudyanteng ito kaya gano'n na lang siya ka-desperadong tumulong. Hindi ito isang ordinaryong suicide attempt lang tulad ng nasa isip ko kanina."Ano hindi niyo na naaalala? Edi ipapaalala ko!"
Seconds later hawak-hawak niya na sa leeg ang isang guro nang subukan nitong lumapit sa kanya.
"Pakialamerong guro! Sige sisimulan ko sa 'yo, Mr. Falcon."
Napaatras ang lahat dahil sa ginawa ng estudyanteng sinapian kaya ang kaninang nagkukumpulang mga tao ay parang bulang agad na nawala. Pero may mga mangilan-ngilan pa ring nanatili. Tatlong estudyante, ako, si Sean na nasa gilid lang pala na tulad ko ay nakamasid rin sa mga nangyayari at ang teacher na hawak ng estudyante.
Mas lalo pa akong kinabahan ng makitang may lumulutang na isang basag na bote sa ere hanggang sa napunta ito sa kamay ng estudyanteng sinapian at saka tinutok sa leeg ng teacher na hawak niya.
"Marunong ka na palang magkaroon ng pakialam sa estudyante mo! Pero bakit ako? Estudyante mo rin ako no'n pero hinayaan mo lang ako ma-expelled sa eskwelahang 'to dahil mas pinanigan mo ang tatlong yan," galit na galit na sabi neto sabay turo sa tatlong estudyanteng natira na may halong panlilisik ang mga mata.
"Alam kong binayaran niyo ang gurong 'to para idiin ako at hindi kayo ang isumbong sa mga kagaguhang ginawa niyo, pero ang hindi ko mantindihan ay kung bakit pati ang kaibigan kung si Francis tinakot niyo para magsalita laban sa 'kin... "
".. Hindi niyo alam kung anong hirap ang pinagdaanan ng pamilya ko ng malamang ang kaisa-isang anak na inakala nilang mag-aahon sa kanila sa kahirapan ay pinatalsik na sa kanyang paaralan dahil sa pagdiin niyo sa 'kin sa bagay na hindi ko naman ginawa!"

BINABASA MO ANG
I Can See Ghosts
Avventura[Most Impressive Ranking - #1 in Philosophy] Meet Luna Sandrich Ruiz. A college girl who can see and talk to a ghost. If everyone thinks it's a blessing or a gift for her, it's a curse. She didn't have a normal life because, for her, she's not norma...