Kabanata XIX

57 2 0
                                        


Natasha's P.O.V.

Nagkatinginan kaming lahat no'ng magtanong si Luna. Paano namin nalaman?

Flashback

Pinatawag kaming lahat ni Kuya Syd ngayong umaga rito sa Org. Room. Biglaan nga eh, kaya wala na rin akong choice kundi magpaalam sa mga kasama namin sa food booth at dumiretso rito. Lahat kami, ay walang ka-ide-idea kung para saan 'to.

'Di kaya may panibago kaming kliyente?

Umiling ako.

I'm not sure with that, usually kasi si Kuya Ithan ang nagpapatawag sa 'min 'pag tungkol sa gano'ng bagay pero ngayon si Kuya Sydric.

"Someone needs our help." Napalingon ako kay Kuya Syd nang magsalita rin ito sa wakas.

"Really? Who? A new client?" sunod-sunod na tanong ni Jeehan. Tumango ako. Gano'n din yong iniisip ko kanina eh.

"Parang oo, na parang hindi."

"Ha?" sabay-sabay na tanong naming tatlo ni Jeehan at Enid.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong rin ni Kuya Ithan.

"Birthday ni Luna ngayon, and someone wants to throw a surprise party for her."

"Birthday?" gulat na gulat na tanong ko.

"Oo," tipid na sagot ni Kuya Syd.

Parang gusto kong maiyak. "Bakit 'di ko alam?" Pakiramdam ko ang sama-sama kong kaibigan. Ang tagal-tagal ko na siyang kasama tas 'di ko alam o kaya natanong man lang.

"Hayaan muna Tash,'' sabi ni Enid habang hinihimas ang likod ko. "May mga bagay talaga na hindi natin alam kahit sa mga close friends pa natin. Btw, saan nga pala si Luna? Buti na lang 'di mo sinama rito."

"Parang 'di siya pumasok ngayon. Wala siya sa booth namin eh," sagot ko.

"Perfect!" nakangiting sambit ni Ate Aia. "Makakapagplano tayo ng maayos. But Tash, make sure na makakapunta siya mamayang gabi."

"Sige! Ako ng bahala kay Luna," kampanteng sagot ko sa kanila. Mahirap mapapayag si Luna but I'll find ways.

BDO pala ang peg ko mamaya. Basta gagawin ko lahat, kailangan kong bumawi kay Luna!

"So, ano nga ba talagang plano?" excited na tanong ni Enid.

"First, he wants us to buy these." May inabot sa 'ming maliit na papel si Kuya Sydric kaya nakibasa agad ako.

Cake,

Flowers,

Balloons,

Confetti,

Etc...

"Teka lang Kuya Syd, sino ba talaga 'yang 'he' na 'yan at ang sweet naman masyado," tanong ni Jeehan na mukhang kinikilig dahil panay ang ngiti habang binabasa 'yong mga nakasulat sa papel.

"'Yong kaluluwang laging kasama ni Luna, si Sean, natatandaan niyo pa ba?"

Sean? 'Yon din 'yong kausap ni Luna no'ng isa ah.

"Ahh oo naaalala ko na, siya 'yong sinabi mo par na kasama ni Luna no'ng pumirma siya ng kontrata." Yagel

"How sweet of him. Btw, we'll take care of this na kuya Sydric. Tash and Enid, samahan niyo ko ah," sabi ni Jeehan saka binulsa 'yong papel. Tumango naman kami pareho ni Enid sa kaniya.

I Can See GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon