Kabanata XV

72 5 0
                                        

Luna's P.O.V.

Sa tatlong taon ko sa school na 'to, masasabi kong ito na siguro ang pinakamaagang pagpasok ko.

6 am palang kasi, ni wala pa ngang sikat ng araw.

Nahinto ako sa paglalakad at napapikit nang maramdaman ang malakas na ihip ng hangin.

Napangiti ako.

May mas isa-saya pa ba ang araw na ito?

Nagpatuloy na ako sa paglalakad sa hallway habang nakangiti. Can't wait makita si Ms. Ogorida sa daan at ngitian ito.

Pero nahinto muli ako sa paglalakad ng mapansing may kakaiba. Napalinga-linga ako sa buong paligid. Asan 'yong mga estudyante? or mga prof? Wala ring mga sasakyan na naka-park sa gilid. As. In. Wala!

Weird.

Mukhang malabo ata mangyari 'yong plano ko kay Ms. Ogorida.

"Umamin ka nga, ano bang nakain mo at ang aga mong pumasok ngayon Luna?" biglang tanong ni Sean na nasa unahan kong naglalakad. Pagkaraan ay lumingon siya sa 'kin at nagsalita ulit, "Siguro kaya ka laging late pumasok kasi natatakot ka pag ganitong oras."

Huh? Sinasabe neto?

"Parang ghost town kasi, wala man lang katao-tao!" dagdag pa niya.

Napansin niya rin?

"Oo ghost town talaga 'to kasi andito ka!" sabi ko saka palihim na ngumiti.

Nakita ko naman kung paano biglang kumunot ang noo niya at saka napabulong, "Joke ba 'yon? Pero bakit parang 'di naman nakakatawa?"

Nawala agad ang mga ngiti ko at masamang tumingin sa kaniya. Bumulong pa, rinig na rinig ko naman. Nagpatuloy ako muli sa paglalakad at saka linampasan siya pero agad din naman siyang nakahabol.

"Yiee ikaw Sandwich ah joker ka pala."

Sumabay ulit siya sa 'kin at nagsimula naman sa kadaldalan niya.

Seryoso lang akong nakatingin sa harap not minding what he's saying.

"Ang lawak talaga netong school niyo 'no? Pero mas malawak pa rin 'yong amin hehe."

Pagkaraan ay nilipat ko ang tingin ko sa kaniya. Patalikod siya ngayon na naglalakad at nakaharap sa akin.

Ngayon ko lang 'to nakita ng malapitan. 'Yong puwede mo makita lahat ng details sa mukha niya. 'Yong saktong tangos ng ilong niya, 'yong ma-pula-pula na labi niya at 'yong mga mata niya, mga mata na sobrang kakaiba sa lahat ng nakita ko.

"Miss ko na rin pumasok sa school."

Kalain mong guwapo rin pala ang isang 'to? Matangkad, maputi at maganda rin ang tindig. 'Di bagay sa personality niyang parang bata.

"Miss ko na rin 'yong mga classmates ko, kahit 'di ko sila naaalala. Ako kaya? Naalala pa ba nila?"

Pero 'di ko rin maipagkaka-ila na napalapit na rin ako sa kaniya. Laging siyang nandiyan sa tabi ko whether I need him or not.

"Pero okay lang. Gano'n talaga. Tapos na ang buhay ko rito. Pero bakit kaya parang ayaw pa kunin ni Lord ang kaluluwa ko?"

And I can't deny the fact that most of the time, he's the reason why I always find myself smiling.

"Ano sa tingin mo Sandwich?"

22. It's been exactly 22 days since I met him.

"Sandwich?"

Kahapon lang may nakuha na kaming lead tungkol sa case niya. I feel happy and... sad at the same time. Minsan parang gusto ko na lang hilingin na sana matagal pa, matagal pa naming malaman kung sino 'yong killer niya, para 'di agad siya mawala.

I Can See GhostsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon