Kabanata VII

120 9 4
                                        

Nakaupo ako ngayon sa loob ng classroom habang hinihintay ang magiging bagong instructor namin ngayon.

Isang linggo na ang nakalipas pero parang kahapon lang 'yong nangyari sa school ni Sean. That was my first encounter with a spirit possessing someone's body.

At dahil sa sobrang occupied ko sa nangyari, 'di ko napansin na start na pala ngayon ng second sem. Pakiramdam ko tuloy parang dalawang araw lang 'yong sem break namin kahit na ang totoo no'n ay lampas isang linggo naman iyon. 

Akala ko sa pagpunta namin sa school ni Sean, do'n na matatapos ang misyon ko sa kanya, makakakuha ako ng impormasyon at payapa na siyang makakaalis pero hindi 'yon nangyari.

Wala akong ibang natanggap kundi 'thank you' galing sa ibat-ibang mga bibig ng mga teachers na nandoon. Pinatawag rin ako sa Office of the President para pormal daw na pasalamatan ng kanilang President.

Nang maka-usap ko ito,  masasabi kong mukha siyang mabait dahil sa napakalumanay netong boses sa tuwing magsasalita,  idagdag mo pa 'yong madalas niyang pag-ngiti sa tuwing ka-usap ko. Marami siyang itinanong sa 'kin hanggang sa napunta ang usapan sa tunay na sadya ko sa school na ito. Bigla na lang nag-iba ang aura niya no'n nang marinig 'yon sa akin lalo pa ng banggitin ko sa kanya si Sean Matthew Moreou. Nagkaroon ako ng pagkakataon para itanong sa kanya ang mga bagay na gusto kong malaman ngunit bigla na lang siyang natahimik na animo'y may di kanais-nais na na-alala.

Sa huli, hindi niya rin sinagot ang mga itinanong ko at nagdahilang masyado raw confidential ang mga ito. Hindi raw sila naglalabas ng kahit ano mang impormasyon tungkol sa mga estudyante nila roon.

Pagkatapos ay pina-alis niya na rin ako sa office niya. Gustuhin ko man sanang manatili sa school na 'yon at makapagtanong sa iba ay hindi ko na nagawa nang escort-an na ako palabas no'ng dalawang guard.

Nakalabas kami sa gate na 'yon ng wala man lang napala. Nakatulong siguro oo.

Pati 'yong kaluluwang nagpakita sa 'kin bago ko sundan si Sean ay hindi na rin nagpakita. Hindi siya tumupad sa usapan! Kung sino man siya, humanda siya sa 'kin pag nagkita ulit kami.

Pero sino nga ba talaga siya? At bakit kilala niya si Sean Matthew?

"You!"

Napatingin ako sa unahan nang biglang may nagsalita ng malakas. At mas lalo pa akong kinakabahan ng mapagtantong ang tinutukoy niya'y ako.

"Yes... sir?" kinakabahan kong tanong.

"What is my last word?"

what?

Napalunok na lang ako ng marinig iyon. Paano ko ba 'yon masasagot?

"Ahmnn... "

"Art, that was his last word.  He was referring to your new subject Sandwich"

Napawi agad ang kaba ko ng marinig ko 'yon kay Sean. Buti  naman at nandito na siya, iniwan ko lang 'to kung saan kanina eh.

"Art... Sir,  that.. that was your last word,  since you are referring to the subject you are going to teach."

"Good. I thought you are not listening. Are you now?"

"Yes.. Sir," nakatungo kong sagot.

Tumalikod na siya after kong sumagot at saka bumalik sa unahan. Muntikan na.

Pero ba't gano'n? Mukhang tama naman 'yong binulong sa 'kin ni Sean pero parang di pa rin siya na-convince na nakikinig ako? though hindi naman talaga.

I Can See GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon